"Our room?" Mahina kong sabi. Tiningnan niya ako sandali bago tumawa ng mahina.

He bite his lips and brushed his hair using his hands. I found it cool. Yong puso ko nagwawala na naman.

"Ahh, isa lang kasi yong kwarto dito. What's wrong?" Natatawa niyang sabi.

"Anong what's wrong?"

"Fine, sa kama ka sa sofa ako." Tiningnan ko siya ng seryoso, pinagtawanan naman niya ako.

"What? Don't worry, I will not do anything without your permission. I'll make sure that you'll ask for it before I do something with you." Nakangisi niyang sabi. Wala, wala akong masabi lalo pa at ang init ng mukha ko.

"Talaga lang, dahil hindi ako magdadalawang isip na sapakin ka pag may ginawa kang kalukuhan." Sabi ko.

"Hmmm let's see."Sagot niya.

"Ano ba?!" Singhal ko kaya natawa ulit siya.

"Oo na, grabe naman to. Hindi naman ako maniac. Maniac lang ako sa nagpapamaniac." Nakasimangot niyang sabi. Napailing naman ako.

"Grabe." Bulong ko bago siya talikuran. Iisa lang naman ang kwarto kaya hindi na kailangang ituro pa. Kinakabahan ako, jusq bakit naman kasi iisa lang ang kwarto dito. Pagkapasok ko sa loob ay agad akong humiga, nahihilo ako. Nakakasuka sa pakiramdam, gusto ko pa sanang magpalit ng damit ngunit ang sama ng pakiramdam ko.

Nagising ako kalaunan ng may naramdaman akong mabigat na bagay na nakadagan sakin. Unti-unti kong minulat ang aking mga mata at agad ding napangiti. He's sleeping peacefully. Nakayakap ang kamay niya sa bewang ko at bahagyang nakadantay ang kanyang binti niya sa binti ko.

"Sa sofa pala ah." Mahina kong sabi tsaka ko hinaplos ang buhok niya.

"Mahirap pa ring paniwalaan na kasama kita ngayon. Alam kong possibleng magbago ang lahat, hindi man ngayon ay baka bukas. Kapag tungkol sayo, pakiramdam ko ay wala akong pinaghahawakan gayong may karapatan naman ako sayo." Pagkausap ko sa kanya. Gusto kong magdrama kahit tulog siya. "Natatakot ako na baka isang araw iiwan mo rin ako gaya ng ginagawa mo sa iba. Nakakatakot pero sumugal pa rin ako. Nakakatawa hindi ba? I knew it and yet I still want to be with you." Dagdag ko at bumuntong hininga. Tinigilan ko na rin ang paghaplos sa kanyang buhok. Tinitigan ko siya mula sa kanyang makakapal na kilay, mahahabang pilik mata, matangos na ilong hanggang dumapo ang aking paningin sa mapupula niyang labi.

That sinful lips really taste good.

And can perform better. 

Napapikit ako sa ideyang yon. Tangina nagiging maniac na ako.
Dahan-dahan akong umalis sa pagkakayakap sa kanya at nagpalit nang damit. Muli ko siyang tiningnan at nang masiguro kong mahimbing parin siya ay agad akong lumabas ng silid. Nagugutom ako pero ayaw ko naman siyang gisingin.

Nang makalabas ako ay nakasalubong ko si Mang Pipeng.

"Magandang hapon mang Pipeng."

"Magandang hapon din po ma'am Angela. Oo nga pala, may ipinahanda si Sir na pagkain baka gutom kana ma'am. Pwede ko kayong samahan doon."

"Nako maraming salamat mang Pipeng. Tamang-tama at medyo nakaramdam na ako ng gutom. Gigisingin ko lamang po si Anthon, susunod po kami agad. "- sagot ko.

" Sige po ma'am. " Agad akong bumalik sa loob upang gisingin na talaga siya.

"Anthon?" Pagtawag ko.

"Hey wake up. Nakahanda na daw ang pagkain. "- Sabi ko ulit ngunit hindi parin ito kumilos. Ang hirap naman gisingin nito.

"Baby.." Sabi ko, nakita ko ang pagguhit ng kaunting ngiti sa kanyang labi. Aba'y gising naman pala ang  loko pinagtitripan lang ako.

"C'mon gutom na ako eh, Anthon naman." Sabi ko pero ayaw parin. Aba'y sinusubukan talaga ako nito tingnan natin.

"Wag ka talagang hihingi ng halik sakin." Bulong ko ngunit sigurado akong narinig niya. Tatayo na sana ako nang bigla niya akong hilahin at talagang diretso akong napahiga sa kama habang siya ay nasa ibabaw ko na. Hanep, ninja moves.

"What did you call me?" Tanong niya habang nakatitig sakin.

"Ha? Wala naman ah." Sagot ko.

"Meron, hindi kita pakakainin kapag hindi mo ulit sinabi yon." Napanguso naman ako.

" Alin ba don, nakikinig ka lang naman pala ah."

"Well?"

"Fine, baby." Sagot ko. His lips form a smile and in an instant his lips pressed mine. It was a deep kiss, a passionate kiss and it feels so new.

"Hmmm." Napadaing ako nang mas lumalim ang halik niya hanggang sa dumako ang halik niya sa leeg ko.

"Nagugutom ako." Hinihingal kong Sabi. Grabe, nahihirapan akong huminga. Tumigil siya ngunit nanatili pa rin sa leeg ko ang labi niya.

"Hoyy, nagugutom nga kako ako." Sabi ko ulit. Naramdaman ko ang paggalaw ng labi niya sa leeg ko at hula ko ay ngumiti siya.

"Nagugutom din ako,  pwede bang ikaw muna kainin ko?" Sagot niya agad na dumapo ang kamay ko sa sikmura niya.

"Ouch! Aray ko." Daing niya habang humihilata sa kama dahil sa sakit.

"Shut up. Yang bibig mo talaga." Pasiring kong sabi.

"Ang sakit ng tiyan ko." Likramo niya.

"Wag ka ngang umarte diyan, mahina lang yon eh. Tara na kasi, kanina pa ako gutom. Kapag gutom ako nananapak ako sige ka. " Pagbabanta ko. Tiningnan niya ako na parang hindi naniniwala.

"Nananapak ka nga kahit hindi gutom eh." Napanguso naman ako, pinipigilan na huwag matawa.

"Sorry na." Sabi ko pero tinalikuran lang niya ako. Aba umaarte ang isang babaero.

"Ok, bahala ka diyan. Kakain ako mag-isa ko." Sabi ko sabay tayo ngunit agad din akong napaupo nang bigla niyang hablutin ang aking kamay. Diretso akong napahiga at sa isang iglap nakakulong na ako sa dalawang kamay niya. Nakatingin siya sakin ng seryoso.

"I was amazed by how you punched but....the next time you punch me I'll going to punish you.....not by punching you back but in bed. You know what I mean, so careful." He said before he left me dumbfounded.

To be continued,

Falling In Love To A Womanizer | OngoingNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ