"So that's what happened, huh? That's why you're alone here in your dorm right now?" Kitang-kita sa mukha ni Amox ang kaonting pagsisisi na naintindihan ko kaagad kung para saan. Parehas kaming naka-upo at nakasandal sa head board ng kama ko, kaharap namin ang mini projector na binili namin nina Iya sa online shop. Share-share pa kami rito.

"Mm-hmm. Pure tension kasi, Doc. Mabigat sa pakiramdam."

"I'm sorry, I wasn't there." Hindi ako nahihiya na sinasabi ko kay Amox na umiyak ako nang lubos, pakiramdam ko kasi'y hindi at walang problema kung maging mahina ako sa harap niya. Walang kaso kung ako ang matapang na Bheanna o ang iyaking Afidahrielle sa harap niya.

I am confident that Amox accepts my strengths and weaknesses.

"Hindi mo naman kasalanan, Adi. Oras na rin siguro talaga na harapin namin ang mga problemang 'yon," tukoy ko sa nangyaring pag-aaway nang nakaraan.

May ideya ako sa kung ano'ng mga nangyayari sa dorm, pero alam ko rin sa sarili ko na hindi ko iyon masyadong pinagtuunan nang pansin. Ang daming what-if, na kung baka nagbigay ako nang effort para hindi na umabot pa sa ganito ang problema— hindi na sana iyon mangyayari. Sana'y hindi ko in-underestimate ang pagiging matapang ng mga kaibigan. Kasi sa tutuo lang, pare-pareho lang naman kami, matapang pero mga madaling mabasag.

"I'll stay here again for the night and the other night. " Nakataas ang kilay kong binalingan si Amox, kampanteng-kampante talaga siyang naka-upo lang sa gilid ko na parang pagmamayari niya ang dorm space.

His masculine body doesn't seem so off with the girly palette that the dorm space has. Amox can simply blend in, maybe because he knows how to, and he wants to.

"Hindi ka naman scholar dito, eh!" wari ko kahit pa gusto ko talaga ang ideyang iyon. Mayabang na humalukipkip si Amox, "I already stayed here before, remember? And besides, I can pass as a scholar here, Bhea. I got an email from the office of the Pres. I am bound to be a part of the President's Listers." Wow. Hindi Academic Lister o Dean's Lister dahil talagang umabot siya sa PL? Grabe, alam kong hindi nagyayabang si Amox pero sadyang tutuo lang ang sinasabi niya, hindi na ako magtataka kung puros uno ang grado niya.

"Ang tali-talino mo kasi. Saan mo ba dina-dala ang talino mo?" Consistent top 1 Deans Lister ng buong CAMS, at kahit pa nagka problema sa ospital nila'y hindi niya napabayaan ang pag-aaral.

"In my head?"Sarkatiko akong hinarap ni Amox na parang ang common sense ng tinanong ko. Nangmamata pa ito at sinuri ako mula ulo hanggang paa. Gawad niya ang tingin na parang nanghuhusga.

"Saang head? Upper or lower?"

"Upper." He sighed. Tss, of course, alam kong iyong taas na ulo. I just want to tease him, no! Natutuwa kasi ako kapag na-fru-frustrate si Amox. Laging parang nagkakaroon nang malaking dilemma sa ulo niya. 'Di mo lang sure kung saang ulo ba, gano'n. HAHAHA.

"So ano'ng function ng lower head?"

"Are you teasing me again?" Mas lumalim ang malalim nang boses ni Amox, para rin siyang hinuhugutan nang hininga. His voice was breathy and seductive that I almost hissed.

"Third base?" pilya kong imik kaya mabilis na tinakpan ni Amox ang bibig ko at nag-focus na lang sa harap ng projector screen na nasa pader.

"Wholesome Netflix and chill only for tonight, Afidahrielle." Sumibangot ako't inalis ang nakapatong na unan sa aking hita para kumandong sakaniya nang paharap, stranggling his lower abdoment as I wrapped my legs around his body.

"Wala ka namang magagawa kung gusto kong pum'westo rito," I stated as I start playing with his messy soft hair.

"Adi..."

The Last Dusk of Solitary | One Last Series # 1Where stories live. Discover now