[6]

0 0 0
                                    


Inis akong napaupo sa hinihigaan kong sofa. Buong damag akong hindi nakatulog dahil hatinggabi na kami nakarating ng bataan plus  nahiga lang din ako sa maliit na sofa kaya nahirapan akong makatulog.

Galit na bumangon ako sa sofa saka pinagkatitigan ang malaking kama na hindi man lang nagalaw. Talagang inisahan ako ng isang 'yon.

Kagabi ,Pagkarating namin dito sa hotel, tinalo ako nito na sa iisang room kami matutulog. Akala ko biro niya lang pero ng magtanong ako sa front desk ay napatunayan ko ngang isang room lang ang pinareserve nito. Buong damag ako naghintay sakanya ng lumabas ito ng kwarto. Balak ko pa sanang makipagpatayan para lang sakin mapunta ang kama pero out of nowhere hindi na bumalik ang gague.

Unang bumungad sakin ang malalaki kong eyesbags habang nakatitig sa salamin. Huminga ako ng malalim. So eto na pala ang sinasabi niyang pagbabayaran ko dahil sa ginawa kong pagpapakain sakanya sa karenderya.

Hindi na ako nagisip pa at nagayos nalang ng sarili. Naligo at nagpalit ng damit. Nahalughog ko na ang buong laman ng bag ko at wala ako nakitang matinong damit.

Mahabang pagiisip ang ginugol ko para maalala kung ano ang  nangyari sa mga damit kong dapat sana ay dala ko. Saka lang sumagi sa isip ko sina Dencio. Siguradong sila ang salarin sa pagpapalit ng mga damit ko. Inis kong di-nial ang cellphone number ng apat pero lahat ito ay out of coverage. Mga punyeta talaga.

Wala na akong nagawa kundi suotin ang mga damit na nasa bag ko.

Masamang tingin ang ibinibigay ko sa boss ko kapag napapadpad ang tingin nito sakin.  Alam kong pinipigilan lang niya ang tumawa dahil sa kausap nito ang ka meeting.

Pinabayaan ko siyang tuwang tuwa sa suot ko ng magkasama ulit kami.

"Anong trip mo sa buhay at 'yan ang suot mo?" . Namumula na ang magkabilang pisngi nito sa kakatawa. Mas pinasama ko lang ang tingin ko saka naglakad na ng matulin palayo sakanya. Hinabol ako nito at ginaya ang tulin ng lakad nito sakin.

"Hindi ko alam na sabay sa uso ka pala ngayon"

Inirapan ko ito.

"You know.. Hindi naman masama kung ganyan ang suot pero sana inaayon mo sa lugar na pinupuntaha"
Huminto ako sa paglalakad saka ko siya tinignan ng masama.

"Oh ano.. sasaktan mo 'ko?" pagbibiro pa nito.

Hindi na nga ako nakatiis at tinuhod ko ito sa kaliwang legs niya. Napaluhod ito sa sakit kaya binigyan ako nito ng masamang tingin. Tinaasan ko lang siya ng kilay sabay lakad paalis sakanya. Narinig ko pa itong sinigaw ang pangalan ko pero inindya ko lang ito.

Buong araw akong naglakad lakad sa labas. Hindi ko na ikinahiya ang suot ko. Para saan pa? Eh mapa loob man ako ng hotel pinagtitinginan ang suot ko. Ganun lang din naman kaya kesa naman buong araw akong tunganga doon mas mabuting sa labas nalang.

Tinupi ko ang mahaba kong medyas na pinares sa puting rubber shoes ko. Dahil sa damit ko at itim na shorts hanggang tuhod nagmukha tuloy akong magjojogging.

Umalis ako ng hotel ng di nagpapaalam sa magaling kong boss. At bakit ako hindi? I have the rights to do whatever I want . Tsaka busy 'yon. Hindi nu'n mapapansin na wala ako.

Nang tanghali ay sa isang karenderyahan ako kumain. Buti nalang at may extra akong pera.

Sa pagod ko sa buong araw na paglalakad lakad ay naupo ako sa may plaza.

Hindi ako familiar sa plaza dito dahil first time ko naman makapunta dito sa lugar. Ou nga pala malapit na ang pasko. May mga palamuti na sa buong plaza. Hindi pa nga lang tapos ang malaking Christmas tree na gawa sa mga plastic bottles. Maganda ang pagkakagawa. Sari sari din ang mga pailaw na nakapaligid sa bawat puno. Kung di ako napadpad dito 'di ko sana maaalala na magpapasko na. Hay buhay. Masyado nga talaga ako naging abala sa paghahanap ng pera nitong mga nakaraang linggo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 04, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hidden Lips (MYM series 1) - On GoingWhere stories live. Discover now