Naiinis ako sakanya. Kung di ko lang talaga kailangan ng trabaho ay hindi ko siya pakikisamahan.

Matapos ko siyang maihatid sa kompanya niya ay umuwi na din ako. Sinabi niya naman na mamayang alas 4 pa ang alis namin. Nang makauwi ay naroon pa rin ang  apat. Nagtaka ang mga 'to kung ba't napaaga ang uwi ko. Sinabi ko sakanila na aalis din ako at magpapaalam sa ama ko.

Nang makapagpaalam ay napayagan naman. Sinabi ko na rin ang klase ng trabahong napasukan ko para hindi na ito mabahala pa.

Namalagi ako sa bahay. Nagluto ng hapunan at doon nakikain sinda Dencio, Romer, Ramon at Patrick. Lahat ito ay nagulat ng malaman na driver ako ng isang mayamang business man. Lahat ng tanong nila ay sinagot ko naaayon sa gusto ko. Hindi ko lang binanggit ang pangalan ng boss ko at baka tuluyan na akong patigilin ni papa sa pagtatrabaho.

Si Xy ang boss ko at siya rin ang naghahabol sa lupang tinatayuan ng tenement na tinitirhan namin. Hindi nila magugustuhan 'pag na nalaman nila na dito ako nagtatrabaho.

"Magiingat ka do'n Lian, malayo ang bataan dito. Baka marinig kana lang namin na umiiyak sa telepono at kumbinsihin kaming sunduin ka" ani Patrick.

"Kaya dapat may load ka. Pagdating mo doon magchat ka sakin. Ililibre kita ng load" sabi naman ni Ramon.

Natutuwa ang mga 'to sa panloloko nila sakin. Hinayaan ko lang. Malabong mangyari ang pinagsasabi nila.

"Baka pagdating mo doon magkaboyfriend kana ha?".

Kunot noo akong tumingin kay Romer.

"Oh bakit?  Mali ba? Naku... baka lang naman. Hindi sigurado pero hindi  malabong mangyari".

Inisnaban ko lang ang sinabi nito.

"Basta magiingat ka do'n. Wag kang maglalalapit sa mga di mo kakilala doon. Dumikit ka lang sa boss mo"

Doon ay mas lalong umasim ang mukha ko. Hindi naman talaga ako maglalalapit kahit kanino pa at mas lalong hindi sa boss ko.

"Joke lang!  'to naman. Di ka talaga mabiro" ani Dencio sabay akbay sakin. "Bawas-bawasan mo naman 'yang pagiging seryoso mo. Nakakabaliw kasi 'yang tingin mo" dagdag pa nito

Saktong alas 4 ako ng makarating . Nakasandal ako sa sasakyan ni Xy at hinahabaan pa ang pasensya habang hinihintay siya. Naglaro nalang ako ng ml, nasa epic na ako at napapabayaan na din dahil sa trabaho.

"Anong ginagawa mo?" 

Napaangat ako ng tingin ng marinig ang boses ng taong kanina ko pa hinihintay. Tamad ko itong binigyan ng direksyon. Tinuro ko ang backseat para doon siya maupo. Hindi ito nakinig kaya ako na ang naunang pumasok sa loob.

"Hindi ka ba talaga nakikinig? Anong ginagawa mo? Ba't di ka nagrereply sa mga text ko? Kanina pa ako text ng text sayo ah!".

Nagsusungit nanaman ito.

"Pasensya na sir ha? busy lang ho" sabi ko naman.

"Busy ka? 'Yan ang tinatawag mong busy?  Ang paglalaro mo sa cellphone mo?

Pairap akong lumingon dito sa likod. Nagisip muna ng tamang salita bago ito sinagot.

"Di na mauulit"

Matapang pa rin ang mata ko habang nakatingin sakanya. Nang binalik ko na ang tingin sa harap ay saka lang ito nagsalita.

"You should take note that in work hours discipline yourself. Hindi mo ako kapareha, Lian"

Mababa ang boses nito lalo na ng sinambit nito ang pangalan ko. Hindi na ako umimik. Hindi naman siya magpapatalo dahil boss ko siya at dahil isa rin akong hindi nagpapatalo. But for now give way muna ako.

"Huminto ka sa malapit na restaurant. We'll eat dinner"

Pasok-labas lang sa tenga ko ang sinabi niya . Tinake-note ko nalang na bababa kami sa malapit na kainan.

Nakasandal ako sa upuan at nakapatong ang kaliwang kamay sa sandalan habang ang isang kamay ay ginagamit ko sa pagmamaneho. Ganoon lang ang pwesto ko hanggang sa inihinto ko ang sasakyan sa malapit na karenderya.

Napansin ko ang paghalughog ng tingin ng kasama ko sa paligid ng makababa kami.

"Doon tayo boss"

Turo ko sa karenderya at nauna ng pumasok. Ako na ang naghanap ng pwesto at ng makaupo ay masamang tingin ang ibinigay nito sakin. Nagkibit balikat lang ako at di na pinansin ang masamang paninitig nito.

Ako na ang nagorder ng makakain. Tahimik si Xy habang nakatingin sa ginagawa ng ale sa harap namin. Nang makaalis ang ale ay nagsalita na ito. Mukhang naghintay ito ng timing para pagsabihan ako.

"What are you doing Lian? Hindi ka ba talaga nakikinig sa sinasabi ko? Ang sabi ko restaurant at hindi sa ganitong lugar"

Mataman akong nakatingin at patango-tango sakanya. Iniinsulto siya.

"Your insulting me woman".Lumakas ang boses nito. "Get up now. We're not going to eat here" Nakatayo na ito at medyo may kalakasan na ang boses. Pinagkatinginan kami ng mga tao pati na ang tindera. Huminga ito ng malalim saka naupo ulit.

"You'll pay for this woman" galit na bulong nito sakin. Ako naman ay sinenyasan siyang lumapit. Nang makalapit ito sakin ay binulungan ko ito. "Masarap dito" sabay cross ng mga daliri ko. Lihim akong napangiti sa kabaliwang ginawa ko. Nakita ko nalang ito na napapahilot sa noo. Kinakalma ang sarili.

Hidden Lips (MYM series 1) - On GoingWhere stories live. Discover now