Chapter 1

2.2K 40 3
                                    

Chapter 1

Author's POV:

"Moooom. We're bored to death! Sabi mo dati pag nakagraduate ako ng high school, Ate Julie and I can take a one year vacation?" Pagpapa-alala ni Joanna sa ina.

"JM is right mom!" Pag sang-ayon naman ni Julie.

"Sabi ko naman kasi sa inyo, kung gusto niyo ng mahabang bakasyon, edi doon kayo sa Daddy niyo." Sagot naman ni Marivic at nilagay ang cookies sa oven. Pagkatapos ay umupo sa counter ng kitchen kung nasaan ang dalawang anak niya.

"Pero nandun si Chantal." Nakasimangot na sabi ni Julie at inaalala ang mukha ng step sister niya.

"Ano naman?" Ani Marivic.

"Mom! She's a liar, pathetic, and bipolar. Nobody wants to go with her!" Joanna beamed and snorted.

"Ma, what if sa vacation house na lang po ni Ninang P?" Tanong ni Julie sa ina.

Sandaling nag-isip si Marivic. "Sandali nga, girls." Kinuha nito ang phone niya at may tinawagan.

PHONE CONVO

Marivic: Pia! Mare!

Pia: Oh, Mars. Napa-tawag ka?

Marivic: Tanong ko lang kung may extra pa kayong vacation house dyan?

Pia: Ahhm, meron mars. Kaso, nandun na yung dalawang anak kong lalaki.

Marivic: Malaki naman 'yong bahay 'di ba? And may extra rooms?

Pia: Oo, meron.

Marivic: Ayos lang kahit nandun yung dalawa. Sina Elmo at Arkin ba yun?

Pia: Yeah. Sila nga.

Marivic: Mars, okay lang ba? Nangungulit kasi yung inaanak mo at si JM eh.

Pia: Sure. Just tell me kung kailan sila pupunta, okay?

Marivic: I will! Thanks mars! The best ka talaga! (Natawa) Spa tayo tomorrow!

Pia: I love that! Sige sige. Byeeee!

Marivic: Bye!!!

END OF PHONE CONVO

"Oh, ayan! Ayos na! Kailan niyo ba gusto?" Tanong ni Marivic sa dalawa.

Mabilis namang lumiwanag ang mukha ng dalawa. "Now na, Ma! Thank you, love youuuu!" Excited na sabi ni Julie at hinalikan pa ang pisngi ng ina pagkatapos ay nagmamadaling umakyat para ayusin ang mga gamit niya.

"Thank you din, Mama. Love you!" Sabi rin ni Joanna at nag flying kiss sa ina tapos sinundan ang Ate niya.

*** *** ***

"OMG! Ate, ang ganda ditooooo!" Kinikilig na sabi ni Joanna while checking the place out. Sa mismong araw na 'yon ay hinatid ang dalawa ni Marivic sa vacation house nina Pia sa Zambales. More of a modern house ang design ng vacation house tapos sa harapan nito ay white sand beach at may yate pa sa gilid.

"I know right! Eeeeeeh! Kinikilig akooo!" Sabi ni Julie at inalog pa ng marahan ang braso ng kapatid. "Halika, pasok na tayo!"

Sinalubong sila ng mga maids at kinuha ang mga gamit nila at inakyat ito sa sari-sarili nilang kwarto. Pinaupo naman ang dalawa sa couch.

"Hello po, ako nga po pala si Julie Anne San Jose. Julie na lang po ang itawag ninyo sa akin." Naka-ngiting sabi ni Julie sa mga maids at housekeeper.

"Ako naman si Soledad. Manang Sol nalang ang itawag mo sa akin. Napaka-ganda mo hija, Ilang taon ka na?" Tanong ng isang matandang babae.

"Salamat po. 21 na po ako." Medyo nahihiyang sambit ni Julie.

365 Days With You (JuliElmo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon