Chapter 7: Ang Simula

20 0 0
                                    

Alanni. 


Apat na araw. 


May apat na araw akong natitira bago bumalik si Kou mula sa kanyang misyon at bago mangyayari ang duel naming dalawa. Napabuntong hininga ako habang nakahiga sa kama at nakatitig lamang sa kawalan. 


Hindi ko pa sya nakita na makipag laban ng totohanan kung kaya't hindi ko rin alam kung ano ang unang hakbang na kailangan 'kong gawin para mapagtagumpayan ang plano ng Presidente. Hindi ko rin alam kung ano ang kanyang totoong layunin sa likod ng duel. Gusto nya na ilabas ko ang demonyo sa akin ngunit sa oras na mangyari 'yon, kahit pa man naroon ang presensya ni Russel, ay magiging mahirap pa rin para sa kanila na pigilan ako. 


Napakunot na lamang ang noo ko. Unang hakbang? Kailangan ko pa ba maghanda para rito? E, kung sarili 'kong kakayahan na gustong makita ng Presidente ay hindi ko man lang ma kontrol. 


"Sagabal." Bulong ko sa sarili dahil sa inis. 


Wala akong makitang magandang makukuha ng Presidente sa kagustuhan nya na ito. Siguradong gulo lamang ang mangyayari.


Dumaan ang ilang minuto na wala akong ginawa kundi ang titigan ang kawalan. Labis na pagkalito ang nararamdaman ko ngayon pero alam ko na wala naman akong panahon para manatili sa gantong sitwasyon lamang lalong lalo na kung ayaw 'kong matalo. Sa pagkakakilala ko kay Kourex Gaell ay isa syang nilalang na walang interes sa mga tao sa kanyang paligid ngunit kapag nasa harap na sya ng kalaban ay siguradong hindi sya magdadalawang isip na patayin ito kung kinakailangan. 


At sa sitwasyon ng nakakubling abilidad ko, ako ang perpektong kalaban para sa kanya upang lumabas ang totoong nakakaya nyang gawin. Napangisi na lamang ako. 


So ito ang plano ng presidente. 


Hindi nagtagal ay nakarinig ako ng iilang katok sa aking kwarto kaya napabuntong hininga na lamang ako. Hinayaan ko na magtagal iyon ng ilang minuto bago ako tumayo mula sa pagkakahiga. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maisaisip kung gaano kalaki ang aking kwarto na animo'y tatlong tao ang maninirahan. 


"Sino 'yan?" Mahina ngunit sapat lamang na lakas ng boses 'kong tanong. 


"Pakibukas muna, pwede?" 


Napanguso na lamang ako nang marinig ang isang pamilyar na boses. Anong ginagawa nya rito? Siguro ay narinig nya na ang tungkol sa mangyayaring duel laban sa akin at sa kanyang matalik na kaibigan. 


Dahan dahan akong naglakad papalapit sa pintuan at nang buksan ito ay hindi na ako nagulat nang bumungad sa akin ang nakangising mukha ni Russel. Bahagya ko syang binigyan ng espasyo nang maglakad sya papalapit sa aking kwarto upang silipin ito. Nakatitig lamang ako sa kanya. 


"Anong kailangan mo?" Tamad 'kong tanong sa kanya kahit pa man may ideya na ako kung ano ang ginagawa nya rito. 


Bumaling sya sa akin, "Maluwag ba sa kalooban mo na bigyan ako ng kaunting oras mo ngayong araw?" 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 31, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Vicious Prisoners of ArendiaWhere stories live. Discover now