Chapter 2: Captured

34 0 0
                                    

Alanni

Nakakuyom ang aking kamao habang mabilis ang pagtakbo papunta sa bahay. Hindi ko mapigilang manggigil sa bawat paghakbang ng paa ko kung kaya't nadadamay ang dinaraanan ko. Mabigat ang bawat pag apak ko kaya mayroong maliliit na sira ang daanan. Wag lang talaga nilang idadamay ang lola ko dahil hinding hindi ako magdadalawang isip na ubusin ang enerhiya ko para lamang mapabagsak ang plano nilang makuha ako. 


Nang malapit na sa bahay ay ginamit ko na ang ability at tumalon. Nang bumagsak ako ay nasa loob na ako ng bahay. Nasira ang bubong dahil sa pwersahan kong pagbagsak mula rito. Inilibot ko ang paningin at ramdam ko ang panginginig ng aking kamay. 


"La? Lola!" Buong lakas kong sigaw ngunit nagdaan ang ilang segundo ay nanatiling tahimik ang bahay. 


Napamura ako at umakyat papunta sa kwarto ni lola. Nang makarating ako sa harap ng pinto ay buong pwersa ko itong sinuntok dahilan para masira ito. Natutop ako sa kinatatayuan nang makita ang isang pigura na nakatalikod sa akin. Base sa kanyang tindig at tangkad ay malayong malayo ito sa lola ko. Walang duda, isa sya sa kanila. 


Ngunit ano 'tong nararamdaman ko? Nakatalikod palang sya sa akin pero ramdam na ramdam ko na ang presensya nya. Malakas ang presensya na kanyang binibigay. Pinipigilan ko ang panginginig ng aking tuhod dahil sa kakaibang nararamdaman. Ano 'to? Anong klase syang ability user? 



"Damn that Russel. Making a lot more work for me. Tsk." Rinig kong bulong nya.


Kung makapag salita sya ay para lamang normal pero talagang iba ang pakiramdam kapag malapit ka sa kanya. Napakunot ang aking noo nang maalala ang isa sa mga bagay na pinaalala sa akin ni lola dati. Kung hindi ako nagkakamali ay mayroon syang na kwento na isang ability kung saan mararamdaman mo kaagad ang presensya nya. 



Hindi kaya. . . 



Kaagad akong tumalon kasabay ng aking pagmura nang may lumabas na matutulin mula sa inaapakan ko. Yan ang makukuha mo sa pag iisip ng kung ano ano sa oras na ito, Alanni. Nakarating ako sa bubong ng aming bahay dahil nasira ng kanyang matutuling na kasuotan ang ikalawang palapag ng bahay. 



Garment Beast. 



Alam kong hindi ako nagkakamali rito. Sya ang nagmamay ari ng isa sa pinaka malakas na ability sa lahat ng malakas. Sa madaling salita ay nasa ibang lebel sya. Napangisi ako. Kung ganoon ay magiging maganda ito. Pareho kami na nasa ibang lebel ang ability. 



"Not bad." 



Lumingon ako sa aking likuran at doon ko sya nakita. Pinaningkitan ko sya ng mata at tinitigan ng seryoso. Mestizo sya at mayroong iritadong ekspresyon sa kanyang mukha. Mukhang napilitan lamang sya na sumama sa paghuli sa akin. 


"Aight, let's get over with this. I want to sleep." 


Vicious Prisoners of ArendiaWhere stories live. Discover now