Chapter 1: Fooled

33 1 0
                                    

Alanni.


Nanatili akong nakatitig sa field kung saan marami ang naglalaro ng soccer. May iba roon na ginagamit ang ability nila sa paglalaro. Minsan ay hindi ko mapigilang mainggit. Gusto ko ang ability ko, walang duda roon. Ang tanging problema ko lang ay ang sistema ng gobyerno kung saan dinadakip nila ang mga may malalakas na ability.


Mula bata pa ay nag aral na ako ng combat kasama ang lola ko. Hindi ko alam kung ano ang rason nya pero nang lumaki ako ay kinuha ko ito bilang opurtunidad upang hindi mawala ang kalayaan ko. Hanggang ngayon ay hinding hindi ko makakalimutan ang gulo na ginawa ng ability ko.


Hinding hindi ko makakalimutan kung paano ako nawalan ng kontrol sa sariling katawan habang ang ability ko ang gumagalaw at gumagawa ng gusto nito. Hindi ko alam kung bakit ako ang binigyan ng ability nito. Iyan ang isa sa mga rason kung bakit gusto kong makilala ang nanay at tatay ko. Marahil ay may alam sila kung bakit sa akin napunta ang ability na 'to.


Kaso sa loob ng panahon na palagi akong kumukuha ng impormasyon kay lola ay napatunayan ko na kahit anong gawin ko ay hinding hindi sya magsasalita. Minsan ay napapansin ko kung paano nya iwasan ang mapag usapan ang tungkol sa mga magulang ko. Kung ganoon ay trabaho ko alamin ang ukol rito.


"Alanni," Napalingon ako sa gilid nang marinig ang pagtawag ng kung sino sa pangalan ko.


Bumungad sa akin si Irish at Isha na nakakrus ang braso sa dibdib habang naniningkit ang mga mata na nakatingin sa akin. Naguguluhan ko silang tiningnan. Mukhang alam ko na kung bakit ganito ang reaksyon nila.


"What?"


Ngumuso si Isha, "Saan ka pumunta kahapon?"


I knew it. Sa loob ng ilang taon na pagsisinungaling ko sa kanila ay magiging madali lang ang pag akto na parang wala akong alam sa pinagsasasabi nila. After all, I've been deceiving them about my ability for years now.


"Ha? Anong kahapon?" Patay malisya kong tanong. Hindi ko pinahalata na bahagya akong kinakabahan sa pagtatanong nila.


Kilala ko silang dalawa. Hangga't hindi sila kontento sa sagot ng isang tao ay hindi nila titigilan ito. Gustuhin ko man na sungitan sila para manahimik na sila at hindi na ako tanungin ay hindi rin pwede dahil pwede nila akong akusahan na guilty sa nangyaring pagkawala ko kahapon. I couldn't let that happen.


"Wag ka nga magpatay malisya," Masungit na sabi ni Irish.


Here it comes. Mukhang seryoso nga talaga sila sa pagtatanong sa akin. Pinaningkitan ko sila ng mata.


"Ha? Ano ba kasi ang pinagsasasabi nyo?"


Sabay silang bumuntong hininga bago lumingon sa field na kaninang pinapanuod ko. Naglakad si Isha papunta sa kabilang gilid ko kaya ngayon ay napapagitnaan na nila ako. Nanatili silang tahimik sa loob ng ilang segundo.


"Saan ka kahapon? Nawala ka," Seryosong tanong ni Isha.


Vicious Prisoners of ArendiaWhere stories live. Discover now