Chapter 6: Agreement

31 1 0
                                    

Alanni. 


Hindi ako makagalaw mula sa pwesto at nanatili lamang ang mga mata ko sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang dapat na maramdaman ngayon na nasa harap ko ang presidente ng buong Arendia at nakayuko sa akin, binabati ang aking pagdating sa kanyang sariling palasyo. Hindi ko alam ngunit wala akong maramdaman na kahit ano sa kanyang aura. Ganito. . .  Ganito ang pakiramdam kapag nasa harap mo na ang presidente. 


Wala kang ideya sa kung ano ang kanyang maaaring iniisip at wala ka ring ideya sa kung ano ang kanyang nararamdaman. Masyado. . . Masyado syang mahirap basahin. Hindi, mali. Mali ang salitang mahirap dahil kung tutuusin ay hindi mo talaga sya mabasa. Ngayon ay nakangiti sya sa akin ngunit hindi ako sigurado kung tunay nga ba ang kanyang ipinapakita. 


"Kamusta ka?" Nakangiti nyang tanong sa akin. 


Kung titingnan ay hindi ganoon katandang tingnan, mukha lamang syang nasa edad na bente. Hindi ito ang unang beses na nakita ko sya ngunit ito ang unang beses ma mapagmasdan ko sya sa malapitan. Dati ay hindi ako interesado sa pagbisita ng itaas sa eskwelahan namin kaya minsan ay hindi ako nakikinig at sumasama lamang kung saan ako dadalhin ni Irish at Isha. 


"Medyo mabigat lang ang pakiramdam ko." Nagpipigil ng panginginig 'kong sagot. 


Bumuntong hininga sya bago napangisi at muli akong tinalikuran. Ngayon ay nakaharap sya sa malaking bintana habang pinagmamasdan kung anuman ang nakikita sa labas. 


Napayuko ako dahil sa kakaibang nararamdaman. Masyadong mabigat ang kanyang presensya na pati ako na nahihirapan na makasama sya sa iisang lugar. Hindi ko alam at hinid ko maramdaman kung ano ang kanyang ability. Ang ganitong klase ng presensya. . . ano nga ba ang ability nya? 


"A-anong kailangan mo?" Pinilit ko ang sarili na itanong sa kanya iyon. 


Bahagya syang lumingon sa akin bago inilagay sa likod ang dalawang kamay. Dahan dahan ay naglakad sya papalapit sa sofa na nasa loob ng clinic. Medyo malapit ito sa akin kaya mas ramdam ko ang mabigat nyang presensya. 


"Gusto 'mong malaman ang tungkol sa magulang mo, hindi ba?" Seryoso nyang tanong. 


Naestatwa ako sa pwesto nang marinig aang kanyang sinabi. Noong una ay hindi ko ganoon pinagkatiwalaan ang sinabi nya na may alam sya tungkol sa mga magulang ko pero ngayon na sya na mismo ang nagsasabi sa harap ko ay baka nga may alam sya. 


"Anong alam mo?" Matalim kong tanong. 


Kung may unang gusto man akong gawin sa pananatili ko rito ay iyon ang makakuha ng impormasyon tungkol sa mga magulang ko.


Napangisi ang presidente bago inilagay ang magkabilang braso sa harap ng dibdib habang naka krus, "Una ay pag usapan natin ang ability mo." Ngayon ay pati ang kanyang paa ang nakakrus. 


Hindi ako nagsalita at naghintay sa susunod nyang sasabihin. 


"Hindi lamang iyan ang kaya 'mong gawin, tama?" 


Nanlaki ang aking mata at halos naramdaman ko ang panginginig ng aking kamay sa kanyang sinabi. Nakangiti sya ngunit matatalim ang mga mata na nakatitig sa akin ang presidente. 

Vicious Prisoners of ArendiaKde žijí příběhy. Začni objevovat