PROLOGUE

49 4 0
                                    

There are people who wish to have the things they don't but others have while there are people who struggle with things they own that others wish for. The moment I grew up and reached the age of sixteen, my life became a nightmare.


Hindi ko ginusto ito. Hindi ito ang bagay na hiningi ko. 



Sa Arendia ako lumaki kasama ang lola ko. I don't know where my parents are and what they look like. Ang tanging sabi sa akin ni lola ay iniwan ako ng mga magulang ko sa kanya at hindi na sila bumalik pa. I wanted to hate my parents but I couldn't. Wala akong alam at hindi ko alam ang buong istorya. Gustuhin ko man hanapin sila ay ayaw ko rin iwan ang lola ko. Sya ang katangi tanging nag alaga sa akin at hindi sya nagkulang iparamdam sa akin ang pagmamahal nya. 


"Nasa bulletin na ang resulta noong labanan!" Sigaw ng isang kaklase ko mula sa pinto. 


Humihingal pa sya at mukhang malayo ang itinakbo nya. Sabagay, nasa pangalawang palapag ang classroom namin at malayo mula dito ang bulletin. 



"Tara, Alanni!" Aya sa akin ni Isha, isa sa mga kaibigan ko. 



Napangiwi ako nang marinig ang pangalan ko. Sa lahat ba naman ng panahon ay ngayon pa? We have a quiz for the next subject and I wasn't able to study last night. 



Alanganin akong ngumiti sa kanya at iwinagayway ang kamay sa ere, "Kayo muna ni Irish, mag aaral pa ako e," Sagot ko sa kanyang pag aya sa akin. 



Sumimangot sya at ipinagkrus ang dalawang braso sa dibdib. Nanlaki ang mata ko at kaagad na tinakpan ang dalawang tenga. Mas mabuti na ang handa. 


Isha's ability can break your eardrum with one shout that could travel such a distance.  May isang beses na nainis sya sa isa namin na kaklase at sinigawan nya ito. Kaagad sya pinadala sa detention noong araw na iyon dahil sa nangyari na siguradong nakasira rin sa tenga ng aming principal. 



"Chill, 'di ako sisigaw. Ayoko na ipadala sa detention 'no," Sabay irap nya kaya napahinga ako ng maluwag. 



Nagkibit sya ng balikat bago inilibot ang paningin sa loob ng classroom. Bumalik ako sa pagbabasa ng librong hawak para sa pagsusulit namin mamaya. I can't afford to fail this semester. 



"How rude. Umalis na ata si Irish!" Maktol ni Isha habang nakasimangot na parang bata. 



Tinawanan ko sya, "What do you expect from her ability?" Tanging sagot ko na nagpairap sa kanya. 


Irish possess a speed ability. Walang kahit na sino pa ang mas bibilis sa takbo nya lalo na kung gagamitin nya ang ability nya. Our abilities don't work on their own. Tuwing ginugusto lamang namin gamitin ito saka ito aandar.



Nagpatuloy ako sa pagbabasa at tuluyan na umalis si Isha sa classroom at nagtungo sa bulletin. Today's results will be about last week's combat. Bawat linggo ay mayroong nangyayari na combat para sa ability ng bawat isa. Sa tuwing nangyayari ito ay mayroong nangyayaring ranggo para matukoy ang lakas ng bawat abilidad laban sa lahat. 




"Rinig ko ay si Alanni na naman nangunguna,"


"Nagugulat pa ba kayo nyan?"




Vicious Prisoners of Arendiaحيث تعيش القصص. اكتشف الآن