Nagtaas ako ng tingin at nagtatakang napatitig sa mga mata niya.

"Teka, teka lang," wika ko. "At bakit mo naman sinasabi sa akin ang lahat ng ito?"

Nakita kong natigilan siya nang dahil sa tanong ko. Atsaka siya kaagad na nag-iwas ng tingin.

At oo nga, bakit bigla nalang siya nagkaroon ng pakialam sa akin? Eh ano naman ngayon sa kanya kapag nasaktan ako ng mga taong gusto nga akong saktan?

Ilang linggo narin akong nasa loob ng palasyo na ito pero ito ang unang beses na kinausap niya ako tungkol sa mga bagay na ito.

Nagtaas siya ulit ng tingin at tinitigan ako sa mga mata. The hard features on his face slowly soften, and I can't still understand why.

"A person who can't even protect himself has no right to get close to me," he said, while his silver eyes continued to stare at my face.

Natigilan naman ako mula sa kinatatayuan ko.

Ano bang pinagsasabi ng kumag na ito?

Pero bago pa man ako makapagsalita ay nagsalita siya ulit.

"I can't always stay here to protect you, so I need you to learn how to protect yourself." He added. "I won't ever forgive you if something bad happens to you."

Tuluyan naman akong natigilan mula sa kinatatayuan ko. Atsaka ako napatitig sa magagandang mga mata niya na napuno ng emosyon na hindi ko mawari.

Teka, joke ba siya?

Ano bang nakain ng Emperor na ito at bigla nalang siyang bumait sa akin? May kailangan ba siya sa akin? Gusto niya bang sakupin ko ang empiryo ng Xiao para sa kanya?

Kasi hindi talaga eh.

From how I view this tyrant and evil emperor, he would never give a damn to anyone else.
Magkakaroon lang siya ng pakialam sa'yo kapag may malaki kang mai-ambag sa kanya o sa mga plano niya. And once he's done using you, he will just throw you away like nothing happened. He's practically evil, but that's how he lived his whole life after becoming the Emperor.

At kahit anong pag-iisip ang gawin ko ay wala talaga akong maisip na dahilan para maging mabait siya sa akin.

Naputol lang ang pag-iisip ko nang magsalita siya ulit.

"So now, just shut up and hold your sword firmly." He ordered, using his commanding voice. "This is an order from your Emperor, so you have to obey."

Napatingin lang ako sa kanya.

Kung sa bagay, may sense naman ang sinabi niya. I really need to learn how to protect myself in order to survive in this world.

Kaya nagtaas nalang ako ng tingin at ngumiti sa kanya.

Nakita ko pa ang bahagyang pagkabigla na namutawi sa mukha niya nang ngitian ko siya pero kaagad ding nawala iyon.

Atsaka ko itinaas ang espadang hawak ko bago nagsalita.

"Okay!" I happily said.

***

Pero joke lang.

Besh, ayoko na.

Mamamatay ata muna ako bago ko matutunan ng tama ang paghawak ng espada.

"Ito ba ang bagong paraan ng pag-torture mo sa akin ha?" naiiyak pa na wika ko habang nakahiga na sa damuhang parte ng garden ng palasyo ko. "At pinagawa mo ba ang garden na ito para gawin mo lang na bagong training ground mo? Ayos ka din eh, noh?"

Samantalang nakatayo lang siya sa tabi ko habang pinapanood ang pagkakahiga ko.

Ilang oras na kaming nagpa-practice pero hindi parin siya napapagod. Iba talaga kapag nasanay ng makipagpatayan.

The Wolf King and IWhere stories live. Discover now