•••

Andito ako ngayon sa ilalim ng puno habang nagbabasa ng libro.

"Daisy!!!" rinig kong tawag sa akin kaya agad akong napalingon.

Nakita ko si Chielsea sa di kalayuan tumatakbo palapit sa akin.

"Huminga ka munang malalim. Breathe out breath in" agad kong sabi sa kanya pagkarating nya.

Alam ko kasi na tuloy tuloy syang magsasalit ng walang tigil pagkarating nya.

"Nagtagumpay ako!" agad nyang masayang sabi sa akin.

"Saan ka nagtagumpay?" takang tanong ko sa kanya.

Hindi nya ako sinagot bagkus mas lalong lumawak ang kanyang ngiti.

Agad ko naman inisip at ng marealize ko kung ano iyon ay agad na nanlaki ang mata ko.

"Tama ka nakompleto ko na ang research ko" nakangiting sabi nya sa akin.

"Talaga bang tapos mo na ang potion na kayang magpawalang bisa ng kahit anong sumpa"hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

"Oo, saktong sakto bago ang graduation natin mamaya" halatang excited na syang ipasubok ang potion.

"Isa yang magandang balita"

"Halika na ipasubok na natin ito sa prinsipe mo" pang aasar nya sa akin.

Agad naman akong namula sa sinabi nya.

Hinila nya na ako para hanapin si  Royce sa buong kampus.

"Sandali" hingal na hingal kong sabi sa kanya.

Kanina pa kasi kami paikot ikot sa campus habang hila hila ako.

Parang hindi sya napapagod kakatakbo.

"Wala na tayong oras maya maya kailangan pa natin maghanda sa graduation natin mamaya." seryoso nyang sabi sa akin at agad na naman akong hinila.

Napailing iling na lang ako dahil seryoso talaga sya na aayusan nya kami mamaya.

Buti na lang agad na namin nakita ang hinahanap namin.

"Buti naman nakita ka na namin" sabi ko sa kanya habang nghahabolng hininga.

Halatang nagulat naman sya dahil hinahanap namin sya.

"Anong kailangan nyo sa akin?" takang tanong nya sa amin.

"Inumin mo na bilis" utos agad ni Chielsea sabay abot ng potion sa kanya.

"Ano na-"

"Inuman muna wag ng maraming satsat" agad na putol sa kanya ni Chielsea habang palingon lingon sa orasan.

Tinignan nya na muna ako bago nya ininum ang potion.

Agad naman umilaw ang katawan nya.

Hindi sya makapaniwalang tumongin sa amin.

"Ito ba yung po-"

"Paalam"hindi nya na pinatapos at agad nyang winagayway ang kanyang wand.

Sinenyasan ko naman sya at agad naman syang napatango kaya alam kong naintindihan nya na kung ano iyon.

Pagkatapos ay agad ng nagiba ang paligid.

Napunta kami sa room ni Chielsea na ngayong naging parang dress at make up salon.

" 😮"hindi ko mapagilang mamangha.

"May kulang pa" nakapameywang sabi ni Chielsea at agad winagayway ang kanyang wand.

Agad na lumitaw si Sam na naka full set armor.

"Anong ginagawa dito?" agad nyang bulalas.

"Akala mo makakatakas ka" iling iling na sermon ni Chielsea.

"Buti na lang nakapaghanda akong mabuti" nakangiting sabi ni Chielsea at agad na pumalakpak.

Lumitaw agad ang tatlong pixies.

Kilalang ang pixies sa galing sa pag aayos pero dahil na rin sa liblib sila ng kagubatan nakatira ay bihirang makakita ng tulad nila.

"Saan ka naman nakahanap ng pixies?" tanong ko sa kanya.

"Secret" kindat nya sa akin.

"Kayo na ang bahala" agad na sabi ni Chielsea at naupo na.

Agad naman kami nilang pinaupo at sinimulang ayusan.

Habang inaayusan hindi ko maiwasang maisip ang trahedya na naganap dati.

Unti unti kong binago ang lahat ng pagkakamaling ginawa ko dati.

Simula kay Paragon at Lucas tinulungan ko sila na mas mapalapit sa isa't isa.

Pagkatapos ay nagtulungan silang ibunyag ang pang aabuso ng kanilang ama kay Paragon.

Si Paragon na ang namamahala ngayon ng buong Diamond state habang naman si Lucas ay gustong maging isang proffesor dito sa academia.

Si Philip naman ay naging head master nitong school dahil sa dami ng kanyang nalalaman at lakas ng kanyang kapangyarihan mayroon sya.

"Tapos na rin tayo sa wakas" masayang sabi ni Sam na halatang hindi sanay sa ganitong gawain.

"Hindi pa tayo tapos" putol agad sa kanya ni Chielsea.

"Ano pa bang kulang?" angal ni Sam.

Hindi kasi sya sanay na mag ayos dahil mula sya sa angkan ng mga warrior dito sa kaharian.

"Syempre ang damit na susuotin natin" nakangiting sabi ni Chielsea.

Excited nyang inabot sa amin ang bestida.

"Suotin nyo na. Bilisan nyo" tulak nya sa amin sa cubicle.

Pagkarating ko sa banyo ay agad ko ng sinuot ang bestida.

Namangha ako pagkatingin ko sa salamin.

Dahil bumagay ang bestida na kulay light blue at mayroong silver belt sa beywang.

Sinubukang kong igalaw galaw ang bestida ay agad itong kuminang.

Pagkalabas ko sa cubicle agadkong nakita si Chielsea na nakasuot na rin ng kanyang bestida.

Parehas kami ng design pero kulay lila ang kanya na bumagay naman sa kanyang maputing balat.

Maya maya pa ay lumabas na rin ai Sam halatang naalibad baran sa suot nyang kulay pulang bestida.

"Seryoso ka talagang terno ang isusuot nating tatlo" reklamo ni Sam.

May narinig kaming may kumatok.

"Sa wakas andito na rin sila" sabi ni Chielsea at excited na binuksanang pinto.

Pagkabukas nya ng pinto ay bumungad sa amin ang mga nakasuite na sila Ace,Paragon,Lucas, Prince Royce,Prince Nathan at Prince Nigel.

"Wow nakabestida si Sam ngayon" pang aasar agad ni Ace.

"Tigilan mo na nga yan" batok sa kanya ni Lucas.

"Sabay sabay na tayo papunta sa graduation hall" yaya sa amin ni Prince Nigel at nauna sya palabas.

"Halika na" lahad sa akin ni Prince Royce ng kanyang kamay.

Dahan dahan kong nilapat ang kamay ko sa kanyang kamay at nginitian sya.

'Maaring ito na ang katapusan ng aming kwento. Pero ito ang simula sa pagtahak namin sa kanya kanya naming happy ending'

•••••THE END•••













Reincarnated As One Of The Triplets VillainWhere stories live. Discover now