KABANATA 10 †

Magsimula sa umpisa
                                    

Sinubokan kong i-unlock at buksan pero ayaw! Putiks.

" Hoy buksan mo nga ito!! Hoy Whirosss, napaka-devil mong nilalang, ano baahhh!!! Open this!! Ayukong sumama!! Hoyyyy!!! "Pagsisigaw ko sa lalaking na sa labas, habang siya ay prenteng nakatayo at may tinawagan at kinausap sa cellphone niya. Hindi ko marinig if anong pinagsasabi niya sa labas ng kotse kaya sigurado din akong hindi niya ako naririnig.

Kainis naman!

Sinubokan ko pang buksan ang pinto ulit pero ayaw talaga kaya wala... Napasandal na lang ako ng wala sa oras sa upoan ng sasakyan niya at naka-crossed arms na sinundan siya ng tingin kung saan papasok na ito sa sasakyan.

“ Putangina ka talaga, saan mo ba talaga ako balak dalhin!? May mga klase pa akong need— Hmmp!”

That's it...

He was not joking in what he said earlier.

I felt his soft lips pressing my lips.

Biglang nanglambot ang buong katawan ko sa ginawa niya. Ang mabilis na pagtibok ng puso ko kanina ay mas dumoble pa. Gusto ko siyang itulak ngunit para akong binuhosan ng nagyeyelong tubig dahilan para manigas ako.
Nanlalamig ang mga palad ko, ngunit mainit naman ang buong katawan ko. Gosh, I felt like I'm burning!

Humiwalay ang labi niya pero subrang lapit pa rin ng pisngi niya sa'kin. Pasekreto akong napalunok nang maamoy ang mabango niyang hininga. Tumingin ito sa mga mata ko at mas lalong namula lang ako nang dilaan niya ang sariling labi nito.

Like, holy God..

Please save me here... Masyadong marahuyo!

“ I told you earlier... Keep your mouth close. Halik pa lang iyon, isa pang hiyaw diyan laplap na talaga ang sasalubong sa'yo. ”Sambit niya sa pagmumukha ko.

Napahawak ako sa palda ko nang mahigpit dahil doon. Umayos siya ng upo at kita ko pa kung paano siya ngumisi nang pilyo. Para bang nagkaroon ito ng matagumpay na misyon.

Umayos ako ng upo at iniwas ang namumulang mukha sa kanya. Shit, parang gusto ko na lang magpalamon sa upoan!

“ Such a bad lips, Darling. ”

I heard he mumured something while he starting the engine. Nang balingan ko ito, nakangisi pa rin siya. He glanced at me kaya mabilis akong umiwas ng tingin.

Naramdam ko na lang na umaandar ang sasakyan namin.

COUPLE of minutes, walang nagbantang mag bukas ng bibig sa aming dalawa. Panay lingon lang siya sa'kin kung saan agaran ko namang iniirapan.

Tumigil ang mga sasakyan pati iyong amin. May mga taong dumaan sa harapan.

Sa isa pang pagkakataon... Bumaling na naman ito sa'kin.“ You suddenly become quiet? ”Pagputol niya sa mahabang katahimikan. Hindi ko siya pinansin, nagpatuloy ako sa pag tingin sa labas ng bintana.

“ Are you just afraid that I might kiss you lips again, right? ”Dugtong niya. Rinig ko ang munting tawa nito na para bang nanunukso.

Tinignan ko siya nang masama. Nag Simula ulit umusad ang sasakyan.

“ Can you just tell me if ano ba talaga ang gagawin at pakay mo sa'kin? Para naman makatalon na ako pababa ng sasakyan mo if ever na masama ang pakay mo sa'kin! ”Sabat ko. 

He smirked and glanced at me for seconds.

“ Oh really? Can you jump right now? ”Asar niya. Napahigpit ako nang kapit sa inuupoan ko nang maramdaman kong mas bumilis ang pagpapatakbo niya. Shit, tangina niya!

May papasalubong na malaking truck sa harap namin, lumaki ang mga mata ko nang mapagtanto na hindi siya umiiwas agad! Ang gago, umiwas at lumiko lang siya noong subrang lapit na ng truck sa amin.

That Nerd is Mine (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon