CHAPTER 12

10.3K 249 68
                                    

CHAPTER TWELVE


"No," sagot ko. "Akala ko ba hindi mo ako type at hindi ka pumapatol sa mas bata sayo?"


Nagulat siya sa sagot ko kaya napabitaw.


"You said that I'm too young and not your type." na-aalala ko ang sinabi niya sa akin noon.


"Ahm..well," he looked down. "Kasi..bata ka pa naman talaga."


I raised my eyebrow. "Kung bata ako bakit mo sinasabi 'yan, bakit nanliligaw ka saka..'y-yung nangyari satin sa farm."


I crossed my arms and looked away. Nag-init ang pisngi ko nang sabihin 'yun, hindi parin mawala sa utak ko ang nangyari sa amin doon. Hindi naman ako nagsisisi ang point ko bakit siya nanliligaw kung bata ang tingin niya sa akin. I'm already 18 hindi naman siya makukulong!


"Because I like you," sagot niya. "Let's stop talking about the past. I like you now, Raveah. Hindi pa ba sapat 'yun para maging tayo?"


Nakataas parin ang kilay ko habang mas lalong umaamo ang mukha niya. Nag-salubong ang kilay nang walang marinig na sagot sa akin.


"No, let's talk about the past!"


"Baby naman," he reached for my hand. "Let's move on, I hate the past. I like the present and I love the future..you need to move on, come on."


"Anong move on? ikaw ang first love ko tapos ikaw din ang first heartbreak ko!"


Nag-bago agad ang ekspresyon ng mukha niya sa sinabi ko. Mas lalo niya akong hinila papalapit sa kaniya. He bit his bottom lip and he tried not to smile, nainis nalang ako nang makita ang pag-ngisi niya.


"Your first love?"


I just rolled my eyes, he heard it! Gusto niya lang talagang ulitin ko ang sinabi ko kanina. Well, hindi ko ulit sasabihin 'yun.


"Who's your first love, baby?"


"Si Daddy malamang, asa kang ikaw!"


He held my chin. "Liars go to hell-"


"Oh, e'di see you there."


"But liars like you..will go my bed." he whispered.


Nanlaki ang mata ko at muling uminit ang pisngi ko. Tinulak ko siya pero mas hinigpitan niya ang yakap sa beywang ko. Sinisilip niya ang mukha ko at panay lang ako iwas sa kaniya.


"Let me go, Chance."


"Answer me first, baby."


I closed my eyes and sighed. "You, you are my first love. Are you okay now? let me go na."

IHS #2 : HIS TOXIC RED LIPS Where stories live. Discover now