𝕸akulimlim ang panahon ng sabihin sa akin ang balitang dumating na sa may pampang ngayong araw ang barko sa aking panaginip. Ilang linggo ko na ring nakikita ang mga hindi magagandang pangitain sa aking panaginip na patungkol sa barko kaya ng marinig ko ang mainit-init na balita ay hindi na ako nagdalawang-isip na sumama sa aking mga kaibigan upang kaagad na makita ito ng personal at iwanan ang pagbabantay sa paninda ng aking mga amo sa talipapa.
𝕾a aming magkakaibigan ay tanging ako lamang ang nakakakita ng mga pangitain na madalas ay hindi ko maipaliwanag ng maayos at malinaw. Sa kabila ng ganitong abilidad ay may pagkakataon pa ding tinatawanan lang ako ng aking mga kaibigan. Gayunpaman, malaki pa rin ang tiwala at respeto nila sa akin dahil alam nila na totoo ang bawat pangitain ko kahit na may iilang agam-agam sila dito at upang malaman kung may katotohanan ba ang aking mga panaginip ay sinamahan nila akong imbestigahan ang mga barkong nagmula pa sa kabilang dako ng mundo.
YOU ARE READING
Shush I
Short StoryNoong 1346, isang pandemya ang kumalat sa buong kontinente ng Europa, Kanlurang Asya at maging sa Hilagang Africa na pumatay ng mahigit sa dalawang daang milyong katao sa loob ng walong taon. Sa loob ng ilang dantaon lumipas ay may iilang saksi ang...
