Mas lalong humaba ang nguso ko. Kung hindi siya galit bakit hindi niya ako nililingon o kinakausap man lang, para bang may masama akong nagawa sa kanya.


"Are you upset?"


Tumango siya. "Pwede kang makipag-kaibigan sa kahit sinong gusto ko, maliban sa mga lalaki, you understand?"


Napunta sa akin ang inis. Nakakainit ng ulo kapag ganito siya, ang dami niyang sinasabi. Pinipilit ko nalang intindihin dahil pagod siya sa trabaho.


"You have to trust me, Chance."


"I trust you but I don't trust them. Sinasabi ko 'to para sayo, makinig ka na lang."


Seryoso ang usapan sa loob ng sasakyan. Dumaan kami sa fast food para kumain, siya ang umorder habang naghihintay ako sa table, nakatingin ako sa matipunong likod niya, umiirap pa ako nang makita ang ibang girls sa kabilang side na namumula dahil sa kanya.


"Thank you."


Ngumiti siya ng tipid bago ayusin ang pagkain sa table, hinayaan ko siyang asikasuhin ako para makita ng ibang girls na ako ang kasama niya. Lahat ng babae sa kabilang table ay palihim na umirap sa side namin.


"Kanina pa sila nakatingin sayo, nakakainis."


Umupo na siya, inaayos niya ngayon ang order niya. Hindi siya tumingin sa likod kung saan nandoon ang ibang babae.


"Sayo naman ako nakatingin mas lamang ka parin." he smiled at me.


Dahil dun ay nawala ang inis ko. Hindi pa ba ako sanay sa ganong pangyayari? Palagi naman siyang pinagtitingin ng mga tao, hindi ko nalang pinansin.


"Sa susunod pwedeng hindi mo muna ako sunduin, after ng work mo hindi ba dapat nag papahinga ka. Si Kuya Ches naman ang maghahatid-sundo sa akin." sabi ko.


"I'm okay, gusto ko rin namang sinusundo ka."


"Pero dapat nagpapahinga ka."


"Hindi pa ba mukhang pahinga 'to?" tanong niya. "Nakakapagod sa trabaho at nakakapagod din sa bahay, nakakapagpahinga lang ako kapag nandiyan ka, hayaan mo nalang ako."


Hindi ako nakapagsalita dahil sa biglang mamumula. Masyado siyang seryoso ngayon kaya hindi ako sanay. Nararamdaman kong pagod siya pero kung ito ang gusto niya wala akong magagawa. I also want to see him everyday, mas gusto ko din na siya ang sumusundo sa akin.


After naming kumain ay dumiretso kami sa bahay. Nauna siyang lumabas at binuksan ang pinto saka ako tumayo.


"Thank you again." sabi ko.


Pagod na pagod ang mga ngiti siya, kanina ko pa siya tinatanong pero iniiba niya ang usapan.

IHS #2 : HIS TOXIC RED LIPS Where stories live. Discover now