Ngunit wala pang sampung segundo ay kumunot agad ang noo ko dahil sa boses ni Lin-Lin na masakit sa tenga.

“We keep behide close door, every time I see you I die a little more~ ” Birit niya sa kawalan. Napadilat ako at napadako ang tingin sa kinatatayoan niya, napailing ako nang makita na ginagawa niyang microphone ang hawak niyang map.

“ Why can't you hold me in the street, and you keep me on the dance floorr~ ”

Teka, parang alam ko iyang kanta ah, pero bakit parang mali ang lyrics? Teka mali ba?

“ I wish that we could be like tha— ”

“ Hoy bruha, i-shut up mo nga ang iyong bungangers! Masakit sa ears y'know? Tsaka, mali mali naman iyang lyrics mo, Inday! Gosh, kalorki ka naman. ” Biglang reklamo ni Jake habang naka-cross arm habang nakaupo sa isang upoan. Umirap pa ito sa hangin.

Hinarap siya ni Lin-Lin at tinarayan.

" Anong shatap? Mind your own business nga! 'Pag inggit pikit. Ang ganda kaya ng boses ko'no, hmpp! ” Sagot niya na kinairap ni Jake at pamaywang.

Psh.

" Feel mo lang iyon 'te. Mas pretty pa nga yata ang boses ng aso ko! ” Sagot naman ni Jake at bahagya pang nilabas ang dila. Napamaywang na rin tuloy ang isa.

"Aba! Ano sabi mo? Gusto mo ng sabunotan?”

“ Hoy kayong dalawa, tama na iyan. Baka saan pa mapunta iyang asaran niyo. Sipain ko kayong dalawa ehh.” Umayos ako ng upo at sinamaan sila ng tingin. Mabuti na lang ay tumigil ang mga 'to, pero ang mga yawa... Nagsalitan pa ng irap.

Pumasok si Lin-Lin sa kusina para ihatid ang map doon.

Agad kong binalingan ang tumunog na pintoan ng Café. May pumasok na naka-itim na costumer.

" Ay beks, may costumer na papa de asukal ikaw na mag asikaso may titignan lang ako sa stockroom, bye. " Paalam ni Jake sabay tayo at alis.

Tumango ako at tinignan ang customer namin. Agad akong napakurap nang mapagtanto na si Hyx na naman.

Anong ginagawa niya rito?

Don't tell me magkakape na naman siya rito.
Ngumiti sa'kin ito nang makita ako. Inikisan ko siya ng mga braso at magkasalubong ang mga kilay na tinignan siya habang nakanguso pa.

Wala akong pakialam kung nakaka-attract ang ngiti niya.

"Bakit ka nandito? Gabi na ah." Tanong ko. Tumawa siya.

Happy siya? Edi wow.

" Good evening too." Bati niya na kinabusangot ko lalo.

" Ewan ko po sayo. Oh, ano sadya mo dito? " Tanong ko ulit. Naupo ito sa upuan na kaharap ko. May lamesa lang na namamagitan samin.

" I'm here for coffee. " Tipid niyang sagot sabay ngiti.

Sabi ko na nga ba.

" And to see you of course. Hindi kita nakita sa campus noong hapon. " Dagdag niya at nagkibit-balikat pa. Bumugtong-hininga ako.

" Ahh, iyon ba... Umuwi ako. "Sagot ko na kinatango niya naman.

" Same pa rin ba ang kape mo? One tablespoon of black coffee with one teaspoon of powdered milk and one tablespoon of sugar?" Tanong ko sa kanya nang nakangiti. Tumayo agad ako para pumunta sa counter para kumuha ng puting tasa na medium size lang, iyong sapat na para sa kanya.

" Yes Love." sagot niya.

" Ha? " Tanong ko ulit dahil hindi ko gaanong narinig ang sagot niya. Abala ako sa pag prepare ng kape niya eh.

That Nerd is Mine (Under Editing x Revision)Where stories live. Discover now