" May chocolate ka ba riyan? " Hindi ko sinagot ang tanong niya. Kumunot ang noo nito, pero kalaunan ay tumango din . Kapag marami kasing bagay na pumapasok sa utak ko at hindi ako mapakali ay kumakain ako ng chocolates, pangpakalma.

“ Wait, I'll check if meron akong dala sa bag ko. ”Sagot nito at pumunta sa kabilang upoan kung na saan ang bag niya.

“ Here, my Buwan! Sa'yo na iyan lahat. ”Sambit niya sabay pakita ng tatlong chocolates na medyo mahahaba. Mukhang imported pa, naka-japanese lettering kasi ang mga information. Ngumiti ako sabay abot ng chocolates at kinusot bahagya ang mata ko.

" T-Thank you." Pasalamat ko at agad na binuksan ang isa.

" Oo nga pala Missy, sino iyong tinawagan mo?" I asked her without looking at her directly and bit a small amount of chocolate bar.  Hindi sa pakialamera ako but I'm curious if sino. She gives me a sweet smile.

" My cousin. " She answered and shake off her skirt. I blink. Ano daw?

" C-Cousin? May pinsan ka rit—" 

Someone opened the door and entered without hesitation. Para bang alam na alam niya na kung saang kwarto ito papasok. Me and Missy both looked at him. He's wearing a same uniform with us, kaso pang lalake lang. Gwapo ito, he looked so clean and chastely. May kulay asul itong mga mata na mapupungay na masarap pagmasdan. Parang hinihila ka sa karagatan kapag tinitigan mo.

Marahan itong naglakad papunta sa direksiyon namin. Even his smile is so peaceful, para bang walang problemang dinadala.

Sana all.

" Hi ladies! Sorry if I'm late. May tinapos pa eh. " Bati niya sa amin habang nakangiti at may dalang bag at nakapamulsa.

D-don't tell me... Siya ang pinsan ni Missy?!
“ Hey Frozy! You're here na pala. You're not late ano ka ba! Ang bilis mo nga. ”Tumayo si Missy at inakbayan ang pinsan at mas hinila pa pumunta sa akin. “ Buwan, I want you to meet Frozy my cousin! ”Sambit niyang nakangiti. Umingos ang lalake.

“ Missy,  you don't need to call me in that name. ”Reklamo nito sa pinsan niyang babae. He cleared his throat and faced me. "Hi, I'm Froz Cage. Cousin of Missy and also the head council of  Bulletin board and information, of YCU. " Pagpakilala niya sa akin sabay lahad ng kamay niya.Tinanggap ko naman ito at ngumiti.

" Fhey Luna Cortez. Nice too meet you, Froz. " Balik ko sa kanya at binitawan ang kamay niya.

"Same with you young lady." Sagot niya.

“Froz and I will going to help you para makauwi, since I don't have my own car pa. Kaya Froz will serve us, as our Driver! So, let's go? We're going to hatid you in your bahay na.” Missy exclaimed that made me blinked twice.

A-Ako? Ihahatid?? Kaya pala tinawagan niya ang pinsan niya!

“ H-Hoy teka lang, k-kaya ko namang umuwi nang mag-isa. Sana hindi muna tinawagan si Froz. Baka naabala pa natin 'to, oh. ” Angal ko sabay turo kay Froz. But her cousin laughed. “ No, I'm free right now. Tsaka, wala naman akong gagawin after this. If you want pa nga girls we can have fun today, let's escape from  our classes! ”He cheerfully said. “ I'm in! ”Missy agreed while raising her right hand.

Napabalik-balik ang tingin ko sa kanilang dalawa. Grabe, mag pinsan nga talaga sila.

...

TIME check.. 11:24pm ng gabi.

Kaunting tiis na lang ay off ko na at wala na rin gaanong costumers na dumadating. Kaya nakakabagot. Nakaupo ako sa isang silya at pinapanood ang bawat galaw ng orasan sa pader. Lumulutang ngayon ang isipan ko sa bagay na hindi ko matukoy. Actually, kanina pa ako ganito... Mula nang umulis kaming tatlo nina Missy at Froz. And yes, talagang tinuhanan namin na mag escape sa classes para gumala. Gusto ko sanang umangal para makauwi na kaso masyadong makulit si Missy. Bumusangot ako at napasubsub sa lamesa sabay pikit.

That Nerd is Mine (Under Editing x Revision)Where stories live. Discover now