7

20.5K 495 29
                                    

**Boni Helena's POV


"Holy shheeeez!"



Nagulat ako nang may biglang sumigaw sa tabi ko. Sinilip ko ang orasan ko and saw that I only had 4 hours of sleep!



"Why are you so freaking loud? It's still so early." reklamo ko sa babaeng nakabusangot sa tabi ko.



Napaupo ako at nagkamot ng ulo. Pinagmamasdan ko siya na may 'di maipinta ang mukha. Kahit wala na itong makeup ay napakaganda pa rin nito. Akala ko magbabago ang itsura niya without make up.




Impressive.



"Sino ka!!" Sigaw nito sabay yakap sa sarili na akala mo naman pinagsamantalahan ko siya.



I actually took her in to prevent that from happening.



Natawa na lang ako on how funny she looks right now.



"Chill, Reece. I'm Yassy's cousin, Boni. I helped you last night nung nagsuka ka, then nahilo ka at yan binihisan ka. Yun lang po ang ginawa ko." I reminded her at buti naman ay naalala niya. Bakas ang pagkahiya sa mukha niya. Isa-isa kong kinuha ang mga gamit niya at inabot ang mga ito sa kanya.


Nahuli ko siyang nakatitig sa mga legs ko at parang ayaw niyang ilayo ang kanyang mga tingin. I'm not wearing jamies unlike her dahil sanay akong matulog na underwear lang.




"Ahem.. Dito ang tingin." Turo ko sa mukha ko.




"Thanks.. Uh--Boni." Namumula na ito at biglang umalis na ng kwarto. She makes it look like a, Walk of shame. To think that I only laid beside her.




"You're welcome." Sabi ko kahit alam kong hindi na niya narinig. Ramdam ko ang bigat ng aking mga mata at piniling itulog na lang muna.




"Baby... Oh my.." May narinig akong ungol na galing sa kabilang kwarto kaya napakurap ako. Nakapagtataka dahil bakante ang kabilang kwarto sa pagkakaalam ko.




"Right there..."



"Ah--shit!"



Kinilabutan ako bigla at napatayo sa kama ko. Kumuha ako ng sweatshirt sa dresser ko at patakbong lumabas ng kwarto para hanapin ang pinsan ko.



Nakita ko si Manang Sussy na naglakakad papuntang dining area habang may dala-dalang pagkain. Nilapitan ko ito kaagad.




"Manang! Where's Yassy?"




"Nakita ko siya na may kasamang dalaga kani-kanina lang, ineng."




"Saan po sila nagpunta?"




"Ay hindi ko na napansin dahil naghahanda pa ako ng almusal kanina. Andian lang iyon ineng."




"Salamat po.."




I looked for Yassy all over the house pero hindi ko pa rin ito mahanap. Wala ito sa kanyang silid pero nasa labas naman ang sasakyan nito at nakapark.



Pabalik na ako ng kwarto ko ng may lumabas ng dalawang pigura sa kabilang pintuan. Parehong gulo-gulo ang ayos ng mga ito at ngumingiti na parang mga sira.




"Good morning, Boni!" She attempted to hug me pero lumayo ako sa kanya. Sabay harang ng kamay ko para pigilan siyang lumapit sa akin.




Doctor Who? [BOOK 1] COMPLETEDWhere stories live. Discover now