Chapter 28 Her Punishment

Start from the beginning
                                    


"S-sige." Muli kong idinantay ang mga kamay sa likurang bahagi ng upuan at nakangiting hinarap siya. "Ahmm... ang totoo kasi niyan... Nung una kitang nakita, iyong mga sandaling tumuntong ako sa paaralan niyo... sobra akong kinakabahan, tapos may kung sino ang tumulak sa akin kaya naman nadapa ako... At iyon nga... dumating ka..."


Wala siyang ibang ginawa kundi ang titigan ako. Buti na lang hindi pa siya nagsasawa sa kapangitan ko.


"Ang akala ko tutulungan mo ako kaso... tinapon mo ang notebook ko kaya naman... inisip ko na masama ka. Isa kang walang puso slash gwapo slash sobrang samang tao." >__<


Sa tuwing maaalala ko iyon napapangiwi ako. Ang tinding experience e! Pagtingin ko kay Sungit, ang sama ng mukha niya.


Ang sabi niya hindi siya magagalit! >__<


>TAPOS?<


Nakahinga na naman ako ng maluwag matapos mabasa ang mga isinulat niya.


"A-ano... iyon yung pagkakaintindi ko, na... na masama ka nga..."


SIYA - death glare.


"H-hindi ko na..."


"Continue." Biglang sabi niya.


"S-sige... kung iyan ang..." saglit akong tumigil sabay titig sa kanya ng husto. Si... si Brendon alyas sungit. B-biglang nagsalita. At... m-may mali sa boses niya...


Ikinurap-kurap ko ang mga mata, sa katunayan napatayo pa nga ako.


"A-ano ang... nangyari sa boses mo?" O__O


Namamaos kasi siya. As in paos! Ito siguro ang dahilan kung bakit hindi siya nagsasalita.


"Tss!" tumayo siya bigla, sabay lapit sa akin para gahasain ako. Syempre joke lang po iyon. Hinuli niya ang braso ko sabay hila sa akin palabas ng silid.


"Teka..." angal ko. Pilit na kumakawala sa kanya. Hindi ako maaaring umalis. Parang kasalanan ko yata kung bakit nagkaganito siya.


Kasalanan ko!


The way he looks at me, para bang gusto niya akong mawala sa paningin niya. Argh! Hindi ako makakapayag, may kasalanan ako na dapat pagbayaran! >__<


"Get out!" namamaos niyang sabi.


Hindi! Hindi ako aalis! >__<


Nang akma niyang isasara ang pinto iniharang ko bigla ang isang kamay kaya naman ang ending... NAPASIGAW ako nang dahil sa sobrang sakit.

Clash of CLANS 1 : EDRC vs. RDRC(COMPLETED)Where stories live. Discover now