Grabe talaga 'to!

“ OH MY God, this is so damn good my Buwan. Nakaka-slay ang lasa, ang sarap!”Komento niya sa'kin na may papadyak pang nalalaman. Napatawa ako at iling. Kumuha rin ako ng isang piraso at kinain.

Mahilig kasi ako magluto at ang adobo at dinugoan ang favorite kong lutoin, mga specialties  ko mga 'yon, eh. " Magdadala ulit ako kapag ako nakatuka magluto ng mga putahe sa kalenderya ni Tiya. Pwede rin iyong niluto ni Tiya ang ipapatikim ko sa'yo, magaling din iyon eh. ”Sagot ko habang kumakain. Inaamin ko, kahit medyo masungit iyon masarap pa rin magluto ng mga ulam ni Tiya kaya marami ang customers niya palagi.

" Really? Ang galing naman, parang want ko tuloy ma-meet si Antie mo." Saad nito habang busy sa pagsubo. I smirked. “ Sus, huwag mong pangarapin na ma-meet ang Antie ko, sis. Baka bugahan ka nun ng apoy. Dragon kasi iyon! ”Biro ko sa kanya na kinanguso niya.

Pero agad itong napatahik at nang tingnan ko siya sa likod ko ito nakatingin.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya. Pero hindi siya sumagot.Namalayan ko na lang na may tao pala sa likod ko na unti-unting umupo sa tabi ko.

Agad na tumubo ang kaba at panlalamig sa katawan ko. Sinubokan ko lahat ng makakaya ko para hindi siya tignan. Kapag tumitig ako sa kanya para akong nakatingin kay Satanas.

Shit, ano na naman kailangan nito sa'kin?

" Pleasant day, woman. It seems like you're enjoying your foods, aren't you? " Kalmado pero malamig nitong sambit, nakatingin ito sa'kin habang ang siko niya ay na sa lamesa nakatukod para suportahan ang ulo niyang nakapatong sa kamao niya.

"Pwede ba? Huwag ka munang manggulo. Kumakain pa kami. Sa ibang araw na lang, pakiusap lang sana." Matapang kong hiling habang hindi nakatingin sa kanya. Sumubo ako ng pagkain at ninguya ito para maibsan at itago ang kaba ko.

Until now hindi ko pa rin nakakalimutan ang ginawa niya sa akin kahapon. Napatawa ito nang mahina.

" Easy woman, I'm here to eat and not to tease you or do something that will annoys you baby. Gusto mo suboan kita? Masarap akong sumubo. " Rinig ko na kina-rolled eyes ko nang palihim.

" U-umalis ka nga rito." Tabog ko sa kanya habang nag ngumunguya pa rin ng pagkain.

" Tsk, don't talk while your mouth is full. Hindi ba tinuro iyan ng parents mo sa'yo?" Sagot nito sa'kin.Napatikhim naman si Missy sa amin sabay inom ng tubig.

" Pakialam mo ba!? " Iritang sabat ko and this time napatingin na ako sa kanya.  Mas lumakas ang kabang nararamdaman ko nang makita ang mukha niya, ngumisi siya sabay agaw ng tinidor na hawak ko na kinagulat ko.

Anong gagawin niya?

" What's this?" Aniya at tinignan ang adobo na niluto ko. Nanlaki ang mga mata ko nang tinikman niya ito! 

"Hoy! P-para kay Missy 'yan! Bawal mo iyang kainin!" Pigil ko sa kanya pero tinikman niya pa rin. Napasalin-salin ang tingin ni Missy sa aming dalawa.

" But maybe I can try a little bit, I just wanna know if what's the taste of cheap food.  Can I try Missy? ”Tumingin siya sa kaibigan ko na may halong pagbabanta.

" Y-yes, of course King. I'm n-not stingy naman. " Kinakabahan nitong sambit sabay tingin sa pagkain niya at subo. He smirked, tumusok siya ng isang piraso para tikman.

Napayuko ako.

" Not bad..." Komento nito sa kinakain niya. “ But cheap foods are not allowed inside my school, you should throw this inside of trash can. ”Hindi ako nagulat sa sinabi niya. Nagulat ako sa ginawa niya ngayon lang! Iyong pagkain na dinala ko...

That Nerd is Mine (Under Editing x Revision)Where stories live. Discover now