Subrang impossible talaga na gusto niya ako. Ang sabihin mo trip niya akong gulohin.

Napa rolled eyes ako dahil para akong timang na kinakausap ang utak ko. Agad akong lumingon nang may tumawag sa'kin kaya na pangiti ako nang kaunti at pilit dahil sa bad trip ako this time.

Kasalanan ni Whiros, siya dapat sisihin!

" Fhey! " Tawag niya sa'kin. Nakapamulsa ito at mukhang pauwi na rin, nakasakbit na kasi ang bag niya sa balikat niya. Agad itong lumapit sa'kin, nakangiti pa.

" Ikaw pala, Hyx. " Bati ko. Napapadalas na rin kaming nagkikita rito nitong si Hyx. Kaya minsan sumasabay ito sa'kin na hindi ko alam if ba't niya ginagawa, minsan nga sumasabay itong kumain sa amin ni Missy. Feel ko friends na kami, kaso nga lang nakakailang iyong tingin ng mga students sa amin minsan kapag-kasama ko siya, lalo na kapag hawak niya ang pulsohan ko kapag naglalakad kami. Kung ang tingin ng iba, mag jowa kami, puwes sa'kin kabaliktaran, ang tingin ko sa sarili ko kapag kasama ko siya is anak na binabantayan ng nanay sa eskwelahan!

He is the University Supreme Government President of YCU and the Head Chairman ng lahat ng mga students and University clubs. Una nagulat pa ako na siya pala yung USG Pres' ng school. Hindi kasi halata. Well, sakto lang.

Ang talino nito, kung matalino ako...mas lamang lang yata siya ng pitong paligo sa'kin. Ayos din ito eh, Pogi na, matalino pa! With additional mabait at friendly!! Hindi katulad ng kakilala kong isa riyan, kung saan... Noong nagpaulan ng kasamaan ng ugali sa mundo, na sa labas siya! Nagtatampisaw at naglalaro pa sa labas!

Agad naman itong lumapit sa'kin at sumabay sa paglalakad.

" Pauwi ka na?" Tanong niya habang na sa daan ang tingin.

"Oo, ikaw ba?" Pabalik kong tanong. Ngumiti naman ito sabay tingin sa'kin nang panadalian. "Yeah, same. By the way, where's your eyeglass?" Tanong niya na kinabusangot ko.Tss, ano ba 'yan! Bigla tuloy naalala ko ulit 'yong nangyare. Naiwan ko ang eyeglass ko doon. Kaya ito medyo malabo ang paningin ko kaya dahan dahan lang ako sa paglalakad baka matapilok ako.

Hindi naman ganun ka-labo ang mga mata ko. Sadyang need ko lang talaga magsuot ng salamin dahil minsan kapag tumitig ako sa isang bagay na malayo sa'kin sumasakit lang ang mga mata ko, kaka-identify kung ano iyon. Nahihirapan din akong magbasa kung puro maliit na words ang nababasa ko like sa mga libro. Pero kung may kalakihan na naman yung words or fonts, nababasa ko naman.

" Ahh, i-iyon ba... K-kasi ano...nawala ko kasi kanina.Nilagay ko sa bulsa ng bag ko then noong susuotin ko na ulit w-wala na." Pag sisinungaling ko rito. Hindi ko alam if uubra iyon pero bahala na.

Alangan namang sabihin ko sa kanya ang totoong dahilan 'di ba? No way, ayaw ko 'no.

Pero sana umubra ang sinabi ko.

Sumilay ang ngiti sa labi niya habang tumatango. Ginulo niya ang buhok ko na kina-ingos ko sa kanya. Hindi ko alam, pero hilig niyang gulohin ang buhok ko. Minsan napapaisip ako na baka inggit siya sa buhok ko kaya ganun?

Agad ko itong inayos ulit.

" It's okay. Mas maganda ka nga 'pag walang salamin, but... Here. Take that and don't lose it again." Sagot niya sabay abot ng...

S-salamin ko?! Napakurap ako at nag-aalanganang  kinuha ito sa kamay niya.

" I found it! Noong papaba ako galing second floor. I used the fire exit door, kaya pasalamat ka. " Paliwanag niya nang nakangiti sabay kurot ng ilong ko na kinapikit ko sabay sipa sa binti niya. Agad niya namang naiwasan ang sipa ko at tumawa.

“ P-paano mo nalaman na akin 'to? ”Tanong ko sa kanya habang pinupunasan ang salamin ko gamit ang panyo. “ Pamilyar kasi iyan sa'kin. Tsaka, ikaw lang naman ang student dito na may basag na salamin. ”Tumingin siya sa'kin pagkatapos niyang sambotin iyon.

That Nerd is Mine (Under Editing x Revision)Where stories live. Discover now