'Di halata na kilalang-kilala ah. May hinanakit si ate ghorl niyo...please note the sarcasm.

I just shut up my mouth, gusto ko sana magtanong sa katabi kong matulis na nakatingin kay Lhorken...pero huwag na lang, next time na.

" Tara na nga, male-late na us." Anyaya niya sa'kin sabay hila. Binalingan ko muna ng tingin ang lugar kung saan banda sina Whiros at doon ko lang na pansin na nakatingin din pala ito sa'kin habang nakangisi.
Tsk! Kung makatingin siya parang may binabalak na namang masama. Agad akong nag iwas ng tingin at nagpahila kay Missy. Wala akong planong na makipagtitigan sa kanya buong araw.

" OKAY everyone please kindly listen! Be ready tomorrow. Mag si-review kayo at huwag puro landi lang, baka hindi lang kayo sa crush niyo babagsak...pati sa subject ko! " Anunsyo ng Professor namin na agad namang kinabagksak ng mga balikat ng mga kaklase ko.

" Yes Sir! " We chorused.

" Sige, see you all tomorrow and you may now take your break. Pati jowa niyong mga walang kwenta...i-break niyoo na rin. Goodbye! " Huling banat niya sa amin.  Napangiwi ako. " Ang weird ni Sir. Rhalf, right?" Tanong ko kay Missy. " Never mind him babe. Balita ko, broken lang daw iyon since nakipag-break daw." Sagot nito sa'kin at bungisingis nang mahinhin.

Kaya pala...

Kaya pala pati kami parang dinadamay niya sa hinanakit niya.

"So what's the plan?" Tanong niya habang nagliligpit kami ng gamit, kaya napa-isip ako. " Hmm, maybe punta tayo library later para mag review?" Sagot ko habang palabas ng room. " Oh, that would be a great idea, basta let's buy some snacks muna since I'm little bit starving." Sagot niya na kinatango ko.

Tinatahak namin ang pasilyo papuntang cafeteria nang bigla na lang nagpakita sa harapan namin ang bulto ng demonyo, kaya agad kaming napahinto sa paglalakad. Palihin akong napalunok nang tumingala sa kanya at nasilayan ang nakangisi niyang labi. Bumilis agad ang tibok ng puso ko, para bang nakakita ako ng delubyo sa aking harap...sapat para takasan ako ng dugo sa katawan. Humigpit ang pagkahawak ko kay Missy, randam ko rin ang pagiging malamig ng kamay niya at pagiging tahimik.

“ Hi...slave...good morning. ”He greeted me using a gruesome voice. I grimaced because of the word he used to called me. Slave. New endearment niya na naman sa'kin? Wow, nag update yata...hindi na bullshit woman or fucking woman tawag niya.

Sana pati ugali niya mag update na rin sa latest version. Mukhang expired na kasi.

"B-bakit? A-ano need mo?— Teka...oo nga pala, iyong research mo ba? Ayan tapos na iyan! I'm done, alis na kami! " Kada-utal utal kong sambit at mabilis na binigay sa kanya ang hawak kong research niya.

Mabilis kong hinawakan ang kamay ni Missy at hinila ito para tumakbo. Narinig ko pang tinawag ako ni mokong sa bagong endearment niya sa'kin pero hindi ko na lang siya pinansin...mamatay siya.

" T-teka w-wait! Buwan, oh my gosh! dahan dahan lang tumakbo, gosh! They're not catching us naman!" Reklamo ni Missy ngunit hindi ko ito pinakinggan at lumiko sa isang hallway.

Sorry Missy!

Bahala siya muna basta ang importante is makatakas at maka-distance kami sa gonggong na iyon.

"SO, where us kakain? Ang layo ng tinakbo natin, my goodness! " Hasik ni Missy habang pinapaypayan ang sarili gamit ang kamay. Nagkibit-balikat ako at umupo sa may bench. Na saan labas kami ng building, malapit sa football field.

I gawked at her.

Notice ko lang sa kasama kong 'to...malakas kumain at palaging gutom, hindi naman siya tumataba! I'm Wondering...baka may portal ang tiyan niya? Charr.

That Nerd is Mine (Under Editing x Revision)Where stories live. Discover now