Lumabas ako ng banyo ng nakatapis lang ng towel. As always naman, lumalabas lang akong nakatapis galing banyo at umakyat sa kwarto ko para mag bihis. Wala namang problema dahil puro babae kami rito. Nadaanan ko naman ang pinsan ko na nakabihis na ng uniform niya at naglalagay ng makapal na krayola sa mukha. Wala naman sanang problema sa paglalagay niya ng mga make ups sa mukha nito, kaso lang subrang kapal, ta's proud na proud pa siya sa overdose niyang look.

Ah ewan! Naiinis ako sa kanya!

Aakyat na sana ako sa hagdan nang tawagin ako ni Unice. “Psst! Hoy Peng. Tignan mo nga if okay na make up ko? Maganda ba?”tanong niya sabay ngiti ng peke sa'kin habang nakataas ang isang kilay.

Mukha kang coloring book.

"Oo maganda." simpleng sagot ko at umalis. Rinig ko ang bungisngis niyang masakit sa tenga. "I know right, hindi naman kasi ako kagaya mo na walang ka-taste-taste sa katawan." Pagtataray niya sa'kin at tinignan pa talaga ako ng taas-baba. Lihim akong napairap sa hangin. Hindi ko talaga alam kung ano ang rason kaya nagtataray ito sa'kin. Baka inborn na ang pagiging mataray niya?

Psh, akala mo kung sino. Iniwan ko siya nang walang paalam para magbihis. Nang makabihis na ako ay agad kong inayos ang gamit ko para makaalis na. Naka-black printed anime T-shirt lang ako na hanggang siko ang sleeves at tinak-in, pares nito ang simpleng black jean at white shoes. Nilugay ko lang ang buhok ko. Tumingin ako sa salamin, otomatikong ngumiti ako nang makita ang printed na mukha ni killua ng Hunter x hunter. Favorite ko kasi iyon, at krass ko si killua ratiiii.

Agad akong lumabas ng kwarto ko nang matapos kong hablotin ang envelope na naglalaman ng research paper ni abno.
 

I AM in the middle of outwaits of vehicles to have a ride that suddenly, a gray SUV stopped in front of me. I blinked twice before I felt that my forehead creased.
Agad naman bumukas ang bintana at agad naman dumungaw si—

"M-Missy??" Banggit ko sa pangalan niya habang nakatingin sa kanya. She waived her hands after removing her sun glasses.

" Hello my Buwan! Good morning, sumabay ka na with me. Magiging haggard lang you kaka-wait ng sasakyan here!" She presented while smiling. I automatically smiled because of that, para akong batang excited na pumasok nang mabilis sa loob ng kotse. Katabi ko siya, lumingon ako sa driver niya na parang na sa middle 50s na.
“ Good morning po, Manong! ”Bati ko na agad niya namang sinagot ng ngiti at tango. Nagulat pa'ko dahil bigla na lang ako niyakap ng baliw na katabi ko lang. Napangiwi ako sa gulat pero hinayaan ko na lang.

Kumalas siya sa pagkakayakap sa'kin at bahagyang inayos ang bang niya. " So, my Buwan dito ka always nag wi-wait ng sasakyan? If yes, why don't you sabay na lang always with me? Bali doon mo na lang ako hintayin always nang umaga or if you want, you can give your address to me para masundo na lang kita." Aniya sabay ngiti sa'kin na para bang gusto niya akong pumayag sa gusto niya. Agaran akong napatingin sa kanya at lunok.

“ Hindi— I mean, ayos lang ako. Kaya ko naman sarili ko at tsaka, nakakaabala na sa'yo. ”Honest kong sagot sa kanya na kinabusangot niya. Nagkibit-balikat ako.

" Duh! You're not bothering me always naman. Besides, mas gusto kong may kasabay papuntang school, tsaka pwede rin na ako na rin ang maghahatid sa'yo pauwi! Is that a good idea isn't it?? ”

Luh? Mas lumala yata e.

“ S-sige.. Sabay na lang tayo always kapag papuntang school. Pero pag-uwi, huwag na...ibang usapan na iyon! Tsaka, minsan sa trabaho na ako dumideretso. ”

Hindi niya pinansin ang sinabi ko. Instead, may kinuha ito sa bag niya. " Hoy ano yan? Teka wait ayoko niyan!! "  Naglabas ito ng pulang liptint at akmang ilalagay sa bibig ko pero agad akong umusog palayo sa kanya.

That Nerd is Mine (Under Editing x Revision)Where stories live. Discover now