CHAPTER 25

8 3 0
                                    

#CWF-CHASE WITHOUT FEAR


Hanggang ngayon andito pa din ako sa Kuwarto ni Noona Naiinis pa din ako hindi ko alam kung bakit pero nainis ako ng kaunti kay David,bakit ba kasi sya tumabi sa kama ko eh alam nya naman na masyadong ma issue ang mga kaibigan namin.

Hindi ko din alam pero medyo natakot ako sa tingin ni Sevi kanina kay David ano naman pake alam ni sevi tss

Nang matapos nako maligo Sa Bathroom ni noona nag bihis na agad ako ng Light blue shirt and Jumper naka Boots ako ngayon na hanggang tuhod di ko alam tawag dito eh basta boots okay nayan.

Nag blower din ako para mabilis matuyo ang buhok ko,Pinuyod ko lang to parang messy bun nilagyan ko din ng kaunting hibla ng buhok sa may magkabilang gilid.

Pupunta kasi ako sa isang Kainan or restaurant hehe isasama ko si noona Xiamara,ayoko mag breakfast dito sa bahay naiinis ako sa kanila shempre maliban ki noona at Kila kurt.

"Gab"napatingin naman ako kay noona na nakaharap sa salamin habang nag lalagay ng Liptint,ayos din to si noona eh kunting tint lang kabog na kabog na.

"Yah?"sagot ko sakanya medyo lumapit pa ako para naman marinig ko lalo ang sasabihin nya

"Sino ba kasi yung Hansel na yun!yung babae kagabi na inimbitahan mo hansel ba pangalan nun?saka Boyfriend nya daw si Sevi yuck mas maganda ka pa nga dun eh,ampabebe pa nung babae"natawa naman ako sa sinasabi ni noona haha shempre sasabihin nyang mas maganda ako kasi diba I'm her sister haha
Pero maganda si Hazel
Mahaba ang pilikmata morena short hair sya and Medyo mababa nga lang hihi

"Noona hindi hansel pangalan nun pftt!HAHAHA Hazel yun noona H-A-Z-E-L" pag uulit ko sakanya hazel naman kasi talaga pangalan nun hindi hansel haha funny mo noona

"Ah hazel ba okay haha by the way iwas mo na tayo sa ganyang usapan.saan pala tayo pupunta?"Saka sya tumabi sakin sa kama kung saan ako nakaupo

"Kakain gagamitin ko yung Ferrari kong sasakyan yung sayo gamitin mo na din baka masira kung hindi mo gagamitin eh,terno mo nalang sa damit mo ang Kotse haha para maangas,Saka Doon tayo sa Beef restaurant kung magtatanong ka kung merong baboy,manok doon wala noona kasi baka ang meron dun Kaya nga BEEF RESTAURANT Hahaha"pagpapaliwanag ko pa sakanya medyo slow si noona pero lab ko pa din haha

"Ah sige HAHA tara na!"

"Lez go!"sigaw ko din saka ko na sya hinila palabas ng kuwarto

Pero nagulat ako nung makita ko ang Buong DG na nag aantay pala sa labas ng kuwarto ni noona

"Saan kayo pupunta mga binibini?"tanong naman bigla ni flaire kaya binitawan ko sandali si Noona para mag salita total leader ako pwede ko naman gawin lahat ng gusto ko.

"Bakit mo tinatanong?"dahil sa sinabi ko nangunot naman ang noo ni kuya flaire saakin shempre ngayon lang ako bumastos ka usap at sakanya pa.

"Bakit gab hindi na ba uso ang mag paalam sa nakakatanda kung saan pupunta ang mga binibini namin?"tss ang mais kuya flaire kung alam mo lang!

"Bakit?nag paalam ba kayo kahapon na aalis kayo diba hindi so  patas lang tayo!"saka ko hinawakan uli ang kamay ni noona binangga ko nalang ang DG dahil nasa harap ang dadaanan Namin kaya sinisiko ko sila pag hindi umaalis.Hinila ko na din si noona kasi natutulala kanina pa tsk lumilipad na naman sa atmosphere ang utak nito kawawang Ate haha.

"Gab grabe ang ganda dito pero ang mahal ng foods,sana sinabi mo na gusto mo ng beef edi sana pinaglutuan kita ng Lucky me beef edi tipid pa 15 pesos lang sana ginastos mo at hindi five hundred diba?nako gab ang gastos mo"tss ngayon pa na nermon kung saka naka order na minsan may saltik din to si noona eh

"Expected ko na lulutuan moko ng beef pero hindi ko inexpect na lucky me beef ang tinutukoy mo tss"tumawa pako ng pilit para hindi naman maging malungkot si noona

Ilang oras pa bago dumating yung order namin,kumain lang kami ng kumain at hindi na nagdada breakfast kasi to kaya medyo gutom talaga lalo't nakipagbulyawan ako sa DG kanina bago makapunta dito.

Nang matapos na kaming Kumain dumiretso kami sa sasakyan namin,bumili muna ako ng milk tea for us and for DG kahit galit ako at may tampo Ganto pa din turing ko sakanila.
Ayoko lang naman sa lahat  eh yung nagsisinungaling sakin lalo na pag sa pinagkakatiwalaan ko pa.

Pauwi na kami ni noona

After ng ilang minuto ay nakarating na kami sa bahay at pinark na namin ang Ferrari,nakita ko na sunod sunod bumaba ang buong DG tss

Mga makasalanang nilalang.

"Andito na pala kayo!"sigaw ni Tayler galing sa kusina

"Hindi ba obvious?"saka ko binigay kay kurt ang dala kong tea para sakanila binigay na din ni noona yung iba kaya tig isa nalang hawak namin.

"Hmm okay, Tara dun tayo sa Dinning nagluto kami kain muna kayo"saad naman bigla ni Asher

Nilingon ko silang lahat si noona naman mukhang gusto pang kumain tss takaw huh

"Kumain na kami,pero si noona baka gusto pa kumain kaya okay kumain na kayo.punta muna ako sa kuwarto,And walang papasok sa kuwarto ko ng wala ang permiso ko"saka ko na sila tinalikuran

Nag bihis ako ng Dolphin shorts at Oversized shirt color Red
Saka ako pumunta sa may Mini library ko para mag basa
Dala ko din yung tea na binili namin kanina.


SEVI POV

Nakita ko nalang na papunta si Gab sa kuwarto nya Tss ano ba kasi talagang ginagawa dun ni David sa kuwarto ni gab.

Ang weird na tuloy ng atmosphere hindi kami pinapansin ni gab sila Xia lang ang pinapansin nya

Xia(Xiamara)

Kaya pinuntahan ko muna si David sa kuwarto nya para tanungin kong ano ba talaga ang ginawa nya dun tss nababadtrip ako lalo na nung makita ko sya na kaharap si gab sa kama.


Kumatok muna ako sa kuwarto nya bago ako pumasok.


"Oh sevi meron ka bang kailangan?"tanong agad sakin ni David pag ka upo ko sa kama nya agad din sya sakin tumabi

"May tatanong lang ako."tipid na sagot ko sakanya kaya mas lumapit pa sya sakin para makinig sa itatanong ko.

"Ano yun?"
Taas kilay pa sya mukhang nagtataka

"Ano ginawa nyo kagabi ni gab sa kuwarto nya?"

"Huh!?wala!tangina nakikibasa ako kagabi sa kuwarto nya ng libro kaso nga lang inantok ako kaya tumabi ako kay gab pinagitnaan ko din ng unan yun kaso natanggal"
Sunod sunod na paliwanag nya sakin

"Sigurado ka?pag nalaman kong may nangyari sainyo malalagot ka sakin"

"Luh jowa ka?de joke lang"


Saka na ako umalis sa kuwarto nya dumiretso na ko sa hapag para kumain gutom na din kasi ako hindi pa ako kumakain simula nung nagising si gab sa kuwarto nya.


"Kumusta?"napatingin ako sa likod ko kung sino ang nag salita
Si Asher pala.

"Okay lang bakit?"
Tanong ko sakanya pinapagpatuloy ko lang ang pagkain ko gutom nako eh

"Diba gusto mo si gab?tapos Di namin alam na may Girlfriend kana pala tss"tinignan ko sya ng masama kasi naman hindi ko talaga yun girlfriend tsk fake girlfriend lang yun si Hazel!fvck hindi ko kayang mag cheat kay Gab pero wala pakong Masasabi sakanya ngayon

"Mamaya ako mag papaliwanag sainyo." Tipid na sagot ko saka nako tumayo para bumalik sa kuwarto ko at mag isip isip.







A/N:I love you sa mga reader's ko hahaha hanggang may reader's palagi ako mag a update.

Chase without FearWhere stories live. Discover now