Chapter 13 - Good Friend

Começar do início
                                    

"I'm trying to move on, remember? Kaya nga ibabalik ko ang mga gamit niya."

I pursed my lips. "Okay. Nandito naman kaya siya?"

"She'll be there, unless she went out with her---fiancé." Halatang ayaw niyang sabihin ang huling salitang binitawan niya.

"Pero kapag wala siya, iwan ko na lang sa family niya?"


Dash looked at me and forced himself to smile. Tumango siya at tinitigan ang mga mata ko. "Salamat ha."

"Hindi 'to libre, kakausapin mo pa si Royce para sa'kin."

Napangiti na siya dahil don. "Oo nga pala."


Lumabas na kami sa kotse niya at binuksan niya na ang trunk. Inabot niya sa akin ang dalawang box. "Kaya mo?"

I just nodded at him. Hindi naman ako ganung kahina.


Naglakad na ako papunta sa pintuan at binaba muna ang mga carton box bago ako nag-doorbell. Dash went back inside his car.

"Saglit!" I heard a girl shouted. Tumingin ako kay Dash at sinenyasan siyang narinig ko na si Charmaine.



When his ex opened the door, I smiled. "Hi!"

Charmaine stared at me, probably trying to remember who I am.

"I'm Iris. We met last summer at the Larkyn Bears's victory party."

"Oh." Halatang hindi niya pa rin ako maalala.

"I'm a friend of Dash. Pinaaabot niya pala itong mga gamit mo."

When she heard Dashiell's name, her facial expression suddenly changed. Agad hinanap ng mata niya ang ex niya at nang makita iyon ay namuo ang mga luha sa mata niya.


"H-hindi ba siya bababa?" tanong niya sa akin.

I glanced at Dash but he's not looking in our direction. Umiwas ito ng tingin.

"I'm afraid not. Hindi niya pa raw kaya."

Tumulo ang luha sa mata ni Charmaine ngunit agad niya rin itong pinunasan. She looked at me and smiled. "Ito bang mga box na 'to? Lahat 'to?"

"Oo daw."

"Okay. Thank you." Tinulungan ko siyang buhatin ang isa dahil nanginginig ang mga kamay niya. "Pasok ka muna sa loob, miss???"

"Iris," paguulit ko sa pangalan ko dahil mukhang hindi niya narinig kanina nung nagpakilala ako.


"Halika." She gestured for me to go inside.

"Nako, hindi na---"

"Please." Her eyes are pleading. Halatang may gusto siyang sabihin sa akin na hindi niya masabi ngayon dito.


Tumango na ako at sinundan siya papasok sa loob. Her house is simple. Kumpara sa mga bahay namin, halatang malayo ang estado ng buhay niya. But it's decent. Malinis at maaliwalas.

"Upo ka muna. Anong gusto mo? Juice or---"

"Kahit wag na. Ayoko namang magtagal dito. Naghihintay si Dash sa labas."


She looked at the window and sighed. Then she sat beside me.

"Pasensya na pero pwede ko bang matanong? G-girlfriend ka ba niya?"

My eyes widened. "Hala hindi! Magkaibigan lang kami."

"But I know everyone of his friends."

Torn in Two (Elite Girls 2)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora