"There's nothing to talk about. I'm good" walang gana magsalita kong sabi.
"Okay. If you say so" sagot naman niya. Tahimik na 'kong kumain hanggang sa matapos kami, na una na 'ko sa locker para kunin yung gamit ko nang makita ko si, Niex na naglalakad. Tagal ng hindi nagpapa-ramdam toh ah, may prolema ba toh? Hindi na nga niya ako nilibre, may family dinner daw kasi sila. Hindi pa rin ba natatapos yung family dinner nila hanggang ngayon?

"Huyy, Niex!" pasigaw na tawag ko sa kaniya pero hindi man lang lumingon. Tinawag ko siya ng dalawang beses pa pero patuloy lang siya sa paglalakad niya. Kaya nung kumanan na siya, hindi ko na siya tinawag at sinundan pa. Kinuha ko na yung mga gamit ko sa locker at dumiretsyo na sa room. Pagdating ko don, wala pa sina Rhe at Alee. Sa'n naman nag punta yung mga yun?

Tahimik lang akong umupo at naka harap sa blackboard habang naka cross arm. Wala naman akong iniisip pero iba talaga pakiramdam ko ngayon. Parang pakeneng shet, na babagot ako sa buhay. Pupunta na lang ako sa kaniya bukas or sa susunod na araw. Ang tagal ko ng hindi nakaka punta sa kaniya. Naputol yung pag-iisip ko nang biglang may humarang sa harap ko. Tadyakan ko kaya 'to? Inangat ko yung ulo ko ng masama yung mukha at tingin para tignan kung sinong kumag 'to! Nakita ko yung mukha ni, Brian at Marcus. Naka ngiti ng pagka-lapad lapad si, Brian. Tinaasan ko sila ng kaliwang kilay at binaba na yung tingin ko sa mesa ko ng walang gana. Sina-stamp-stamp ko yung tamang haba ng kuko ko sa mesa na nagbibigay ng konting tunog.

"Ah, Lour-"
"Alis. Wag niyo 'kong kausapin" putol ko sa sasabihin ni, Marcus.
"Loureen, sasab-" hindi na natuloy ni, Brian yung sasabihin niya ng inangat ko yung ulo ko para tignan siya ng masama. Bumalik naman agad siya sa upuan niya habang hinihila din si, Marcus.
"Lets tell her" Rinig kong sabi ni, Marcus kay Brian.

"Not now. Wag gagalitin lalo ang isang Loureen Andie. Sabihin na lang natin sa katapid ko. Ayy, ikaw na lang pala" bulong ni, Brian. Tsss. Bubulong tas maririnig ko? Walang kwenta Brian Nate. Nagtaka ako ng hindi pa rin dumadating sila Rhe at Alee. Nasa'n na yung mga yun? Biglang kumunot yung noo ko kasabay ng pag vibrate ng phone ko. Message mula kay Rhe, may emergency daw si, Alee kaya sasamahan niya muna. Paki sabi na lang daw sa prof namin na may emergency lang.

Nagtaka naman ako kung anong emergency yun? Kaya tinanong ko kung anong nangyari at nag reply naman agad si, Rhe na hindi daw niya alam, basta sabi daw ni, Alee emergency. Hindi na 'ko nag reply dahil dumating na si prof. Osin, bumati muna siya sa 'min bago siya nag discuss. Hindi ko na sinabi na excuse muna sila Rhe, hindi naman siya nag check ng attendance at dumiretsyo na agad sa pagle-lecture.

Sasabihin ko na lang kapag napansin niyang kulang kaming studyante niya or kapag hinanap niya. Tumuloy tuloy lang yung discussion niya pati na rin sa ibang subject. Bago kami umalis ng room, dumating si prof. Mike at nag announce na wala na daw pasok sa last subject dahil may meeting daw lahat ng professors sa campus. Pagkatapos niyang sabihin yun, nag hiyawan pa yung iba kong classmate bago kami lumabas ng room. Naglakad na 'ko pa puntang locker at napansin kong konti na lang yung studyante.

"Ayyy, kimay ka" bahagya at gulat kong sigaw ng biglang may yumakap mula sa likod ko. Naka pulupot yung kamay niya sa bewang ko. Ang manyak naman neto.

"Stay still" bulong niya sa may tenga ko. Anong stay still stay still ka diyan? Kimay! Pinilit kong kumawala pero hinigpitan niya lalo yung yakap niya. Kimay naman!!
"Papakawalan mo 'ko? Or uubusin ko buong angkan niyo?" Galit na tanong ko. Tumingin ako sa kaniya ng patagilid at nagulat ako nang makita ko yung mukha ni MD. What the hell?

"You're scary huh? Very aggressive. But you have your red flag, mah' lady" lapit niya sa tenga ko at binulong yun. Dumikit pa yung pisngi niya sa pisngi ko. Mah' lady ampt.

"At an-" hindi ko na natuloy yung sasabihin ko ng mapagtanto kung ano yung ibig niyang sabihin sa red flag.
"Let me hug you and bring you to the restroom. So, you can clean yourself" sabi niya sa malalim na boses.

"Uhhmm.... can.... we... just go to the parking lot? I don't have a... nap...kin" nahihiyang kong sabi sa kaniya. Narinig ko naman yung bahagya niyang tawa. Kimay!
"Then, let me hug you until we get there" bulong niya sa tenga ko. Bakit kailangan ibulong? Nakaka-kiliti, MD.

"T-thank y-ou" sabi ko at dumiretsyo kami sa parking lot ng naka yakap siya sa 'kin. Lahat tuloy ng makaka-salubong namin ay pinagtitinginan kami. Chismosa at chismoso.

"We're getting a lot of attention" biglang sabi ni, MD. Paki ko sayo?
"Yeah and it sucks" irita kong sabi, narinig ko naman yung pigil niyang tawa. Ano na naman nakaka tawa do'n? May sayad ata sa utak 'to eh.





FAITH
it does not make
things easy, it makes them
POSSIBLE
Luke 1:37

Love to the FullestWhere stories live. Discover now