"Ahh, h-hahaha. Hindi ka lang pala maganda at talented, joker ka pa" tatawa tawang sagot naman niya.
"Muka ba 'kong baraha?" Sarcastic na tanong ko ulit sa kaniya.
"Ahhh hindi ahh, ang ibig kong sabihin, magaling kang mag biro" sabi niya, tinignan ko na siya. Naka halumbaba ako na naka-harap sa kaniya.

"Alam mo? Kung ayaw mong ubusin ko yung buong angkan mo? Mabuti pang bumalik ka sa upuan mo at manahimik, wala ako sa mood ngayon kaya kung pwede dumistansya ka muna. Mmm" sabi ko habang naka ngiti sa kaniya ng malawak. Fake smile. Isako ko 'tong isang to eh.

"Ah he-h-hehe pasensya na, Loureen. Sige, alis na 'ko" sabi niya at bumalik agad sa upuan niya. Binalik ko na yung atensyon ko sa libro. Maya maya lang dumating na si, Rhe at dumiretsyo na siya sa upuan niya.

"Good morning, Die" masigla niyang bati. Tumingin naman ako sa kaniya.
"Mmm. Morning" sagot ko at bumaling na ulit sa libro para mag basa.
"Bad mood?" Tanong niya habang may kina-kalikot sa bag niya.
"Depende" sagot ko.

"Good morning, mas maganda pa 'ko sa morning" banat ni, Alee pagkarating.
"Mas maganda ako, Alee. Ano ka ba?" Banat naman ni, Rhe sa kaniya.
"Talaga teh? Walang nagta-tanong. Shut up ka diyan" sabi ni, Alee.

"Shut up talaga, pag beauty ko yung pinag-uusapan noh? Sa ganda kong 'to!!" sagot naman ni Rhe. Ang ingay naman.
"Manahimik nga kayong dalawa" inis na baling ko sa kanila.
"Ayyy, dragon ngayon ang mahmah" biro ni, Alee at tumawa lang si, Rhe.

Maya maya dumating na si professor Mike. Nag lecture na agad siya sa 'min. Nakinig lang ako sa pagtuturo ni prof. Mike kahit hindi pumapasok sa utak ko yung tinuturo niya. Nang matapos siyang mag lecture, umalis siya ka agad at maya maya lang dumating na rin si prof. Canlas, pagka-dating niya nag discuss din ka agad siya sa 'min. Dinadaldal ako minsan nila Rhe at Alee pero wala talaga ako sa mood ngayon, hindi ko talaga alam kung bakit iba yung pakiramdam ko.

Pagkatapos mag discuss ni prof. Canlas at mag dismiss, umalis agad ako para pumunta sa locker. Sumunod naman sa 'kin sina Rhe at Alee, sila na lang dalawa yung nagda-daldalan ng walang kwentang bagay. Hindi na nila ako kina-usap dahil alam na nila na wala talaga akong sa mood ngayon.

Dumiretsyo na kami sa cafeteria pagkatapos naming maglagay ng gamit sa locker. Gaya ng dati, doon na kami nagkikita nila Ely at James sa pwesto namin sa cafeteria. Nag order na kami ng pagkain namin at bumalik na ulit sa pwesto namin, tahimik lang akong umupo sa upuan ko at hinayaan silang mag usap.

"What's with that face, Die?" Biglang tanong ni, Ely kaya napa tingin ako sa kaniya ng naka kunot yung noo.
"Beautiful" sagot ko.
"Dragon yan" sabay pang sabi ni, Alee at Rhe tapos tumawa.
"Eh kung ubusin ko buong angkan niyo?" masama kong tingin sa kanila.
"Eh kung ganon din gawin namin sayo?" sagot naman ni, Rhe. Tsss.
"Stop" singit naman ni, James.
"Ka loka mga teh, ubusan ng lahi na 'to?"
Sabi ni, Alee habang naka takip yung isang kamay sa bibig.

"Oo at pwede kong isama yung lahi mo" sagot ko sa kaniya habang naka cross arm.
"Toh naman teh, lahi na lang nila Ely at Rhe para naman mabawasan yung magaganda dito sa planetang toh" sagot naman niya.
Hindi na 'ko nakapag salita ng dumating na yung pagkain, kumain lang ako ng hindi nakiki-sali sa usapan nila. Nag salita lang ulit ako ng mag tanong si, James.

"Are you okay, Die?" Tanong niya kaya napa tingin ako sa kaniya habang ngumu-nguya,
Nasa harapan ko lang kasi siya.

"Muka bang oo?" Balik na tanong ko.
"No" sagot niya.
"Edi, no" sabi ko.
"You don't wanna talk about it?" Tanong na naman niya, kami lang yung nag-uusap kasi nagda-daldalan yung tatlo.

Love to the FullestWhere stories live. Discover now