CHAPTER 30

8.2K 142 21
                                    

WAVES THIRTY 


"Don't worry, ma'am." nginitian ako ni Sandra. "Maayos lahat ng schedule niyo next week kaya dapat nag-eenjoy kayo."


Ngumiti ako. I also want her to enjoy her one week vacation, she's a good secretary, naging magaan ang trabaho ko dahil sa kanya. Gusto kong sulitin nila ang mga araw  dito.


"Just call me if you need anything." sabi ko.


"Talaga, ma'am? dadagdagan niyo ang sahod ko?" malokong tanong niya.


"Is that what you want?" tanong ko. "Sure, I'll double it, tapos hahanap narin ako ng bagong secretary."


Kinabahan siya at natawa lang. "Ito talagang si ma'am, ayos na po ako, kahit hindi niyo na doblehin ang sahod ko."


Umalis siya at bumalik ako sa room ko. Aarav wasn't there so I took a shower, pag-katapos ko ay nakita ko siyang nasa bed abala sa pag-tatype sa laptop niya.


"Are you busy?"


He stopped typing. "No, come here, hug your boyfriend."


I smiled like a kid, I sat next to him and hugged him. Tinignan ko ang pinagkakaabalahan niya sa laptop. I furrowed when I saw something interesting but my mood changed after kong makita ang London sa binabasa niyang message.


"Are you going to leave the company for London?" ngumuso ako sa tanong ko.


"Yes, I really need this." sagot niya.


"But I need you more."


I heard him laugh, sinarado niya ang laptop at humarap sa akin. "I'm not going to leave you. I'm going to London for a big meeting with Raeli."


Hindi pa rin ako nakatingin sa kanya at ngumunguso. Pinagtatawanan niya na naman ang mukha ko.


"Can I go with you?"


Umiling siya at pinisil ang pisngi ko. "Madami kang gagawin dito at ayaw kong abalahin ka pa. Limang araw lang naman ang itatagal namin doon at pagkatapos nun-"


"Pagkatapos nun uuwi ka na sakin?" mabilis na tanong ko.


He pinched my cheek more. "Gusto mo bang sayo na ako umuwi?"


"Yes!" malakas na sagot ko. "Syempre naman! bakit may iba ka pa bang gustong uwian maliban sa akin?"


Hindi siya natakot at niyakap ako. "I'm planning to buy a house for us, gusto ko na araw-araw na ikaw ang uuwian ko at gabi-gabing ako ang uuwian mo."


With that, bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko. At 26, I still have no plan to get married or have a family. Gusto kong mag focus sa company at sa iba pang mga bagay. But the Idea of having a complete life with Aarav, parang ang sarap pakinggan na may isang gaya niyang pwede kong uwian araw-araw.

IHS #1 : BETWEEN SERENE WAVES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon