CHAPTER 4

6.2K 132 5
                                    

WAVES FOUR


Natapos ng maaga ang pag-lilinis namin bago pa dumating ang ibang tao, I noticed that some student are here for their vacation, to earn money. I thought I'm the only one. Dumating lang ang iba kanina, mukhang mas sanay sila, parang nag-trabaho na sila dito dati.


Nasa malayo ako habang sama-sama silang nag-tatrabaho doon malapit sa mga tao, kakatapos lang din namin ni Rezza kaya nag-papahinga ako, hinihintay ko lang siyang bumalik para sa breakfast. I have no choice but to be with her than being weird-alone-girl here. She's really kind and talkative so I kinda hate her a little.


Kanina pa siya umalis at hindi pa bumabalik, nagugutom na ako ngayon. Naka-upo lang ako sa duyan na naka-kapit sa puno, wala masyadong tao sa paligid ko kaya nakaka-hinga ako ng maluwag.


Nanginig ang phone sa bulsa ko kaya agad kong kinuha 'yun, nakita kong tumatawag si mommy, nakukunsensya na kaya siya sa ginawa niya sakin and tumawag siya to say sorry.


Of course not, she's my mother and I am her daughter, mataas ang pride naming dalawa.


[Hi, how's your days there?]


Sumimangot ako dahil 'yun agad ang tanong niya. "It was good, mom. Super fun, sa sobrang fun parang gusto ko nang umuwi ngayon."


[Three months remember?] pa-alala niya. [Nakakalimutan mo na ba na ikaw mismo ang pumayag sa gusto ko-"


"Yes because you black mailed me!"


[Oh, kasalanan mo ba na nauto ka?] alam kong nakataas ang kilay niya ngayon. [You can say no and I will accept it but you chose to answered me with yes so It's your fault, darling.]


Sumasakit ang ulo ko kapag kausap si mommy, hindi ko alam pero ang galing niya talagang pa-ikutin kami, kahit ang mga kapatid ko natatakot sa kaniya. She's so bossy, I mean because she's the boss.


"I want my New York that is why I agreed with you, mom. Alam kong isusumbong mo talaga ako kay daddy kaya wala akong choice."


[Think about it, Fayd. You want to be independent kaya mo gustong pumunta sa New York, but how can you be independent kung palagi kang ganyan, look at yourself now mag-isa ka, wala kami sa tabi mo, at ilang araw ka palang diyan gusto mo nang umalis ganyan ba ang gagawin mo once na nasa New York kana? If you want to be independent kailangan mong pag-aralaan 'yun.] kung nasa harap ko lang siya na-iimagine ko na agad ang galit niyang mukha.


"Oh, really? kaya ba hindi mo ako pinasama diyan at dinala mo ako dito para mag-isa." sarkastikong sabi ko.


Narinig ko ang pag-buntong hininga niya. [Alam kong hindi mo gustong makisama sa mga tao sa paligid mo, alam ko ding takot ka sa mga tao but hindi ka pwedeng maging ganito buong buhay mo, dadating ka sa punto na kailangan mong makipag-halubilo sa kanila at gusto kong matutunan mo 'yun. Kung talagang gusto mong hayaan ka namin ng daddy mo matuto kang mag-adjust, baguhin mo ang mga ugaling hindi dapat. Talk to people, communicate with them, be with them. Wala ka sa mundo mo, nasa mundo ka kung saan madaming tao sa paligid mo, one day marerealize mo din kung ano ang kalagahan nun.]

IHS #1 : BETWEEN SERENE WAVES Where stories live. Discover now