CHAPTER 5

6.1K 126 8
                                    

WAVES FIVE


"Minsan tuloy kulang nalang isipin ko na aswang ka madalas tuwing gabi ka lang lumalabas." tawang sabi ni Rezza habang nag-lalakad kami sa tabing dagat.


Hindi ko siya pinansin, naka-tuon lang ako sa malayong lugar sa harap ng nag-lalakasang alon. Tuwing gabi lang nag-papakitang gilis ang mga alon at hindi kapag madaming tao, parang silang may sariling utak.


Napa-isip ako bigla. Maliban saming dalawa na nag-lalakad wala na akong ibang nakikitang tao, takot ba sila sa gabi?


"Where's everyone?"


Ngayon ko lang napansin na sa tuwing lalabas ako tuwing gabi ay wala akong nakikitang tao kahit isa man lang which is good for me but nakakapag-taka lang kung ganon.


"Nasa heaven sila." seryosong sagot niya.


Hindi ko alam kung nag-bibiro ba siya dahil hindi naman siya tumatawa pero hindi din naman nakakatuwa ang sagot niya.


Natawa siya marahil ay napansin niya ang pagiging tahimik ko at hindi sumagot sa sinabi niya. I don't find her funny sometimes, she talks a lot. It's kinda annoying but siya ang pumupunta sakin para kausapin ako at hindi ako nakaka-hindi.


"I'm serious." sabi ko.


"Alam ko never ka namang nag-joke, no." sabi niya pa at hindi natawa. "Pero nag-sasabi ako ng totoo nasa heaven sila ngayon..sana lahat."


My eyebrows furrowed. "You want to die?"


Natawa siya sakin at hindi ko siya maintindihan. "Gaga 'to syempre hindi no, sa tingin mo ba gugustuhin kong mamatay na virgin."


"Malay ko ba, ikaw 'tong gustong pumunta sa heaven!"


Nag-lakad siya ng mabilis para unahan ako at huminto sa harap. "Nasa Islando silang lahat tuwing mag-gagabi kaya walang taong natitira dito sa resort."


Mas lalo akong nag-taka. "What's Islando?"


Bukod sa tunog pamilyar ay wala na akong alam pa, I never heard that place..is that a place?


"Island of Free, in short."


Wala parin akong naintindihan, nag-mumukha akong inosente ngayon, parang ayaw ko na mag-tanong.


"Sounds cool." 'yun nalang ang sinabi ko.


Nagulat ako nang alugin niya ako na tila nayanig ang mundo ko, bakit ba sobrang mapanakit niya?!


"Hindi lang cool as in super duper cool ng Island na 'yun." mapupunit na ang labi niya sa pag-ngiti. "Kung pwede lang talaga akong sumama sa kanila para maamoy ko naman ang kalayaan kahit isang gabi lang."

IHS #1 : BETWEEN SERENE WAVES Where stories live. Discover now