CHAPTER 8

5.2K 109 11
                                    

WAVES EIGHT


Tumatanggap ka ba ng manliligaw?


'Yun ang huling tanong niya bago ako tumalikod at nag-lakad papa-alis. Hindi ko alam ang ibig sabihin niya nang itanong niya sakin 'yun. I think seryoso siya when he asked that 'yung mukha niya kasi yong tipong hindi marunong mag-joke. 


Ngayon kailangan ko pang isipin 'yun ng buong araw, akala ko makakalimutan ko 'yun kapag gumising ako pero mas lumalala lalo. Panay ang kwento ni Rezza habang nag-lilinis kami at wala akong maintindihan, I can't stop think about her brother! hindi ko alam kung trip niya lang ba kaya niya sinabi 'yun.


"Alam mo minsan hindi talaga kita maintindihan, kung hindi ka masungit tulala ka naman." ngayon ko lang napansin na nasa harap ko pala si Rezza.


Naka-taas at naka-pamewang sakin, huminga lang ako ng malalim at nag-simula ulit sa pag-lilinis.


Nakakahiya naman kung tatanungin ko sa kaniya kung seryoso ba siya sa sinabi niya. What if he was kidding e'di nag-mukha pa akong assuming sa mata niya. No, ayaw ko!


"Oo nga pala? saan ka pumunta kagabi after mong umalis. Hinanap ka ni kuya Aarav, sabi niya baka daw na out of place ka sa pag-uusap namin." sabi niya.


Lumakas agad ang kaba sa dibdib ko ng marinig na banggitin ni Rezza ang pangalan niya. Sumunod nga siya dahil umalis ako sa tabi nila kagabi, that's true! hindi ko alam ang pinag-uusapan nila and ayaw kong pakinggan kaya humiwalay ako.


"Sorry, na-miss lang talaga namin si ate Tarina every year kasi dumadalaw siya dito sa resort para tumulong but hindi siya pumunta last year kaya ganun." paliwanag nito.


Humarap ako sa kaniya. "So..I don't care. Hindi ako na out of place talagang gusto kong umalis at mag-lakad mag-isa." 


She's like her brother, bakit sila nag-eexplain sakin I don't need their explanation. I don't care if she's close to that girl or kung may past sila ni Aarav.


"Okay..pero nag-kita ba kayo ni kuya Aarav, anong sinabi niya sayo-" 


"Let's stop talking about him." tumalikod ako at nag-patuloy sa pag-lilinis.


Hindi na siya nag-sasalita o nag-tanong pa but naririnig ko ang mahihinang bulong niya sa likuran ko. She's saying bad words! hindi ko nalang siya pinansin, medyo nasanay na ako dahil siya ang palaging kausap ko dito sa resort.


Hanggang sa matapos kami sa pag-lilinis at dumami ang mga bisita sa resort. Mas madaming studyante ang mga bumibista para sa bakasyon nila. Madalas nasa states kami evey vacation, nandoon kasi sila Lola, my dad's parents.


At madalas kapag bakasyon namin may work si daddy. Never siyang huminto sa pag-tanggap ng mga projects, wala siyang pahinga, minsan kahit si mommy na ang mag-sabi na mag-rest siya lagi siyang tumatanggi. Palagi niyang dahilan na he wants the best for us, a better life. Nabibigay niya naman 'yun at never niya kami dinisappoint.

IHS #1 : BETWEEN SERENE WAVES Where stories live. Discover now