Bumusangot ako nang makitang alas-onse pa lang ng gabi, nandito ako sa 24/7 mini café na tinatrabahoan ko. On duty kasi ako ngayon, kasama ko si Lin-lin at Jake.
Busy ako sa pagpupunas ng mga maliliit na coffee cups. Ta's bigla na lang papasok sa utak ko ang mga walang kwentang bagay. Naramdaman ko na may tumatapik sa'kin kaya agad ko itong nilingon. Si Jake pala, nakataas ang kilay.
"Bakit?" Tanong ko at kinuha ulit ang pamunas at nag punas ng cups.
" Sabi ko may customer Peng. Kalorke ka, lutang ba you? Kanina pa kita tinatawag. " Sabat nito sa'kin na kinatango ko at peace sign.
" Sorry, uhmm a-ano ba order?" Tanong ko sa kanya. Ibinigay niya naman ang listahan ng ni-order sa'kin.
" 'Yan bebeh, dalhin mo sa table three sa gwapong papa de asukal na nakaitim ah. Ang pogi girl, bet ko! Mukhang may lahi eh." Tili niya sabay kurot sa akin at kindat kaya napangiwi ako.
Required ba na may kurot!?
Tss, baklang 'to. Lahat na lang ng gwapo sa paningin niya bet niya. Inirapan ko siya.
"Ayos-ayosin mo nga buhay mo." Epal kona kina-rolled eyes niya sa'kin.
“ Gaga maayos buhay ko dhzaii. Need lang ng sweetheart na magpapalindol ng buhay ko heheheh. ”Pagtataray nito at nag flip hair pa kumware. Napailing ako at binasa ang order.
1 black coffee ( 1scoop tablespoon of powdered milk and 1scoop of sugar only.)
Iyon ang nakalagay, medyo nahirapan pa akong basahin dahil subrang cute ng penmanship niya. Nagtaka ako sa request ng costumer namin.
Weird ng kape niya eh.
“ Dapat gawin mo if anong nakalagay mismo, iyan ang gusto eh. Willing to pay daw if ayaw gawin. Gagi yamaninnn! ”Irit niya ulit na binaliwala ko na lang.
“ Lumayas ka nga rito Jake, bumalik ka na sa station mo! ”Pagtaboy ko sa kanya. "Baliw! Jhea hindi Jake!" Pagtatama pa niya kinalingon ko sa kanya at napairap. "Bahala ka riyan. Bumalik ka na sa counter mo, tse." He just rolled his eyes again. "Ah basta reto mo'ko ghorl ha, bye!" Sambit pa nito sa'kin at nag flying kiss pa tsaka umalis.
Hay nako.
"Reto mo mukha mo." Bulong ko sa sarili.
Agad ko naman ginawa ang request ng costumer namin. Inayos ko muna ito bago ilagay sa maliit na platito.
Tinahak ko ang pinto para lumabas at pumunta sa table ng customer namin. Nandito kasi ako sa loob ng kitchen eh, then sina Jake at Lin-lin naman ang na sa labas.
Agad kong tinahak ang table 3, para ibigay ang order niya. " Good evening sir, here's your order po enjo— Hyx? Ikaw lang pala."
Medyo nabigla ako nang mapagtanto na siya ang customer namin. Hindi ko kasi namalayan agad na siya pala dahil naka-black cap at naka-black jacket kasi ito habang nagbabasa ng newspaper.
Agad niya namang binaba ang binabasa niya. Bakas din sa mukha niya ang gulat pero kalaunan ay ngumiti.
"Hey Fhey, I didn't expect to see you here. You surprised me." bati niya sa'kin at tumayo. He gave me a warm hug, amoy ko tuloy ang pabango niyang mamahalin. I smiled. " You work here?" Tanong niya na agad kong kinatango. Umupo muna ako saglit dahil nakakapagod tumayo. Kanina pa ako nakatayo eh.
" Thank you for this. " Pahabol niya, na ang tinutukoy niya is ang kape na ni-order niya.
“ How long have you been working here? ”Tanong niya. " Hmm, almost five or six months, sayang kita eh, Tsaka nag iipon ako ng pera para ipadala sa kapatid at nanay ko sa probinsiya." Paliwanag ko sa kanya na kinatango niya.
YOU ARE READING
That Nerd is Mine (Under Editing x Revision)
Mystery / ThrillerBullying turns to love... A lots of secrets are hidden. A simple girl with a strong fighting spirit will meet the Son of Devil. - Currently revising. - Revised chapters have this sign ( † ) Status: COMPLETED © all rights reserved 2021
Kabanata 6†
Start from the beginning
