Chapter 21

82 4 0
                                    

"Matagal pa ba 'yan?"

Tinignan ko nang masama si Wyne dahil kanina pa siya tanong nang tanong ng kung ano ano. We're currently in the main shop, I was busy talking to Kaye, the saleslady. Siniko ko si Wyne dahil nasa likod ko siya at bulong nang bulong, parang tanga. Kung hindi ko lang kailangan ng tulong niya para sa sasakyan, kanina ko pa siya pinaalis dito.

"Doon ka nga muna, nakakainis ka," bahagya ko siyang itinulak upang makalayo siya sa akin. Umalis naman siya at nag-ikot sa loob ng shop.

Matapos kong makuha 'yung reports ng main shop ay agad kong hinanap si Wyne. Bwisit naman na lalaki 'yon, saan nagsususuot 'yon?! I continue finding him but he's nowhere to be found!

"Hi, nakita mo ba 'yung kasama ko rito?" I asked one of the saleslady inside.

"Hoy, Cha. Tignan mo 'to," ngumiti nalang ako sa saleslady na pinagtanungan ko nang marinig ko ang papalapit na boses ni Wyne.

Lumapit ako sa kaniya at tinignan ang hawak niyang papel. It's a flyer for a new open restaurant. "Anong gagawin ko rito?" Kalmadong tanong ko sa kanya.

"Luh, ang slow mo naman! Libre mo ako, matapos kitang samahan dito, e!" Lumakad ako palabas ng shop upang hindi na maka-istorbo sa loob. Ang ingay nitong kasama ko, hindi mapigilan ang bunganga!

"Sige, text ko lang muna si Madam Grace na nagrereklamo ka." Pang-aasar na sabi ko sa kaniya at kunwaring mag-t-type sa cellphone ko.

Agad niyang ibinaba ang kamay ko na hawak ang cellphone at nginusuan ako. Kadiri! Agad naman akong ngumiwi sa kanya at naglakad na palabas ng mall. Rinig ko pa kung paano siya nag-b-bye sa mga tao sa shop ng The Heels.

"Bye, fans!" Sigaw niya kaya mas binilisan ko pa ang paglakad, nakakahiya siya!

Hindi ko po 'yan kilala!

Nang marating namin ang parking lot ay agad ko siyang sinenyasan na buksan ang kotse na ginawa naman niya. He opened the music player in his car, he was just synching to the music even though his voice is not that good. Ayos lang naman boses niya, hindi sintunado— hindi rin naman pangit.

"Si Maverick 'yon 'di ba?" Itinuro niya ang entrance ng isang hospital na nasa may kalayuan.

Unfortunately, we were stuck in the heavy traffic. Tinignan kong mabuti ang itinuro niya at hindi nga siya nagkamali dahil si Maverick nga iyon. Halos maningkit ang mata ko nang bigla kong makita ang babae sa tabi niya. The woman was wearing a flight attendant uniform, obviously she's a flight attendant.

"Wyne... Can you park the car there?" I asked him, my voice was shaking. Itinuro ko sa kanya ang parking lot ng hospital na 'yon.

He nodded and vested what I asked. Nang makaalis sa traffic ay iniliko niya ang kotse at ipinark.

"Anong gagawin mo?" His face was telling me that he was worried.

I let out a deep sigh. Inilabas ko ang cellphone ko at itinext si Maverick kung nasaan siya. I glanced at him. He took out his phone from his pocket, I saw the shocked on his face. He licked his lower lip, I knew and I can feel that he was freaking nervous. Lalo akong kinabahan nang tumingala siya at huminga nang malalim.

I don't want to make a conclusion in my head. Ipinikit ko ang mga mata ko. I don't want to think that he was cheating on me, I hope he's not. Hindi niya magagawa 'yon, alam ko... Kilala ko siya. He's not that kind of person. I've known him since we were kids.

Napamulat ako nang mag-vibrate ang phone ko.

Maverick <3 :

I am working

Always Chasing the Sunset (Tale of Love Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora