Chapter 15

87 8 0
                                    

"Tangina, ayaw ma-copy!"

I was just watching Jilyn as she continue to work here in my office, naiinis na siya sa kung ano mang ginagawa niya.

"Bakit ba dito ka naggagawa niyan?" I asked her.

Kanina ko pa siya pinapanood mainis. She went here tapos bigla nalang umupo at dito nag-trabaho, napatigil tuloy ako sa ginagawa ko.

She pouted. "Bwisit kasi si Alvin, nanggugulo!" Reklamo niya, patuloy pa rin sa pagta-type.

She just continue counting until someone knocked on my door. Alvin entered my office. Nakangiti itong pumasok sa loob pero agad ding natawa dahil ang sama ng tingin nito kay Jilyn.

"Hoy gaga!" He pulled the hair of Jilyn.

"Aray! Kainis naman," hinarap ni Jilyn si Alvin at pinagsasabunutan din ngunit sa ikli ng buhok nito ay hindi siya makaganti.

I was just watching them fighting, as if one of them stole the candy of another. Napangiwi ako ng hinila na naman ni Alvin ang buhok ni Jilyn pababa.

"Masakit gago!" Sigaw ni Jilyn.

Dinilaan lang ni Alvin si Jilyn at tumigil na.

"Para kayong mga bata," I said, wincing at them.

Jilyn just combed her hair and glared at Alvin. Minutes later, they went outside of the office, laughing because of what they did to each other.

My lips automatically formed a smile.

Sometimes, people around you might hurt you but they are also the reason why you laugh. They can be your companion in anything. Kahit sa problema, you can rely on them no matter what. You would just see yourself one day, laughing at someone who used to hurt you before.

From : Maverick
tambayan after work

I blinked several times. Naalala ko 'yung sinabi ni Maverick kahapon. Ang sweet naman niya, medyo kinilig ako roon. Napangiti ako ng mapait. I am not sure about my feelings towards him. I need more time to find out what I really felt for him. I need to be sure if it is real and... genuine.

After work, I went to the park. I was walking when I saw him typing something on his phone. Tumigil ako sa paglalakad para tignan ang ginagawa niya. He typed something on his phone again then he shook his head.

A grimace slowly formed from my face.

What was he doing? He did it again, typed something and shook his head. He took a deep breath and looked up at the sky. Pumikit pa siya at inayos ang pustura niya.

I went to him. Ngumiti ako sa harap niya dahil nakapikit pa rin ang mga mata niya. "Hi," I said, still smiling at him.

His eyes sparkled as he opened his eyes and met mine. I can see how his eyes glowed when he smiled at me.

"Hi," bati niya sa'kin.

Ngumiti lang ako sa kaniya at naupo sa tabi niya.

"Bakit mo ako niyaya rito?" Tanong ko sa kanya.

Wala akong kaide-ideya kung bakit niya ako pinapunta rito. Wala rin naman siyang sinabi sa'kin.

"Bawal ba?" Tanong niya pabalik at humarap pa sa'kin upang makita ang mukha ko.

Tumingin ako sa kanya nang nagtataka. Nakangiti siya at hindi mawala ang kinang sa kanyang mga mata. Inirapan ko siya dahil patuloy pa rin siya sa pagngiti kahit na tumataas na ang kilay ko.

Iniwas ko ang paningin ko at tumingin sa mga tao sa paligid. Halos konti lang naman ang tao ngayon sa park, mag-ga-gabi na rin kasi. Napangiti ako nang makita ko ang paglubog ng araw. Kung saan kita mo ang gintong kulay nito. Napakaganda ng tanawin.

Always Chasing the Sunset (Tale of Love Series #1)Where stories live. Discover now