Kabanata 3 †

Magsimula sa umpisa
                                        

" Anong oras na Fhey? 'Di ba ang usapan natin alas-singko inpunto dapat nandito kana dahil may gagawin ka pa?! " Bungad nito sa'kin. Nakapamaywang pa ito.

Napakamot ako ng ulo.

"Eh Tita traffic kasi kaya na late ako. Kaya wala akong kasalanan! Ang traffic ang may kasalanan! Tsaka twelve minutes lang naman akong late ah." Sagot at paliwanag ko sa kanya na kinataas ng isang kilay niya.

"At talagang sinisi mo pa ang traffic, ha Peng?! At Oo nga pala! 'yang damit mo? Ba't iba na? Ang gara ah? Sa'n mo kinuha? Hoy sumagot kang bata! Aba! aba! aba!! Huwag mo'kong matatalikod-talikoran Peng ha! Nagsasalita pa',ko! May mga gagawin ka pa! Magsasaing ka pa at mag pa-plantsa! Hoy bumalik ka rito Peng!!" Mahabang putak ni Tita habang sinusundan ako papuntang kwarto ko.

Napasapo ako sa noo ko, like fuck ingayyyy!!

"Tita ang ganda niyo. Magbibihis lang ako saglit at bababa rin ako okay? Tsaka ang damit na ito binigay sa'kin dahil natapon ko ng 'di sinasadya ang juice ko kanina sa sarili ko." Sambit ko at pagsisinungaling sa kanya. Aysh! Wala ako sa mood para makinig sa kanya.

"Sinasabi ko sayo Peng! Pag ikaw nalaman ko na nagloloko lalo na sa bago mong school! Malalagot-" Tiya­.

Agad kong sinarado at ni-lock ang pinto dahil katamad makinig na kanya. I rolled my eyes, rinig ko pa rin ang rally niya sa labas ng kwarto ko!

Aytss!!

Agad akong sumalampak sa maliit kong higaan at kinuha ang panda na teddybear ko. Napangiti ako rito. Ito ang pantanggal stress ko eh.

" Hi baby, mommy is home now."sabi ko sa teddybear at pisil dito. Napag desisyonan kong bumangon at magbihis. Hayyss...

Kapagod ang araw na 'to.

Sambit ng utak ko sabay hubad ng damit at tanggal ng salamin ko kaya na pakurap-kurap akong tinignan ang sarili kong walang damit sa lumang salamin at napangiti.

Ang sexy ko.


Umaga na, pagkalabas ko ng c.r ay agad akong pumunta sa kwarto nang nakatapis lang. Nasalubong ko pa ang pinsan kong si Unice. Ningitian ko lang ito pero nilaktawan lang ako.

Edi wow.

Agad akong nagbihis ng uniform. Wednesday ngayon kaya need ng mag uniform. MWF kasi kung magsuot ng uniform at TTH naman ang civilian days.Tinignan ko muna ang sarili ko sa salimin. Nakasuot ako ng white long sleeve na pinatongan ng black blazer at black necktie, paris iyon ng black skirt na ang ikli na kinangiwi ko. Hindi kasi ako sanay sa ganito. Sinuot ko naman ang three inches na high shoes ko. (libre lahat ito, kasama ang sapatos.

Nag-ayos muna ako at sinuot ang salamin ko. Tinignan ko muna ito at napabusangot nang wala sa oras at tuloyan ng umalis.

Kumuha muna ako ng tinapay na sandwich sa mesa bago lumabas ng bahay. Hindi na'ko kakain ng almusal, ito na lang kakainin ko habang naglalakad.
"Wow Peng, gara ng uniform ah, but still maganda pa rin ako." Mataray na komento ng pinsan ko na pinamasadan ako ng tingin. Ningitian ko naman ito ng peke, kagaya ng ngiti niya minsan.

"Walang nag tanong, hehe byee!" Sagot ko rito at tuloyan ng umalis. Nag paalam muna ako kay Tiya at binigyan niya naman ako ng 150. Kaya agad akong umalis doon. Nang makarating na'ko sa campus ay agad kong binati si manong guard na kinangiti niya sa'kin. Wala, friend na kami eh. Nalaman ko rin na manong Tino pala name niya. Nang makapasok ako sa hall ng building ay hindi muna ako dumeretso sa classroom, kundi sa locker ko. Need ko kasing kunin ang libro ko sa second subject ko at ilagay ang extra T-shirt ko roon. Wala lang, sadyang nagdala lang ako ng extrang damit in case na may gawin na namang kademonyohan ang demonyo rito sa'kin. Mas mabuti ng handa 'di ba?!

That Nerd is Mine (Under Editing x Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon