"Tara na nga."

Pagkalabas namin sumalubong kaagad saamin si Den at si Jav.

"What happened?" Tanong ni Jav.

"Wala." Sagot naman ni Lily.

"Sus, bakit hindi niyo na lang sabihin sa'min na kayo na?" Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi ni Kieper.

"Kailan pa?"

"Maissue ka talagang lalaki ka. Halika ka nga dito mag-uusap tayo." Bago pa man mahawakan ni Lily si Kieper ay tumakbo na ito palayo.

"Sasakalin mo lang ako eh." Sambit ni Kieper at tumakbo na. Hinabol naman siya ni Lily at nakisali na rin itong si Jav.

"What happened?" Dean asked.

"Wala, may kinausap lang ako."

"Sasabay na kami sa inyong maglunch. Halatang namiss ka ng president namin." Pang-aasar ni Kieper. Nandito na pala 'to. Mukhang hindi galing sa takbo ah.

Muntik na siyang masapak ni Den dahil sa pang-aasar niya mabuti na lang talaga at mabilis itong nakailag.

Tsk, bakit ang hilig nilang gumawa ng issue?

••

"Sa wakas at sabay na rin tayong kumain."
"Subukan mo lang talagang sumingit Kieper at malilintikan ka talaga sa'kin." Muntik ng nabilaukan si Kieper dahil sa rami ng pagkain na nasa kanyang bibig.

"Wala pa nga akong sinasabi e."

"Baka lang naman kasi gumawa ka na naman ng issue, hinayupak." Hindi ko alam kung bakit sa gitna nila ako umupo. Nagbabangayan lang naman ang dalawang 'to.

Kanina pa naman ako tapos kumain, hinihintay ko lang na matapos itong dalawa.

"Dash." Ako lang yung tinawag ni Den pero kung makalingon itong tatlo.
"May gagawin ka pa ba pagkatapos ng class?"

"W-Wala naman."

"Can we go out?" Muntik na akong matalsikan sa iniinom ni Kieper. Kung makabuga naman ang lalaking 'to. May kunting basa ang uniform ko pero ayaos lang.

"Hahahaha, ito panyo." Sabay lahad ni Lily kay Kieper ng panyo.
"Nanggugulat naman kasi. Tiningnan mo nga yang itsura mo, Kieper. Para kang nakakita ng multo." Parinig ni Lily na parang bulate na hindi mapakali sa kinauupuan.

"S-Sige. Wala naman akong gagawin mamaya."

"Leleyeg ne eng ship ke."

"Tara na nga, baka malate pa tayo." Nauna na akong tumayo.

"Sandali lang hindi pa kami tapos e." Angal ni Lily habang dinadala na ang plato patayo.

"Saan mo yan dadalhin?"

"Sa classroom. Mamaya ko na'to isasauli. Sayang naman kung hindi ko uubusin noh." Saad niya at walang alinlangang dinala ang tray na may laman pang pagkain.

Hindi ko kaibigan ang mga 'to.

"Sige, Den mamaya na lang." Bago pa man siya makasagot sinundan ko na sina Lily.

••

Wala pa namang prof. pagmarating namin sa classroom.

"Ubos na?" Gulat na tanong ni Kieper.

"Halata naman di ba?"

Sa kalagitnaan ng bangayan nila bigla na lang nagring ang cellphone ko.

"Hello?"

[Dash? Nasa university ka ba ngayon?]

"Oo, why?"

[Sinugod kanina si lolo sa hospital.]

"How is he?"

[He's not feeling well. Gusto ka niyang makita. Can I pick you up?]

"Ok, maghihitay ako sa parking lot." Kinuha ko na ang bag ko.

"Saan ka pupunta babae?"

"May kailangan lang akong puntahan, emergency."

"Go na, kami na lang bahala magsabi kay prof." Ngumiti muna ako sa kanila bago nagpaalam.

Sana naman walang mangyaring masama kay lolo.
I know na may kasalanan siya kay Amiaca at kay Kai pero wag naman sanang ganito.

"Get in."

"Den?"

"Tinawagan ako ni Nico. Pupunta ka rin sa hospital?"

"Oo." Binuksan ko na ang front seat.

Tinawagan ko na rin si Nico na huwag na akong sunduin dahil sabay na kami ni Den papunta doon.

Ilang minutong biyahe. Nakaabang kaagad si Nico pagkababa namin.

"Asan siya?"

"Let's go."

Nilagay raw si lolo sa private room.

Huminto kami sa pinakadulong kwarto.

Binuksan na ni Nico ang pintuan. Nagdadalawang isip pa akong pumasok.

"Dash. Are you ok? You look pale."

"I'm fine, mauna ka na."

"Are you sure?"

"Yeah." Sagot ko at pinaunang siyang pinapasok sa loob.

'Kung mahal mo pa ang buhay mo, hija. Layuan mo na ang anak ko.'
'Ayaw mo naman sigurong matulad sa mga magulang mo hindi ba?'
'Kung ayaw mong isunod ko yang kapatid at pamangkin mo, layuan mo ang anak ko.'

"Hindi ikaw si Amaica, ikaw si Dash." Paulit-ulit kong bulong sa sarili. Pilit pinapalakas ang loob.

"Ikaw si Dash, at hindi si Amaica."

My Love From The Past (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon