CHAPTER 11

8 0 0
                                    


"Nabalitaan ko ang nangyari sa pamilya mo, Amaica."
"Kamusta na ang pakiramdam mo?" Para akong walang naririnig.

Hindi ako makapaniwalang nagawa yun ni mama. Ang mas masakit pa hindi ko maintindihan kung bakit nilihim nila sa'kin na hindi pala siya ang tunay kung ina.

Naintindihan ko naman lahat dahil pinaliwanag na ni ate na matagal ng wala ang tunay kong ina.

"Umiiyak ka na naman." Marahas kong pinunasan ang mga luhang dumadaloy sa pisngi ko.

"Kai." Napatayo ako ng makita ko si Kai na papunta direksiyon namin.
Ngayon ko lang ulit siya nakita. Bukod kay ate at kay Jamaica siya nalang ang taong meron ako.

"Amaica." Tumakbo ako papalapit sa kanya at mahigpit siyang niyakap.

"Anong nangyari?" Bigla na lang may matalim na patalim ang tumusok sa puso ko dahil sa lamig ng tanong niya.

Binalewala ko na lang ito at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya.

"Kahit ngayon lang Kai. Pasayahin mo muna ang kaibigan ko." Parang may malalim na kahulugan ang sinabi ni Laurie.

Bumitaw ako kay Kai at hinarap si Laurie.

"Anong ibig mong sabihin?" Pinunasan ko ang aking pisngi gamit ang likod ng aking palad.

"Wala, gusto ko lang na maging masaya ka. Amaica. Sobra na ang pinagdadaanan mo." Hindi ko parin makuha kung ano ang gusto niyang sabihin.

"Halika." Hinawakan ako ni Kai sa braso. Nilingon ko si Laurie isang beses. Malungkot itong ngumiti sa'kin. Anong ibig niyang sabihin sa sinabi niya kanina? Imbes na mabawasan ay lalo pang nadagdagan ang bigat na dinadala ko.

Palaisipan parin sa'kin ang lahat. Anong nangyayari dito nong wala ako?

"A-Anong ginagawa na'tin dito Kai?" Tanong ko sa kanya nang dalhin niya ako sa pinakamataas na parte ng gusali ng paaralan. Tanaw ko ang mga estudyanteng nasa ibaba.

"Kamusta kayo?" Kumaway ako sa ibaba pero hindi yata nila ako nakita.

"Hindi ka nila maririnig." Tumatawang sambit ni Kai. Lumapit siya sa kinaroroonan ko.

Bigla niya na lang ipinalupot ang kanyang kamay sa aking bewang. Niyakap niya ako mula sa likuran.

"Gaano mo ako kamahal, Amaica?" Seryosong tanong niya habang nakapatong ang kanyang baba sa aking kaliwang balikat.

"Kasing lawak ng karagatan ang pagmamahal ko sayo." Hindi ako nag-alinlangang sagutin ang kanyang tanong.
"Ikaw? Gaano mo ako kamahal?" Balik na tanong ko sa kanya. Gusto kong sagutin ang niya ang tanong ko. Gusto kong malaman.

"Walang makakatimbang sa pagmamahal ko sayo, Amaica. Kahit ang lawak man ng karagatan o ang buong mundo." Mahinang sambit niya. Sumilay ang tipid na ngiti sa aking labi.

"May isang tanong na lang ako sa'yo, Kai."

"Hmm, ano yun?"

"Kung mamatay man tayo ngayon at mabubuhay muli sa hinaharap. Sa tingin mo mahahanap kaya na'tin ang isa't isa?" Binaklas niya ang pagkakayakap niya sa'kin. Hinawakan niya ako sa balikat at pinaharap sa kanya.

"Bakit mo natanong ang ganyang bagay?" Seryoso ang kanyang pananalita.

"Gusto ko lang malaman kung anong magiging sagot mo."
"Sagutin mo na." Pamimilit ko sa kanya. Gusto kong malaman ang magiging sagot niya.

My Love From The Past (Completed)Where stories live. Discover now