CHAPTER 21

8 0 0
                                    

《《Lily》》

"HAHAHAHAHA." Tawa ko habang pumapalakpak pa.
Baliw na talaga ako. Ang ganda kasi ng umaga ko. I smell something fishy eh. Humanda ka talaga ngayon. Hindi kita tatantanan, Mike Enriquez po. Char.

"Ayos ka lang, Lily?" Tanong ni Kieper habang nakaupo na sa kanyang upuan. May maganda akong chika kaya dapat pakinggan.

"Upo ka dito, dali. May sasabihin ako sayo. HAHAHAHAHA." Kumunot ang noo niya bago sinunod ang sinabi ko. Pag ikaw hindi pa nakinig sa sasabihin ko.

"Ano?"

"Si Dash, HAHAHAHAHA." Tae! Hindi ko masabi ng maayos. Wooh! Pakalmahin mo muna ang saril mo Lily. Mamaya na ang tawa.

"Pwede ba mamaya ka na tumawa." Naiinis na anas niya sa'kin. Pake mo ba hindi ko mapigilan e. Gusto kong ilabas ang tawa ko baka mautot ako ng wala sa oras kapag pinipigilan ko.

"Ito na nga, HAHAHAHA. Tumawag ako kay Dash.." Nahampas ko si Kieper sa balikat. Paano ko ba sisimulan. Hindi ko talaga kayang hindi matawa.

"Ano nga?" Hinawakan niya ako sa balikat at niyugyog. Nakakasakit na ang lalaking 'to ah.

"Ito na."
"Tumawag ako kay Dash pero ang sumagot si Den!" Tili ko habang sinasabunutan si Kieper. Hindi ko na napigilan ang kilig ko. Lalayag na! Lalayag na sila!

"M-Magkasama silang dalawa kagabi?" Gulat na tanong ni Kieper. Shunga ba siya? Malamang! Alangan namang mgpalit sila ng cellphone na dalawa? Rinig ko pang humihilik si Dash eh.

Sunod-sunod ang tango ko sa kanya. Tatadtarin kita ng maraming tanong mamaya, Dash. Ihanda mo na ang sarili mo, HAHAHAHAHA. Kinikilig talaga ako ng bonggang-bongga.

Ano kaya ang nangyari sa kanila buong gabi?

Wala naman akong iniisip na masama ah? Pero ano nga? May ginawa ba sila?

Ano kayang ginawa nila?

Hindi na ako matigil sa kakaisip. Para na akong mababaliw nito.

••

"Kai, bakit may pasa ka sa mukha?" Tanong ko sa kanya nang magkasalubong kaming dalawa.

"Nagsuntukan kaming dalawa ni Hwaren." Sabi niya. Ni hindi man lang makatingin sa'kin ng diretso. Isa lang ang ibig sabihin non na nagsisinungaling siya.

Hindi na ako nagtanong pa.

"Ang lakas palang manapak ni Hwaren noh?" Sinabayan ko na lang siya. Napangiti naman ito.

"Hmm, ang sakit nga e." Malungkot akong napatingin sa kanya habang pinagmamasdan ang mga pasa niya sa mukha.

Sinundot ang pisngi niya na siyang dahilan kung bakit siya napangiwi.

"Sakit." Sambit niya sa'kin. May pasa bamg hindi masakit?

"Masakit ba?" Pang-aasar ko sa kanya.
"Ito pa oh." Sinundot ko muli ang pasa niya sa mukha. Tumayo ito at tumakbo palayo sa'kin.

"Bumalik ka dito!" Sigaw ko at hinabol siya. Naisahan ako ng lalaking yun ah.

"Kai! Bumalik ka!" Natatawang sabi ko. Masakit pala eh. Halika dito at madadagdagan yang pasa mo sa mukha.

••

"Ehem, ehem." Tumigil ako sa paglalakad nang makita ko sina Kieper at Lily na nakaabang sa labas ng classroom.
Pumihit ako patalikod at naglakad pabalik sa dinadaanan ko kanina. Alam kong magtatanong na naman sila. Hindi na naman ako tatantanan nitong si Lily. Mala imbestigador ang bruhang 'to.

"Hoy, saan ka pupunta?" Mabilis na naharangan ni Lily ang daan. May pagkaflash ba ang babaeng 'to? Lulust pa sana ako sa kaliwa niya pero naharangan ulit niya 'to.

"Oo, nga. Saan ka pupunta Dash?" Inakbayan ako ni Lily. Alam ko na kung anong ibig sabihin nang kilos nila. Alam na alam ko na ang galawang yan.

"K-Kakain lang." Utal na sambit ko. Hindi ko talaga alam kung paano magsinungaling. Ni minsan hindi pa ako nakapagsinunggaling at kung magsisinungaling man ako. Mahahalata rin naman.

"Tara, kakain rin kami. Di ba? Kieper nagugutom tayo?" Pinandilatan niya ng mata si Kieper. Gumagawa talaga siya ng paraan para tadtadin ako ng tanong.

"O-Oo, ikaw lang ang hinihintay namin e." Sumasabay talaga sa trip itong si Kieper.

"Guys, you don't need to pretend. Alam kong kukulitin niyo ako kung anong nangyari namin ni Den? At kung bakit si Den ang sumagot sa tawag ni Lily." Pumalakpak si Lily. Tama naman ako sa hinala ko. Sobrang lakas ng instinct ko. At hindi ako pwedeng magkamali.

"Tumpak. Marami tayong pag-uusapan."
"At isa pa'to." Pinakita niya sa'kin ang cellphone niya.

Sasakyan yan ni Den.

"Ano yan?" Takang tanong ko.

"May nakakita sa inyo na isa sa mga fans ng #DenDash na hinatid ka raw ni papa Den. Totoo o hindi?" Ako ang naghatid sa kanya. Dahil gusto niyang matulog sa condo ko and besides hindi ko siya hahayaang umuwi lalo pa't wala siya sarili kahapon.

Halos hindi ko nga makausap ng maayos. I don't know what happened to him. Minsa nga natutulala habang umiiyak. Katulad ng nangyayari sa'kin.

"Oo, sabay kaming dalawa papunta dito." I can't lie. Yun naman talaga ang totoo.

"Hindi pa ba tayo kakain?" Isang batok ang natanggap ni Kieper mula kay Lily. Sadista talaga amg babaeng 'to.

"Mamaya na may itatanong pa ako kay Dash." Nagtatalo na naman silang dalawa.

"Pwede mo naman yang itanong sa kaniya mamaya. Gusto mo bang mabaliw tayo? Sayo walang kaso. Baliw ka na rin naman." Sinamaan lang siya ng tingin ni Lily.

"Pag ako talaga hindi nakapagtimpi sayo Kieper. Humanda ka talaga. "

Hinarap ulit ako ni Lily na may mapanuring tingin. Iniimbistegahan ba niya ako?

"Isang tanong isang sagot. Wag kang magsinungaling. Kung hindi isusumbong kita kay fafa Den."

Para akong kinakabahan sa tanong niya. Ano ba yun?

"Bilis gutom na ako eh." Reklamo ni Kieper.

"Isa na lang talaga Kieper, nagdidilim na ang paningin ko sayo." Sinara ni Kieper ang kanyang bibig habang nakatingin kay Lily.

Ang dali niya talagang mapasunod basta si Lily na ang nagsabi.

"Kayo na ba?" Yan ang tanong na hindi ko masasagot sa ngayon. Maski ako hindi ko alam ang sagot sa tanong ni Lily. Ano ba talaga?

Kami na ba?

My Love From The Past (Completed)Where stories live. Discover now