CHAPTER 28

6 0 0
                                    

《《Kai》》

(Araw  ng kaarawan ni Amaica)

"Aalis na ako." Saad ko sa kanila at ginulo ang buhok nilang dalawa.

"Balik ka kaagad kuya ah." Saad ni Kean. Tumango ako sa kanya. Babalik naman ako kaagad.

Kailangan ko lang puntahan si Amaica. Siguradong naiinip na yun sa kakahintay.

Paglabas ko ng pinto kaagad akong sinalubong ni papa.

"Hindi ka aalis ng bahay." Mariing saad nito sa'kin.

"Sandali lang po ako." Dumapo ang kanyang kamao sa aking kaliwang pisngi.

Napaatras ako ng bahagya dahil sa lakas ng suntok niya.

"Hindi ka aalis. Naiintindihan mo ba Kai?!" Sigaw nito.
"Nandiyan sa baba si Laurie, mas mabuti pang siya ang pagtuunan mo ng pansin kesa sa babaeng iyun." Napakuyom ako ng aking kamao dahil sa galit. Kahit ilang babae pa ang ibandira mo sa harapan ko, hinding-hindi ko iiwan si Amaica.

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi ko papakasalan si Laurie." May diin sa bawat salitang binitawan ko. Si Amaica lang ang tumanggap sa'kin sa kabila ng mga taong mapanghusga.

"Kuya, nag-aaway ba kayo ni papa?" Tanong ni Kean na nakasandal sa may pinto.

"Pumasok ka muna Kean at may pag-uusapan lang kami ng kapatid mo." Sumunod naman si Kean at sinirado muli ang pinto.

Madilim ang paraan ng pagtitig sa'kin ni papa.

"Makipaghiwalay ka sa babaeng yun Kai kung ayaw mong mawala sa kanya ang kaisa-isa niyang kapatid." Turo niya sa litrato ng kapatid ni Amaica.

"Wala silang kasalanan dito!" Hindi ko na napigilan ang pagtaasan siya ng boses kaya isang sampal ang natanggap ko mula sa kanya.

"Wag mo'kong pagtataasan ng boses Kai!"
"Sa ayaw at sa gusto mo hihiwalayan mo ang babaeng yun at magpapakasal ka kay Laurie. Kung papairalin mo yang katigasan ng ulo mo, maraming mapapahamak."
"Nasa labas na ng bahay ko ang mga tauhan ko, Kai, isang tawag ko lang sa kanila papaulanan na nila ng bala ang bahay ng babaeng mahal mo." Mahabang salaysay niya. Tanging masamang titig na lamang ang pinukol ko sa kanya.

Mahal ko si Amaica. At ang ate niya na lang ang natitirang pamilya niya. Hindi ko kayang pati pamilya niya madamay dahil kay papa.

"Papayag na ako."
"Pero sa isang kondisyon." Napatingin siya sa'kin na magkasalubong dalawang kilay.

"Ano yun?"

••

《《Dash》》

"Hoy, babae ka! Umayos ka nga. Kanina ka pa lutang at wala sa sarili." Saway sa'kin ni Lily habang pababa kami ng hagdan.

Muntik ko na kasi siyang matulak kaya ganon.

"Ano bang nangyayari sayo?"
"Parang kang baliw pero mas mababaliw ako sa pinanggagagawa mo." Nagulo niya ang kanyang buhok habang masamang nakatitig sa'kin.

Hindi ko na siya sinagot at nagpatuloy nalang sa paghakbang pababa.

"Ayy, kaya naman pala." Biglaang saad niya nang makita si Den sa dulo.

Tumingin ako kay Lily at umiling.

"Den." Tawag niya rito.
"Oh, hayan." Sabay tulak niya sa'kin kay Den. Muntik na akong matumba dahil do'n buti na lang at nahawakan ako ni Den sa braso.

Sira na talaga ang babaeng 'to. Muntik na ako do'n ah.

"Kanina pa yan wala sa sarili akala ko nga nababaliw na." Nambubuking talaga ang isang 'to. Nakangising bumaling sa'kin si Lily.

"Alis na kayo." Pagtataboy niya sa'min. Grabe, parang aso lang kung makataboy sa'min.
Hay, Lily.

"Kaya pala ganon kung makakilos kanina." Rinig kong bulong ni Lily habang inaakbayan si Kieper palayo.

Humarap ako kay Den.

"Let's go?"

"Hmm." Saad ko sabay tango. Nauna na akong maglakad sa kanya. Baka kasi lumabas na'tong puso ko dahil sa lakas ng tibok nito.

•••

《《Lily》》

"Saan tayo ngayon?" Tanong ni Kieper. Isang batok ang natanggap niya mula sa'kin. Siniko mo akong, hayop ka. Parang may pasa ata ang pwet ko.

"May gana ka pang nagtanong. Hindi ko parin nakakalimutan yung pagsiko mo sa'kin kanina." Ang sakit talaga ng pwet ko.

"Pasensiya na." Nagdadalawang isip ako kung sincere ba ang pahingi niya ng pasensiya.

"Kakain tayo?"

"Oo, kakain tayo pero libre mo." Aangal pa sana ito nang hilahin ko na siya. Subukan mong magreklamo at babatukan ulit kita.

Kakain muna ako bago umuwi. Kawawa naman kasi itong alaga ko sa tiyan. Twice a week lang nakakakain. So sad.

"Jav." Nandito pala ang mokong.

"Kieper at Ms. Sungit." Tinaasan ko siya ng kilay.

"Lily ang pangalan niya hindi Ms. Sungit." At isa pa'to.  Ewan ko ba sa mga lalaki. May saltik! Palaging sira ang mga ulo. Hindi ko na alam ang nangyayari sa mundo.

"Sa iba na nga tayo kumain." Saad ko at hinila si Kieper papalabas pero nahawakan ni Jav ang kanang kamay ko.  Ano 'to? LT hindi laugh trip kundi love triangle.

Pero excuse me hindi ko type itong si Kieper kahit na maganda ang katawan. At ito namang isa, no comment. Ayaw kong magsalita ng tapos, char.

Binitiwan ko si Kieper at humarap sa nakahawak parin sa'king si Jav.

"Kailan mo'ko bibitiwan?" Ngumisi lang ang gago.

"Never." Ayy ganon ba? Bakit sayo ba'tong braso? Baka gusto mo, putulin mo na lang?! Gago pala 'to e.

Sige, hawakan mo lang ang braso. Wala naman akong pake..

Parang tanga rin ang isang 'to e.

••

《《Den》》

"Salamat pala sa paghatid." Sabi niya ng makababa ng sasakyan ko. The way she smiled at me.

Napailing ako ng makita ko sa kanya si Amaica sa kanya. Damn, Den!

Hindi naman dapat!

"Ayos ka lang ba?" I smiled at her.

"Hmm, pumasok ka na sa loob." Kumaway muna siya sa'kin bago pumasok sa loob ng building.

Pinaharurot ko na ang sasakyan, para makauwi na rin ako. Kailangan kong makausap si Lola. Not now, but soon.

My Love From The Past (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon