CHAPTER 9

9 0 0
                                    


"Ang saya mo yata ngayon ah." Turan sa'kin ni Laurie ng makaupo kami sa bakanteng upuan na katapat ng gusali namin.

"Hindi lang ako makapaniwala sa mga nangyayari."

Naningkit ang kanyang bilugang mata nang tumingin ito sa akin.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Magsabi ka nga sa'kin ng totoo, Amaica Delo Santos. Magkasintahan na ba kayo ni Kai?" Ngiti lang ang tanging tugon ko sa kanya.

Napatakip ito ng bibig na parang hindi makapaniwala.

"Totoo nga?"
"Kailan pa at bakit ngayon ko lang ito nalaman?"
Malungkot akong nakatitig sa kanya.

"Pasensya na. Bago palang naman kami ni Kai, hindi pa naman gano'n katagal ang relasyon naming dalawa." Saad ko sa kanya.

"Pero Amaica, sabihin mo sa'kin pag sinaktan ka niya. At isa pa nagsisimula pa lang kayong dalawa." Nag-aalalang tugon sa'kin ni Laurie. Maaasahan ko talaga siya sa ganitong bagay. Silang dalawa ni Korn.

Nagtagal pa kami ng ilang minuto doon.

"Alam na ba'to ng mga magulang mo, Amaica?"

"H-hindi pa. Pero wag kang mag-aalala sasabihin ko naman sa kanila. Ayaw kong maglihim kina mama."
"Pagkauwi ko, sasabihin ko na agad sa kanila." Kinakabahan ako baka kasi magalit sina mama. Hindi ko alam kung anong magiging relasyon nilang dalawa.

"Maiintindihan naman siguro yan ng mga magulang mo basta hindi mo lang pababayaan ang pag-aaral." May punto si Laurie. Alam ko namang maiintindihan nina mama at papa iyun.

Kailangan ko ng mag-ipon ng lakas ng loob para sabihin sa kanila.

••

"S-Salamat sa paghatid." Malumanay na sabi ko kay Den nang makababa na ako sa sasakyan niya.

"Are you sure, you're ok?"

"Ahm, ayos na ako. Don't worry." Paninigurado ko sa kanya. Alam kong hindi siya kumbinsido because of his reaction.
"Ayos lang talaga ako. Go ahead, siguradong gagabihin ka sa daan." I said.

Kumaway muna ako bago ako pumasok sa building. Hindi ko inaasahang uuwi na sila Kieper.

Ilang ulit akong napabuntong hininga. Yung nakita ko kaninang image ng babae. Sino siya? At sino ang Kai na tinutukoy niya?

Pilit kong pinabuklod-buklod ang mga pangyayari. Hindi pa iyon sapat para makuha ang sagot na kailangan ko. Hindi pa sapat ang mga nakikita ko.

Mabilis ko agad binuksan ang pinto ng kwarto ko.

Hinalukay ko ang aking bag para mahananap ang notebook na sinulatan ko ng mga pangalan.

"Where is it?" May time na hindi ko dala ang notebook na yun. Hinalughog ko ang cabinet kong saan ko nilalagay ang mga notebook ko.

"I found it." Bulong ko sa sarili.
Iniisa-isa ko ang pahina. Hinahanap kong saan ko nasulat ang pangalang yun.

Napatigil ako sa paghahanap ng biglang tumunog ang cellphone ko. Sinagot ko ito gaad at inipit sa aking kabilang tainga.

"Hello."

[Hey, cous.]

"Anong kailangan mo Piccolo?" Iritadong tanong ko sa kanya. Tatawag lang ito kung may kailangan e.

[Nothing, trip lang kitang tawagan.]

"Kung ganon  lang din naman, I'll hang up this call." Bago pa siya makapagsalita pinatay ko na ang tawag.

My Love From The Past (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon