"So, guys." Inagaw ni Alex ang atensiyon naming lahat. Sina Alex, Den at Gi ang nagplano nitong lahat. Kumuha naman sila ng consent kay Dean para payagan kami.

"We have no problem, ayos na lahat. Nagbook na kami dito sa resort nang matutulugan na'tin. Bale each room, dalawa kayo. I know na iba sa inyo may boyfriend and girlfriend na nandito ngayon." Mahinang natawa ang iba.

Mahigpit kong hinawakan Lily. Gusto ko siyang makatabi.

"Sad to say, magkaibang room ang boys at tsaka girls."
"Magkakaroon tayo ng bunutan kung sino ang magkakasama." Saad ni Gi habang may hawak na dalawang box. May nakalagay sa harap nito na boys and girls.
"Boys, bubunot kayo sa box na'to kung sino ang makakaprehas niyo ng number. It means kayo ang magsasama sa iisang room."

Isa-isa kaming binabunot ni Gi ng number sa box.
Bumagsak ang balikat ko ng hindi si Lily ang makakasama ko.

"Makakasama kita sa iisang kwarto this whole week." Nakangising saad ni Laurien habang nakatingin sa'kin.

"Pwedeng magpalit?" Tanong ni Lily habang nakataas ang kaliwang kamay.

"Nope, kung sino na yung makakasama mo. Yun an yun." Sabi ni Alex. Inirapan lang siya ni Lily.

"Here's your room key." Ako sana ang tatanggap ng susi nang maunahan ako ni Laurien.

"Ako ang nauna." Saad niya bago ako tinalikuran.

"Dash." Tawag sa'kin ni Lily.

"Bakit?" Lumapit ako sa kanya dala ang gamit ko.
"Hindi ko talaga gusto ang babaeng yun. Hindi maganda ang kutob ko sa kanya."

"Ayos lang, wala naman sigurong masamang mangyayari." Saad ko habang nakatanaw kay Laurien.

Maski ako hindi ko gusto na siya ang makakasama ko sa kwarto.

••

"Ayaw kong may katabi ako sa kama. At isa pa sobrang liit ng kama." Sabay turo sa sa kama.

"Kung ayaw mo akong katabi, pwede ka naman sa sofa." Tinuro ko ang sofa na katapat lang ng kama namin.

"Are you sure? Ako?"
"Papatulugin mo sa sofa. Are you out of your mind?"

Nilapag ko ang gamit ko sa gilid ng kama.

"Nasa sayo na yun kung matutulog ka sa sofa. Basta ako sa kama."

"Wow, unbelievable!"

"You know if I have a choice hindi kita gustong makasama." Umupo ako sa kama at mariin siyang tinitigan.

"Wag ka ngang mag-inarte. Kung hindi mo'ko gustong makasama sa iisang kwarto don't worry ganon din ako." Saad ko sa kanya.

Narinig ko pa siyang nagmura.

Umupo siya sa sofa at masamang nakatingin sa'kin. Huminga ako ng malalim bago kinuha ulit ang gamit ko.

"Where are you going?" Tanong niya.

"Diyan ako matutulog." Matamis siyang ngumiti at tumayo.

"Mabilis ka naman palang kausap e." Kasya naman ako dito. Hindi nga lang kasinglambot ng kama don.

"Let's make a deal. Ako ang magdadala ng susi, ok?" Tumango na lang ako. Tutal wala namang makakapigil sa kanya.

"Before 8:00 pm, kailangang nandito na tayo sa room na'to."

Napalingon kaming dalawa sa pinto nang may kumatok.

"Pinapatawag na raw tayo ni Alex." Unang lumabas ng room si Laurien bago ako sumunod.

Pagkarating namin sa dalampasigan. Nandon na silang lahat.

Sinalubong kaagad ako ni Lily at Kieper.

"Ano? Inaway ka ba ng babaeng yun?" Tanong ni Lily habang chinecheck ang buong katawan ko.

"Wala." Natatawang saad ko sa kanya.
"Hay, mabuti naman."

"Guys, magkakaroon tayo event ngayong gabi." Anong event?

"Wag kayong kabahan, mga palaro lang guys. Sulitin na natin ang one week stay natin dito." Sigaw ni Alex habang nakangiting nakatingin sa'ming lahat.

Nagasigawan naman ang iba bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Alex.

Binigyan kami ng iba't ibang gagawin.

Kami ang assign sa mga ihawin. Ang iba naman nagtayo ng volleyball net.

Maglalaro daw sila ng volleyball. Ang iba sa kanila hindi ko kilala. Halata namang masaya silang kasama.

"Masusunog na yang iniihaw mo, ate."

Napakurap ako sa babaeng nasa aking harapan.

"Pasensiya na." Natatawang saad ko at pinaypayan ito.
Bumaling agad ako sa kanya. Saan nga siya nakita?

"Nagkita na ba tayo?" Tumango siya at tumabi sa'kin ng tayo.

"Ako yung apo nong lalaking tinawag mong Korn, ate."

"Naalala ko na." Sumilay ang ngiti sa'king labi kaya pala parang may kahawig siya.

"Kamusta na pala ang lolo mo?" Yumuko siya at lumitaw ang lungkot sa kanyang mata.

"Noong araw na tinawag mo siyang Korn. Palagi ko na siyang nakikitang ngumiti. Noon kasi halos madalas siyang nakatulala parang may inaalala sa nakaraan." Tumingin siya sa'kin.

"Pero lumipas lang ang ilang linggo, binawian ng buhay si lolo." Napaawang ang labi ko. W-Wala na siya?

"Ah, ate. Bago ko pa makalimutan ito." May kinuha siyang maliit na papel sa kanyang bulsa.

"Ang sabi ni lolo ibigay ko raw sayo." Nilagay niya sa palad ko ang papel na yun.

"Alis muna ako, ate." Nakikita ko sa kanya si Elvin. Sa lahat ng tao si Elvin lang ang tinatawag akong ate.
Sinundan ko lang siya ng tingin.

"Kapagod." Reklamo ni Lily at humiga sa may buhangin na nasa tabi ko.

"Oh." Inabot ko sa kanya ang barbeque.

Umupo ito at kinuha ang hawakan ko.

"Maiba ako, nakita ko kayong magkasama ni Klaine kanina." Klaine pala ang pangalan niya.

"Kilala mo siya?" Tanong ko.

"Hmm, kasama ko siya sa drama club pero minsan ko lang siya makita."

"Dash."

"Bakit?" Tumayo siya mula sa pagkakaupo at ibakabayan ako. Hindi ko alam kung ano ba ang takbo ng isip niya.

"Si Den, hindi ko na alam kung sino ang gusto niya." Napakunot ang noo dahil sa sinabi niya.

Sinundan ko ang direksiyon kong saan siya nakatingin.

"Simula ng dumating ang Laurien na yan. Alam mo yun, nag-iba na ang lahat." Hinawakan niya ako sa balikat at pinaharap sa kanya.

"Ngayon ko lang 'to itatanong sa'yo, Dash."

"May gusto ka na ba kay Den?"

"Lily." Tinitigan ko siya direkta sa mata.
"Hindi ako magsisinungaling."

"So, meron?" Marahan akong tumango.

"Hanggang don na lang yun. Ang klima nga nagbabago yung nararamdaman mo pa kaya." Saad ko at nilagay sa plato ang mga naihaw ko.

"Panahon na siguro para lumubog ang ship ko. Sayang at kunteng kembot na lang at lalayag na kaso may bagyong paparating dahilan ng paglubog." Bulong niya.

Hangga't maaga kailangan ko na'tong pigilan at nagpapasalamat rin ako na hindi pa malalim ang nararamdaman ko sa kanya.

Dahil alam kung, kong lumalim pa ang nararamdaman ko mahihirapan na akong makaahon.

Inalapag ko na sa mesa ang mga inihaw ko. Hindi lang naman ako ang nag-ihaw. Bale, sampu kami.

"Kainan na!" Sigaw ni Gi.

Nag-uunahan naman sila sa pagtakbo patungo sa kinaroroonan ko.

Sana maging masaya ang buong linggo ko dito.

My Love From The Past (Completed)Where stories live. Discover now