'Hindi ka ba nagsasawa?' Taas kilay niyang tanong.

'Kung ganito ba naman kasarap ang luto, sino namang magsasawa? Hindi ba?'

Napaawang ang aking labi habang habol ang aking hininga.

"Dash, are you ok?" Hininto niya ang sasakyan sa gilid ng daan.

Namalayan ko na lang ang pag-uunahan sa pagpatak ng aking mga luha mula sa aking mata.

"M-May n-naalala lang ako." Saad ko at pinahid ang aking luha gamit ang likod ng aking palad.
"A-Ahm, s-sino palang nagluto nito? A-Ang s-sarap." Saad ko habang pinipigilan ang hikbi. 

"Do you want to see her?" Napatitig ako sa kanya.

Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niya pero bigla akong nakaramdam ng excitement dahil don.

"Ubusin mo yan." Tumango ako bago inubos ang pagkain bawat subo hindi ko mapigilang maiyak sa hindi malamang dahilan.

••

"Kuya, why are you here?" Bungad sa'min ni Diana nang makakababa kaming dalawa ni Den. Tumigil ang tingin niya sa'kin.
"Oh, Dash. You're here."
"Perfect nandito si lola." Lola nila?

"Mauna ka na sa loob, may pag-uusapan lang kami." Serysosong saad ni Den sa kapatid.

"Ok." Ngumiti sa'kin si Diana bago pumasok sa loob ng bahay nila.

"Dash." Tawag nito sa pangalan ko.

"Why did you bring me here?" Tanong ko sa kanya.
Hinawakan niya ako sa balikat habang nakatingin ng direkta sa aking mata.

"Dash, gusto ka niyang makita."

"What do you mean?" Takang tanong ko sa kanya.

《《Den》》

(Flashback)

"Here, ito yung address ni lola." Diana said.

Ibinigay niya sa'kin ang kapirasong papel na may address ni lola.

"Thank you." Sambit ko bago pumasok sa loob ng sasakyan.

"Ngayon ka na aalis?" Hindi ko na siya sinagot sa halip ay pinaharurot ang sasakyan palayo.

Ilang kilometro lang ang layo. Hindi na ako mahihirapang hanapin kung saan siya nakatira.

Pinarada ko ang sasakyan sa harap ng gate.

'Salamat sa paghatid.' Nakangiting sambit niya bago ako tinalikuran.

'Ca!' Sigaw ng batang babae. Sinalubobg siya ng yakap nito.

'Nasaan ang mama mo?' Hindi na ako nakinig sa usapan nila at sinimulang maglakad palayo.

Hindi pa man ako nakakalayo ng makasalubong ko ang kapatid ni Amaica.

'Ikaw ba si Kai?' Nagdadalawang isip pa ako nang sagutin ko siya.

'Opo.' Magalang na sambit ko sa kanya.

'Bakit hindi ka muna pumasok sa bahay? Hinatid mo ba si Amaica?' Sunod-sunod na tanong nito.

'Hinatid ko lang po si Amaica, aalis na rin po ako kaagad.'

'Sigurado ka bang hindi ka muna tutuloy sa bahay?' Umiling ako.

'Aalis na po ako.' Tumango lang ito at hinayaan na akong makaalis.

"Den?" Napatitig ako sa matandang babae na nakatayo ngayon sa aking harapan.
"Ikaw na ba yan apo?" Itinaas niya ang kanyang kamay at hinaplos ng marahan ang aking pisngi.
"A-Ang laki mo na." Saad niya at pinag-aralan ako ng mabuti.

Mahigpit na yakap ang sinalubong ko sa kanya.

"Patawad." Humigpit ang pagkakayakap ko sa kanya.

"Ayos na yun, apo."

"Patawad dahil ako ang naging dahilan ng pagkawala niya." Kumalas siya sa pagkakayakap sa'kin at hinawakan ako sa balikat.

"A-Abong ibig mong sabihin?"
"Den?"

"K-Kasalan ko kung bakit siya nawala. Patawad." Tulala lang siyang nakatitig sa'kin.

"A-Apo." Kusang nagsipatakan ang kanyang luha mula sa kanyang mata. Hinawakan ko ang kanyang kamay.

"Patawarin niyo ako." Humagulgol na ito na parang naiintindihan ang gusto kong ipahiwatag sa kanya.

"I-Ikaw nga ba yan? K-Kai?" Sunod-sunod akong tumango. Mas lalong lumakas ang kanyang hikbi wala na akong nagawa kundi ang yakapin siya.

"I-Ikaw nga!" Hinaplos ko ang kanyang likuran. At pilit siyang pinapatahan.

《End of flashback》

••

《《Dash》》

"H-Hindi p-pa." Saad ko at kinalas ang pagkakahawak niya sa'kin. H-hindi ko pa kaya.

"Dash, listen to me." Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita ulit.
"Anong pangalan mo?" Nagtataka man pero sinagot ko ang tanong niya.

"Dashne." Sambit ko sa pangalan ko.

"Sa ngayon, gusto niyang makita si Amaica. For the last time." Gusto ko man pero may pumipigil sa'kin para gawin yun.

Akmang tatalikuran ko na siya ng may tumawag sa pangalan ni Den. Pamilyar na pamilyar sa'kin ang boses na yun. Hinding-hindi ko makakalimutan.

'Ang ganda talaga ng kapatid ko parang prinsesa.' Nakangiting sambit niya.
'Pahalik nga.' Walang pasabing hinalikan niya ako sa pisngi.

'Ate naman e.'

'Bakit? Bawal bang halikan sa pisngi ang maganda kong kapatid ha?' Bumungisngis lang ako.
'Magsabi ka nga sa'kin ng totoo, Amaica. May lalaki ka na bang nagugustuhan?' Nanlaki ang mata kong napatingin sa kanya.

'Wala ah!' Biglaang sigaw ko.  Ngumisi lang siya at mariing pisinil ang aking magkabilang pisngi.

Pinigilan ko ang aking sariling lumingon. Pilit kong inihakbang ang aking paa papalayo sa kanya/ sa kanila.

"Dash." Habang nakapikit kusang pumatak ang aking luha mula sa aking mata. May kasalanan ako sa kanya. Nangako akong babalik ako pero hindi ko tinupad.

Mahigpit ang pagkakahawak ko sa strap ng aking bag habang pinapakinggan ang mabibigat niyang mga hakbang.

"A-Amaica?" Sunod-sunod na sa pagpatak ang aking mga luha. Wala akong mukhang maihaharap sa kanya.
"H-Hindi mo ba y-yayakapin ang A-Ate A-Annica mo?" Walang sabi-sabing tumakbo ako papunta sa direksiyon niya at mahigpit na yakap ang aking sinalubong.

"M-Miss na miss na kita." Nilagay ko sa aking bibig ang aking kamay habang pinipigilan ang aking hikbi.

"P-Patawad, ate."
"P-Patawarin mo a-ako ah."
"H-Hindi ako bumalik." Sunod-sunod kong sabi habang mahigpit parin siyang niyayakap.

"K-Kahit kailan h-hindi nagtanim ng galit ang ate sayo." Pinusan niya ang aking luha at niyakap muli.

"Pinagdarasal ko na makita kitang muli."

My Love From The Past (Completed)Where stories live. Discover now