"You can go now." Sabi ko sa kanya.

"Dito muna ako. Wala naman akong ginagawa at isa pa tapos na naman ako sa pinapagawa sa'kin ni Den." Naningkit ang mata ko dahil sa sinabi niya.

"Anon mg ibig mong sabihin?" Nahuli ko mismo sa bibig niya na may pinapagawa sa kanya si Den. Anong pinapagawa sa kanya ni Den?

"O sige, insan. I have to go. May utos pa pala si lolo sa'kin. Bye." Sabi niya at kumaripas ng takbo. Baliw, hindi man lang nagawang hubarin ang suot niyang apron.

Baliw na ba siya?

"Hays, nanalo sila Den." Usapan ng mga kasamahan ko nang makarating sila sa booth namin.

"Past twelve na pala. Hindi pa ba kayo kakain?" Tanong ni Jai.

"Ang sabi sa'tin ni Gi na hanggang twelve lang tayo kasi mamaya may mga ibang event naman daw."

Medyo kumakalam na rin ang sikmura ko e.

"Ililigpit muna na'tin 'to. Nagliligpit na nga sila oh." Turo ni Jai sa katabi namin.

"Ngayon ko lang napansin, ubos na ang paninda na'tin?" Hindi ko maiwasang matawa dahil sa ginawa ni Nico kanina.  Kung alam niyo lang na landi lang pala ang kailangan para makabenta, isa na do'n ang ginawa ni Nico .

••

Hanggang sa maabutan na ako ng dilim, hindi ko parin alam kung dadating pa ba si Kai. Pilit ko paring pinapaniwala ang sarili kong darating siya.

Kunting hintay na lang baka may nangyari lang kaya natagalan siya.

"Maica." Napatayo ako at nilingon ang taong tumawag sa pangalan ko.

"Laurie?" Nakakunot ang noo ko habang naglalakad palapit sa kanya pero natigil lang yun nang may bnunot siya sa kanyang likuran.
"Anong ginagawa mo dito?"

"Hindi na makakapunta si Kai." Paano niya nalaman na magkikita kami ni Kai dito?  At paano niya nalamang nandito ako ngayon?

"I'm sorry, Amaica. Pero hindi ko hahayaang mapunta sayo si Kai."

Napaawang ang labi ko dahil sa sinabi niya lahat nang sinabi niya sa'kin puro kasinungalingan lang pala yun.

"Nasaan si Kai?"

"Hindi pupunta dito ang "fiance" ko." Itinutok niya sa'kin ang baril na hawak-hawak niya.

"L-Laurie, ibaba mo yan." Ilang hakbang paatras ang ginawa ko. Pero humakbang rin ito paabante.

"Yung sinabi ko sayong pipigilan ko ang kasal namin, it's a lie."

Hindi ako makapaniwalang magagawa niya 'to.

Itinapon niya ang baril na kanyang hawak.

"Mas mabuti pang umuwi ka na, Amaica. Hindi na siya pupunta dito." Saad niya bago ako talikuran. Hindi pa man kalayuan mas isang sasakyan ang pumarada at bumaba dito si Kai.

"K-Kai." Yumakap sa kanya si Laurie.

Nakatayo lang ako don habang tinatanaw si Kai na papalapit sa'kin.

"Kai." Tumakbo ako papalapit sa kanya at sinalubong ng yakap.

Nagsimulang mag-unahan sa pagpatak ang luha ko ng sapilitan niyang kinalas ang aking kamay sa pagkakayakap sa kanya.

"Umuwi ka na, Maica. Pasensiya na kung pinaghintay kita dito."

"Kaarawan ko ngayon Kai, bakit ganito?" Hindi niya ako sinagot at umatras para may pagitan sa aming dalawa.
"Kai, bakit?"

"Umuwi ka na, Amaica." Mariing sambit niya. Lumapit samin si Laurie at iniyakap ang kanyang kamay sa bewang ni Kai. Inakbayan naman siya nito na siyang ikinabasag ng puso ko.

Pinalis ko ang aking luha.

"Aalis din ako, mauna na kayo." Sambit ko bago hinarap ang malawak na karagatan.

"Umuwi ka na, Amaica."

"Mauna na nga kayo hindi ba?!" Sigaw ko habang hindi sila nililingon. Sobrang sakit.

Narinig ko ang pag-andar ng kanilang sasakyan, papaalis. Ang saya! Sobrang saya!

Salamat sa regalo, sobrang saya ko.

Parang tinatawag ako ng karagatan. Gustong mawala lahat ng sakit. Tinanggal ko ang aking sapatos at iniwan ito sa may buhangin.

Hindi ko makakalimutan ang regalong binigay niyo.

"Maligayang kaarawan, Amaica."

My Love From The Past (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora