Ganon na ba ako kahalata?

《End of flashback》

Lumayo ako ng kunti kay Lily dahil pinaghahampas na niya ang mga kaklase namin. Ang hirapa talaga pag sinapian ng masamang espirito ang babaeng 'to. Nanakit na eh.

"Kenekeleg eke."
"Ikaw kinikilig ka rin ba?" Tanong niya sa katabi niyang si Gwen.

Baliw na talaga siya. Lumuwag ba ang turnilyo sa utak niya?

"Malamang, isa kaya ako sa admin ng fansclub nila. #DenDash!!"  Saad naman ni Gwen. Tinotoo nga nila ang fansclub na sinasabi nila.

"Ito Dash oh." Pinakita pa sa'kin ni Lily ang groupchat nila. Sa pagkakabasa ko DenDash ang group name nito.

Tumalikod na ako sa kanilang dalawa kanya. Hays, let them be.

"Dash harap ka nga dito." Hinarap ko naman si Lily pero flash ng camera ang sumalubong sa'kin.

"Opps, nakalimutan ko pa lang i-off ang flash. Ok na, marami kasing nanghihingi ng pic mo."

"Lily." Saway ko sa kanya pero tumawa lang ito.

"Sige na Dash, ito lang. Ang cute mo dito oh."
"Wag kang mag-aalala sa group chat lang to namin 'to isesend."

"Bahala ka." Napailing na lamang ako.

Kung ano-anong naiisip ng mga 'to may pa-fansclub pang nalalaman.

Hindi ko na talaga alam kung anong tumatakbo sa pag-iisip ng mga 'to.

"Dash."

"Bakit?" Tanong ko sa lalaking tumawag sa pangalan ko.

"May naghahanap sa'yo." Right timing at wala kaming prof. ngayon.

"Sino raw?" Nagkibit lang ito ng balikat.

Hinayaan ko muna sila Lily at Gwen na mag-usap tungkol sa paglayag ng ship nila.

"Nico, what are you doing here?"

"I need to tell you something." Seryosong sabi niya. Bigla na lamang akong kinakabahan sa kung ano man ang gusto niyang sabihin.

••

"Nagkabalikan na kayo ni Kai?" Tanong sa'kin Laurie nang magka-usap muli kami.

"Hindi ko alam."
"Hindi ko alam kung tama pa ba'tong ginagawa namin. Ibig kong sabihin pinagkasundo kayong ipapakasal kaya dapat hindi na ako nakikigulo sa inyo." Mahabang turan ko sa kanya.

"Amaica, hindi magiging masaya ang pagsasama kung hindi niyo mahal ang isa't isa." Pilit itong ngumiti sa'kin.
"Wag kang mag-aalala, gagawa ako ng paraan para maputol ang kasunduang iyon."

"Laurie, may gusto ka kay Kai hindi ba?" Huminga siya malalim bago muling nagsalita.

"Katulad ko lang si Korn." Makahulugang saad niya.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Oo, may gusto ako kay Kai. Pero hindi ako yung tipo ng tao na ipipilit ang sarili ko sa taong may mahal namang iba. Magkatulad lang kami ni Korn. Kasi hindi niya pinipilit ang sarili niya sa taong hindi naman siya mahal." Mahabang salaysay niya.
"Ang importante ngayon ay magkasama na kayo muli ni Kai. Ilang araw ko na rin siyang napapansin na wala sa sarili dahil hindi niyo pinapansin ang isa't isa isa." Natatawang sabi niya.

May kung anong punyal ang tumusok sa aking puso dahil alam kung gusto niya si Kai pero siya na mismo itong nagpaparaya.

Sana makahanap si Laurie ng lalaking magmamahal sa kanya.

My Love From The Past (Completed)Where stories live. Discover now