At isa na don si Lily.

'They are officially dating!' Sinasabi ko na nga bang magiging issue na naman 'to.

'Bagay sila, hindi ba?' Tanong ulit ni Lily sa comment section.

'Yes! Ship ko sila!'
'Ako din, lalayag na!'

Hindi ko na kinaya. Naitago ko na lang ang mukha ko sa unan na nasa aking likuran.

"Gosh." Ano bang nangyayari sa mundo?

••

Nagdadalawang isip na ako ngayon kung papasok pa ba ako sa loob ng classroom o hindi na. For sure, aasarin na naman ako ng dalawang yun. Napasandal na lang ako sa pader katabi ng classroom namin.

"Tingnan mo nga naman kung sinong nandito?" Huminga muna ako ng malalim bago hinarap si Lily na hawak-hawak ang cellphone niya sa kanang kamay.

"Hi."  Saad ko at kumaway sa kanya.

"Pumasok ka na at marami pa tayong pag-uusapan." Masungit na sabi niya. May dalaw ba ang babaeng yun?

Huminga muna ako ng malalim bago sumunod sa kanya papasok ng classroom namin. Halos lahat ng kaklase ko palipat-lipat ang tingin sa cellphone at sa akin.

"Bakit sila nakatingin sa'kin?" Tanong ko kay Lily nang makaupo kami.

Itinapat niya sa mukha ko ang cellphone na hawak niya.

"Sino ba namang tao ang hindi titingin sa'yo? Nagdate kayo ni Den na president ng swimming club." Bulong na sabi nito. That is not a date!
"Chika mo sa'kin. Anong nangyari? May improvement na ba?" Napailing na lang ako.

Dumating si Kieper na pawisan.

"Anong nangyari sayo?" Tanong ni Lily habang pinasadaan ng tingin si Kieper. Kunot din ang uniform nito.

"Umawat lang kami. Nagsuntukan ba naman ang dalawang kasamahan ko. Ayun si Den badtrip."

"What happened?" Tanong ko. Hindi na niya ako nasagot nang dumating bigla ang prof. namin.

Nagsi-ayos kami ng upo.

Nakinig lang kami sa discussion ng prof. malapit na ang exam namin. And I need to study hard.
Pero hindi mawala sa isip ko ang nangyari kahapon. Erase ka muna. Kailangan kong magfucos.

Mawala ka muna sa isipan ko.

"Bakit ka namumula?" Bulong ni Kieper na katabi ko lang.

"Mainit lang."

"Mainit?" Believe me, please. I don't want to explain anymore. Baka kung ano na naman ang masabi ko.

Nagsulat rin ako ng mga notes. Para may macopy itong sina Lily. Ako lang kasi ang mabait na nagsusulat ng mga sinusulat ng prof. sa board.

Natapos ang class. Wala ng time si Kieper na sumabay sa'min na kumain. Nalalapit na rin ang competition nila. May schedule na naman sa darating na competition at dito lang sa school gaganapin. It's good kasi they don't need to travel.

"Dalhan na lang kaya na'tin si Kieper ng pagkain. Minsan na lang tayo magkakasama. Di ba may gagawin rin kayo sa club?"

"Oo." Sagot ko habang kinukuha ang order namin. Pinabalot ko na lang para madalhan ko si Kieper.
"Hindi naman kami ganon ka-busy." Pagluluto na lang ang gagawin namin.

"Sana pala sa cooking club na lang ako sumali." Napailing na lang ako dahil sa kanya.

"Tara na nga."

"Halatang nagmamadali ah. Gusto mo lang makita si Den." Sabi niya at hindi man lang ako tinulungan sa pagbubuhat ng mga ito.

"Ibang klase rin talaga ang babaeng yun. Ako na ang magbubuhat nitong lahat?" Huminga na lang ako ng malalim bago sumunod sa kanya.

My Love From The Past (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon