••

《Den's Pov》

"Hello?"

[Bro, can we talk?]

"Where?" I asked. It's already 9 pm.

[Nasa labas ako ng bahay niyo.]

Lumabas kaagad ako ng kwarto. Pinagmasdan ko ang pintuan ng kwarto ni Dash.

"Kuya, where are you going?" Diana asked.

"May kakausapin lang ako sa labas saglit."
"Matulog ka na. We have classes tomorrow."

Tinakbo ko na ang palabas ng bahay. Nasa laba nga siya ng gate.

I opened the gate for him.

"Anong pag-uusapan na'tin?"

"Hays, ito na yung pinatatrabaho mo. I don't get it. Pareho pa talaga kayo ni Dashne." Tinitigan ko siya. I heard it right?

"What do you mean?"

"Alam mo naman siguro na pinsan ko si Dashne. May pinatatrabaho rin siya sa'kin na babae. As far as I remember  Amaica Dela Cruz ang pinapahanap niya sa'kin. At ikaw naman Kai Suarez. It's weird." Pinapahanap rin ni Dash ang Amaica na yun.

"Anong nakuha mo sa paghahanap kay Amaica?" Umiling lang si Nicolo.

"It's confidential, bro. Magagalit ang nag-utos no'n pagsinabi ko."
"Ok, I have to go. Nandiyan na lahat ng kailangan mo." Tinapik niya ako sa balikat. Bago pumasok sa sasakyan niya.

Naiwan akong mag-isa sa labas habang nasa kamay ko ang envelope na binigay niya.

I know Nicolo for to long. Nong nasa mall kami kasama si Dashne hindi ko siya nakilala. Matagal na rin kaming hindi nagkikitang dalawa.

"Pakilock ng gate."

"Yes, sir." Sagot ng guard.

Naabutan ko pa si Diana na nagmomovie marathon. Hardheaded.

"Diana." Inirapan lang ako.

"Pagkatapos lang nito kuya. Malapit na rin tong matapos." Wala akong nagawa. Pumasok na ako sa loob ng kwarto. Isang kwarto lang ang pagitan namin ni Dashne.

Nilapag ko ang envelope sa kama. I don't know pero bigla na lang akong nakaramdam ng kaba.

Binuksan ko ang envelope at tiningnan kung ano ang laman nito.

May ilang ducoments ang nandito. Pero hindi ko maintindihan kong anong nakalagay sa mga 'to.

Kinuha ko ang cellphone na nasa aking bulsa.

"Nicolo."

[Sorry bro, hindi ko naipaliwanag ang laman ng mga dukomentong nandiyan.]

"What is this all about?"

[Hindi ko nga rin alam e, binigay lang sa'kin yan ng kakilala ko. Sorry, nasali ko diyan.] Akala ko kung ano.
[Yung pinapahanap mong Kai Suarez. Ayun sa mga pinagtanongan ko sa lugar. Matagal ng patay. He committed suicide, bro.] Humigpit ang pagkakahawak ko sa cellphone.

"What else?"

[Ang sabi binaril ang sarili. Hindi ko alam ang rason kung bakit niya ginawa ang bagay na yun. Hays, ganon din ang kay Dash.]

"What do you mean, Nicolo?"

[Bro, choppy ka.] Sabi niya bago pinatay ang kabilang linya. The heck!

••

"Bakit mo namang naisipan akong dalhin dito?" Tanong ko kay Kai na nakahiga sa damuhan. Nakaupo lang ako sa kanyang tabi habang nakatanaw sa malayo.

My Love From The Past (Completed)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu