"Tignan mo cellphone mo. Tumunog." Nginuso ni Lily ang cellphone ko na nasa mesa. Hindi ko man lang namalayan na bigla na lang tumunog.

'Good morning.' Text sa'kin ni Den.

"Infairness kay president ah. Siya na ang gumagawa ng first move. Kenekeleg eke." Saad ni Lily na parang naging kiti-kiti.
"Replayan mo na."

"Ano namang i-rereply ko?"

"Sabihin mo kong anong nilalaman ng puso mo." Huh? Habang tumatagal lalong naging weird ang babaeng 'to.
"Bakit hindi mo na lang e-direct to the point? Sabihin mo ng mahal mo siya." Seryoso ba siya diyan sa mga sinasabi niya?

Napailing na lang ako habang nagtatype.

'Good morning din. How's the training?' Send.

"Concern ka beh? Sabihin mo na lang kasi na tumitibok na yang heart mo para kay fafa Den."
"Para lumayag naman ang ship ko. #DenDash." Baliw na talaga siya.

***

Binasa ko kung anong sulat ang binigay sa'kin ni Laurie. Nakalagay lang dito na pupunta ako sa likurang parte ng paaralan. Walang sinabi na na kung saan basta sa likurang parte.

"Sigurado ka ba sa nagbigay nito?" Tinaas ko ang sulat. Kinakabahan ako sa sulat nito.

"Puntahan mo na kanina pa yun naghihintay." Nangangatog ang tuhod kong napatayo. Bigla akong kinabahan.

"Mauna na ako." Saad ko bago ipinagpaalam ko ang sarili ko sa kanilang dalawa. Dumiretso kaagad ako sa likurang parte ng paaralan namin. Hindi naman mainit dito dahil naliliman ito ng matataas na punong kahoy.

"Wala man lang kasing pangalan ang nakalagay sa papel na ito."

"Amaica." Napalingon ako sa boses na tumawag sa aking pangalan. Siya ba ang nagsulat nito?

"Kai." Wala namang tao dito bukod sa aming dalawa. Siguro nga siya ang taong nagbigay ng sulat na ito kay Laurie.

"Ikaw ba ang nagsulat nito?" Pinakita ko sa kanya ang nakalukot na papel.

"Hmm." Sabay tango.

"Bakit mo ako pinatawag?" Umiwas siya ng tingin sa'kin.
Namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

"Yung sinabi ko sayo nong isang araw.."
Natigil siya sandali. Papatigilin niya ba ako ulit sa panliligaw ko sa kanya?
"Patawad." Bakit humihingi siya ng tawad?

"Bakit ka humihingi ng tawad?" Mariin ko siyang tinitigan. Para saan ang paghingi niya ng tawad?

"Gusto kong ihinto mo na ang panliligaw mo."

"Bakit mo ba pinipilit mo na ihinto ko ang panliligaw ko sayo?" Kailangan ko na bang sumuko kagaya ng sinabi sa'kin ni Korn.

"Dahil ako manliligaw sayo."

"Ano?!"

••

"Tulaley, na naman si ateng." Kinumpas ni Lily ang kamay niya sa harapan ko.
"I know na si Den na naman yang iniisip mo."

Hanggang ngayon baon-baon parin niya ang mga chocolate na binigay ko sa kanya kahapon.  Hindi ba masisira ang ngipin niya?
"Anong iniisip mo bebe Dash?" Umupo siya sa tabi ko kahit hindi naman niya upuan yun.

"Alam mo yung feeling na palaging may nakikita na images sa isip mo pero hindi mo kilala kung sino ang mga yun. I know it's weird. Maski ako. I can't explain it." Kahit anong paliwanag ko alam kong hindi niya ako maiintindihan. Gosh, what the heck is happening to me?!

"Kinikilabutan ako sayo a."
"Pang mmk yan. For sure sisikat ka."

"I'm not joking, Lily. Everynight, sa pagtulog ko may nakikita akong tao, I don't know them. Paggising ko bigla na lang may patak ng luha from my eyes." Paliwanag ko sa kanya.

"In that case, I read a lot of novels. Siguro yan ang nangyari sa past life mo. I mean, reincarnation kumbaga. Namatay ka na siguro dati no?" Napaatras ako ng ituro niya sa'kin ang hintuturo niya.

Mahina kong tinampal ang daliri niya.

"Aww, kung ganyan rin ang mangyayari sa'kin kikilabutan din ako no." Imposible ba talagang mangyari ang bagay na yun?

Ang gulo!

'Wazzup guys, malapit na kaming umuwi.' Wala pa namang prof. kaya pinagkaabalahan ko nalang ang cellphone ko. Naka-online ngayon si Kieper.

'Miss ka na ni Lily.' Send ko sa kanya ng message ko.

'Wag kang feeling hindi kita na miss.' Sumingit naman si Lily na nasa likuran ko.

'In denial lang yan si Lily.'

'I-add mo nga dito si Den, Kieper.' Pinatay ko kaagad ang data ko at isinuksok ang cellphone sa bag ko. The heck! Lily!

Sinamaan ko siya ng tingin kumindat lang siya sa'kin.

"May pambablackmail na ako sayo." Nakangising saad niya.

"Ewan ko sayo." Hinalukay ko sa bag ang ballpen at notebook.

Hindi ko alam kung bakit bigla ko na lang isinulat ang dalawang pangalan na yun.

"Amaica at Kai." Sino sila?

My Love From The Past (Completed)Where stories live. Discover now