"Aray naman." Napahawak ako sa aking mukha kung saan dumapo ang unan na binato niya.
"Ano ba sa palagay mo ang ginagawa mo ha?" Pinulot ko ang unan sa sahig at binato ulit sa kanya.

"Bakit ka nandito?"

"Ilang araw ka ng hindi pumapasok. Malay ko ba kung anong nangyari sayo." Kung anong ikinaganda ng bahay nila ganon din ang ikinalat ng kwarto niya.
"Hindi ka pa ba umiinom ng gamot mo?" May gamot pa kasi ibabaw ng mesa sa gilid ng kama niya, wala pang bawas.

"Hindi ako umiinom ng gamot." Parang ganito rin yung nangyari sa'kin noon a.

"Inumin mo na yan. Sa makalawa na tayo pupunta sa sinasabi ko sayong asul na dagat." Pinagsalikop ko pa ang aking mga kamay.

"Hindi ako umiinom ng gamot." Pag-uulit niya.

"Ito oh. Panulak." Dinukot ko ang candy na nasa aking bulsa.

Alam ko ang pakiramdam na papainumin ka ng gamot kahiy ayaw mo. Kung gaano kapait ito.

Tiningnan ko ang kabuuan ng kwarto niya. Maraming libro ang narito. Hilig niya talaga ang pagbabasa.

"Sayo ba lahat ng 'to?" Turo ko sa mga libro na naririto.

"Oo, bigay lahat yan sa'kin ni papa." Ang bait naman pala ng papa niya e. Binigay lahat ng mga 'to sa kanya.

"Nakilala ko pa la yung kapatid mo. Mas gwapo pa pala siya kesa sayo."

"Tsk." Tago akong napangiti.

"Sana pala siya na lang niligawan ko." Madilim siyang napatingin sa'kin.

"Subukan mo lang." Mas lumapad ang ngiti ko. Abot tainga na nga e.

••

"Anong nangyari kahapon? Sabi nila magkasama raw kayo ni Den. Chika muna sa'kin bilis." Pangungulit sa'kin ni Lily.

Ano naman ang ikukwento ko sa kanya. Namili lang naman kami ng mga kakailanganin namin para sa members ng swimming club then wala na.

"Namili lang naman kami ng mga kakailanganin na ingredients para sa kakainin ng mga taga-swimming club." Sabi ko sa kanya.

"Bakit sa sasakyan ka niya sumakay? Di ba may sasakyan ka naman?"

"Oo, nga." Sabat naman ni Kieper na kanina pa pala nakikinig sa usapan namin.

"Nasira ang sasakyan ko. Hindi ko nga alam kung anong nangyari. Di ba? Pagpunta na'tin dito ayos pa naman yun?"

"Isa lang meaning niyan. Ang tadhana na ang gumawa ng paraan para pagtagpuin kayo. Ganyan rin ang napapanood ko sa mga k-drama." Iba ang k-drama sa sitwasyon ko. This is reality.

"Kieper, di ba ngayon ang alis niyo?"

"Oo, humingi pa ng consent si Den para sa pag-alis namin." Napatango na lang ako.

Ang ibig sabihin lang nito si Lily lang ang makakasama ko sa buong linggo. One week silang mag-iistay sa kung saan mang lugar sila pupunta.

"Alis na ako." Tinapik ni Kieper ang balikat ko at bumulong.
"Wag kang mag-alala pipicturan ko si Den para sayo." Muntik ko ng mabato sa kanya ang libro nakapatong sa table ko. Kahit kailan talaga.

"Wag mo rin akong kalimutan Kieper!" Sigaw ni Lily sa papalabas na si Kieper.

Lima kaming naka-assign sa paggawa ng sandwich. Bale, fifty sandwiches lahat ang ginawa namin. Binigyan kasi kami ng list of members ng swimming club. Marami talaga sila.

My Love From The Past (Completed)Where stories live. Discover now