"Weew. Ang ganda." Pumasok na ako sa driver seat. Si Lily sa tabi ko habang si Kieper naman nasa likuran. Nagsimula ng mag-ingay ang tiyan ko.

Ako pa ang bibili ng mga ingredients na lulutuin namin para sa members ng swimming club.

Free naman ako. Yung iba kasi may kanya-kanyang ginagawa kaya ako na ang nag-volunteer. At para naman hindi na sila mahirapan sa pagcocommute.

Kasama ko naman ang isa sa ka-member ko. Siya kasi ang may listahan kung ano ang mga bibilhin. Binilin na rin sa'min ni Gigi ang pera.

Iniliko ko na ang sasakyan papasok ng university. May sariling parking lot ang university kaya pwede mong ipasok ang sasakyan. May licence na naman ako, so no need to worry.

Nang ihinto ko ang sasakyan tumingin ako kina Lily.

"Ngayon ba talaga ang audition niyo? Akala ko ba next week pa?" Nakasimangot itong tumango sa'kin .

"Oo, sabi ng co-members ko. Hindi na daw pwede sa next week kasi magiging busy ang president ng drama club." Kinalas ko ang seatbelt.

Nauna akong bumaba, sumunod naman sina Lily. Sabi ni Kieper may practice sila ngayon kaya hindi pwedeng lumiban. Masyadong strict ang presisdent nila. Isang absent lang sa practice out na kaagad.

"Goodluck sa inyo. Susunduin ko ba kayo mamaya?"

"Oo-"

"Wag na, magcocommute nalang kami." Tumango na lang ako.

"Alis na ako." Sabi ni Lily sinundan naman siya ni Kieper. And here I am. Mag-isa na naman.

Naglakad ako patungong cooking club.

Nakabukas na ang pinto kaya pumasok na ako.

"Gi." Tawag ko sa kanya parang may kausap pa siya.

"Dash." Lumapit ako sa kanya. Wala pa pala akong kain. Nakalimutan ko. Mabilis lang naman sigurk kaming matatapos sa pamimili.

"Nandito ka na pala. Yung memebers na sasama sa'yo. Nagpaalam na hindi siya makakasama sayo dahil may emergency. Kaya nag-volunteer ang presisdent ng swimming club na tutulong sa pamimili. Dumapo ang tingin ko sa kanyang likuran. Si Den nga ang kausap niya kanina.

"A-Ahm, k-kaya ko namang mag-isa."

"Masyadong marami ang kailangan bilhin. Kaya mas mapapabilis kung may kasama ka."
"Here's the money." Nilagay niya sa palad ko ang pera at maliit na notebook. Nandoon siguro ang listahan ng mga bibilhin.

"Go ahead, baka matraffic pa kayo."

••

Ilang araw ko ng hindi nakikita si Kai. Kaya palagi ko ng kasama sina Laurie at Korn.
Wala rin naman siyang sinabi sa'kin kung bakit siya absent ngayon.

"Ang laki yata ng problema mo?" Napangalumbaba ako sa mesa habang nakatingin sa kanila.

"Hindi niyo nakita si Kai?" Sabay silang napailing habang nasa bibig pa nila ang kutsara. Kain lang ng kain ang mga 'to. Tsk, asan na kaya ang lalaking yun.

"Nag-away ba kayo?"

"Hindi naman." Sagot ko sa tanong ni Laurie.
"Korn di ba magkaklase sila nong kaibigan mo? Hindi ba pumapasok si Kai?"

"Ilang araw na raw hindi pumapasok si Kai."

"Bakit raw?"

"Ewan." Sagot ni Korn at inabala ang atensiyon sa pagkain. Maliban sa'kin wala na akong ibang kakilala ni Kai dito. Mailap kasi siya sa ibang tao.

My Love From The Past (Completed)Where stories live. Discover now